CHAPTER 24 "National Kiss Day Part 2"
Maddie's POV
"MADDIE BILISAN MO!!."
>3<
Sinigawan nanaman ako ni Jade. Ahem! kasama ko si Jade na nakikipagsiksikan sa mga estudyante. Hinahanap kase namen si Maori. Hayyss.. saan ba kase nagpunta yun! Sabe kase ni Lilly kanina bigla daw lumabas at hinabol ng mga estudyante. Nakikipagsiksikan ako buti na lang babae yung mga nag kalat ngayon.
"Awwtss!." napaupo ako nung may tumapak sa paa ko. Tinignan ko yun at nadumihan lang yung medyas ko. May nakatabig saakin kaya napahiga ako sa sahig at agad naman akong napaupo. Buti na lang talaga at nakatali yung sweater ko sa beywang ko. Nagulat ako nung biglang may humila sa dalawang braso ko at tinayo ako.
Napatingin ako sakanya pero agad ko ring ginala yung paningin ko. Hindi ko mahanap si Jade! 0__0 Hala! Nasaan na yun. Siksikan parin pero hindi na gaano. Napatingin ako sa tumulong saakin patayo. Lalaki siya. Hinihintay kong makaramdam ng takot pero wala akong naramdaman. Pero namula ako nung naalala ko yung huling pagkakita namen. Napatungo ako at nagmamadaling umalis sa nagsisiksikan ng hablutin niya ang kamay ko. Itutulak ko sana siya ng mahuli siya ang dalawang kamay ko kaya napatingin ako sa mga mata niya. Kahit hindi siya nakangiti alam kong nakangiti ang mga mata niya. Agad kong naramdaman ang mabilis na pag tibok ng puso ko.
*dub..dub..dub..dub..*
>//////////<
Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit ba ang bilis ng tibok nito tuwig siya ang kaharap ko. Kilala ko siya.. Ay hindi pala.. Hindi kilala ko talaga siya. Alam ko ang pangalan niya. Inalala ko yung mga oras na kausap ko siya. Hindi ko pa pala nababanggit yung pangalan niya. Hindi ko pa nasasabi yung pangalan niya. Nakakuwentuhan ko na siya pero hindi ko parin nasasabi yung pangalan niya. Hindi ko pa nasasabi sakanya na ang ganda ng pangalan niya. Unique! Hindi ko pa nasasabi na ang sarap pakinggan ng pangalan niya. Bakit hindi ko mabigkas? Ano bang mali saakin at hindi ko masabi..
Maddie kaya mo yan..
Go Maddie..
Binuka ko ang bibig ko pero sinara ko ulit..
Maddie.. pangalan lang niya yan..
Bigkasin mo na hindi ka naman mamamatay kapag binigkas mo ehh..
Go Maddie..
"H-Hebrew.." nakahinga ako ng malalim nung nabigkas ko yung pangalan niya. Mula sa seryosong mukha ay kitang kita ko kung paano ito napalitan ng masayang mukha. Ngumiti siya. Hindi lang basta ngiti.. Ngiti na nakakatunaw..
"Maddie.." nakangiti niyang sinabi ang pangalan ko kaya hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako..
"Ngayon mo lang binigkas ang pangalan ko.. At hindi lang yun, hindi mo ako sinapak hahahaha!!." biglang nawala ang ngiti sa mukha ko nung naalala kong hindi ko nga siya sinapak. Naalala kong hindi ako nakaramdam ng takot sakanya kanina. Bakit? Natauhan lang ako nung hinalikan niya ang kanang pisngi ko. Napaatras ako at napahawak sa pisngi ko.
BINABASA MO ANG
Teenage Problems
Teen Fiction"Teenage Problems" by:KawaiAngelTetsu Prolouge: ~Teenage Problems~ Mga problemang nararanasan ng mga teenager. Lahat naman kase ng teenager ay may nararanasang problema. Marameng problema ang nararanasan naten. Tulad ng: STUDY ATTITUDE LAZINESS EMOT...