CHAPTER 27 "Jade"
Jade's POV
Wednesday ngayon. Tatlong araw na mula nung nagpunta kame sa MOA. Tatlong araw na ring absent si Mao. At hindi namin alam kung bakit. Kung aalis naman yun ay mag sasabi siya saamin. O kaya may pupuntahan siya na hindi kame kasama. Nasaan kaya yung babaeng yun. Wala ba siyang balak mag paramdam. Tsk Tsk!
Nasa school ako at naupo sa upuan ko. Nakahalumbaba at nakatingin sa black board. Sa black board hindi sa teacher. Ewan! hindi nag fa-function ang utak ko. Ang pagiging top 1 ko kase sa klase ay nadadaan ko sa sipag. Pero kung tatanungin kung sino mas matalino saamin ni Mao. Aminado naman akong siya. Natural ang talino ng isang yun.
"Jade!" napatingin ako sa teacher ko. Si Maam biology ang teacher namin ngayon.
"May balita ba kayo kung bakit absent na naman si Maori ng tatlong araw?" umiling lang ako biang sagot at tumingin kay Maddie. Tulad ko wala din siya sa sarili. Iniisip din siguro niya si Mao. Last time kase na umabsent siya ay nung nalaman niyang ampon siya. May problema na naman kaya yung babaeng yun at hindi na naman siya nag sasabi.
"Si Maori napapadalas ang pag absent ah! Ay wait lang class may tumatawag." kinuha ni maam yung cellphone niya at lumabas muna ng classroom. Nagdaldalan naman ang mga classmate ko pero hindi ko magawang makisabay kase iniisip ko si Mao.
"Class!" napatingin kaming lahat kay maam.
"Nasa Japan daw si Maori." napatingin ako kay maam sa narinig ko. Napatingin din ako kay Maddie at nag tama ang paningin namin.
"Mama niya yung tumawag. Nasa Japan daw sila ngayon. Ang sabi pa baka daw matagalan si Maori dun. Mukha daw kasing nagugustuhan na ni Maori sa Japan at hindi na bumalik dito." napatayo kami ni Maddie sa sinabi ni Ma'am kaya napatingin siya saamin.
"Joke lang! Makatayo? Friendship goals? Anyways nasa Japan talaga si Maori. Babalik pa naman siya. May problema lang daw silang inaayos sa Japan. Jade! Maddie! Umupo na kayo!" napabuntong hininga ako at umupo. Umupo na rin naman si Maddie at nag klase na ulit si Maam.
Nang mag uwian sabay kame sabay kaming umuwi ni Maddie pero hindi kame nag uusap. akala ko magiging tahimik lang siya pero nag salita siya..
"Ano kayang problema ang inaayos nila sa Japan?" walang ganang tanong ni Maddie.
"Walang nakakaalam.." seryosong sabi ko. Naging tahimik lang kami hanggang makauwi kami. Nadatnan ko naman na nagluluto ang kapatid kong si Jaydie.
"Jade! nakauwi ka na pala!" masayang bati niya pero tiningnan ko lang siya at dirediretsong umakyat sa kuwarto ko.
Nagbihis lang ako ng damit at humiga sa kama ko tsaka pumikit..
BINABASA MO ANG
Teenage Problems
Teen Fiction"Teenage Problems" by:KawaiAngelTetsu Prolouge: ~Teenage Problems~ Mga problemang nararanasan ng mga teenager. Lahat naman kase ng teenager ay may nararanasang problema. Marameng problema ang nararanasan naten. Tulad ng: STUDY ATTITUDE LAZINESS EMOT...