CHAPTER 18 "COC Project"
Mao's Pov
Andito kame lahat ng studyante sa gym. I mean mga fourth year lang. Andidito daw kase ang COC group para sa COC project. Ang weird ng name ng company nila noh..
Bibigyan daw nila ng happy memorise ang mga fourth year student bago daw kame gumraduate. HAPPY nga ba talaga?
"Good morning fourth year!!"
*Kru..Kru..kru..kru.."
Nga nga! ang weird niya kase wala tuloy pumansin sakanya..
"Hahaha!! ok I understand Di niyo pa ako kilala.. So! ako pala si kuya Jacob. At mula ako sa COC company. Hindi yung laro ahh."
"So! gusto ko sana mag enjoy tayo!"
"First game sino MATAPANG dito?" nag taasan ng kamay yung mga boys. May pinaakyat siyang lalake mukha siyang nerd na walang salamin.Yung parang hacker??
"Pipiringan kita.Huwag mo tatanggalin ah.." piniringan niya ng black na panyo yung lalake.
"Kuya ano pangalan mo?"
"Andrei."
"So! kuya Andrei kung may ipapahubad ako sayo na isa sa suot mo ngayon ano yun?."
"T-shirt! T-shirt!." matapang na sabe niya. Hinubad niya yung t-shirt niya. Sibilian lang kase ang suot namen ngayon. Puro ang t-shirt dapat royal blue at naka maong pants kame..
"Isa pa. Kung may ipapatanggal ako na isa sa suot mo ano yun?."
"Sapatos!." nag sisigawan na sila at nag titilian hindi dahil sa hot si kuya. Buto buto siya ehh. Pero sa totoo lang kung may ipapatanggal saaken si Kuya Jacob ang tatanggalin ko yung piring sa mata ko. Ewan ko ba kung hindi alam ni kuya Andrei yun o pinapakita niya lang na matapang siya. Pero sabagay ang larong yan ay para sa matatapang hindi naman sinabe na palaisipan. Tama rin. Natapos ang walang kuwentang ice breaker at sumunod naman ay simon says.. lahat kase kame may upuan. At alphabetical order kaya hindi ko katabe yung dalawa.
"Kapag sinabe kong simon 'says sitdown' uupo kayo. Pero kapag wala akong sinabeng simon says hindi niyo gagawin yung inuutos ko. Gets niyo?." nag tanguan yung mga tao sa loob ng gym. Nilibot ko yung mata ko. Hindi kame lahat nakatayo. Syempre meron ding hindi makikipag cooperate.
"Simon says... jump!." nag talunan kame. Yung mga hindi tumalon pinaupo nalang.
BINABASA MO ANG
Teenage Problems
Jugendliteratur"Teenage Problems" by:KawaiAngelTetsu Prolouge: ~Teenage Problems~ Mga problemang nararanasan ng mga teenager. Lahat naman kase ng teenager ay may nararanasang problema. Marameng problema ang nararanasan naten. Tulad ng: STUDY ATTITUDE LAZINESS EMOT...