CHAPTER 21 "Realizing"

27 3 0
                                    

CHAPTER 21 "Realizing"

Maori's Pov

"Maori..."

Napalingon ako sakanya. Ano naman ang ginagawa niya dito? gabe na kaya! hayy.. Naupo siya sa tabe ko at tumingin saken.. walang nagsasalita saaming dalawa. Err.. baket ganon.

"Anong ginagawa mo dito?." tanong niya saaken pero hindi ko siya sinagot.

"Baket parang hindi kita mahagilap sa school."

"Sumagot ka naman parang nakikipagusap ako sa sarili ko ehh."

"Hayy.. hindi lang siguro tayo nagkikita." sabe ko na lang. Ehh hindi ko naman talaga siya makita sa school ehh. Medyo naiilang akong kausapin siya.. Yung ano kase .. hhmm .. "Maori gusto na ata kita" >////////< waaah .. ayoko ng balikan!! HMP! alam niyo na siguro kung sino ang kasama ko!

"Hoy!."

"Ayy butiki!."

"Hindi ako butiki tsk. Gabe na ahh.. baket nandito ka pa."

"Gusto ko ehh."

"Teka nga umiyak ka ba! kanina ka pa singhot ng singhot!."

"Hindi." tipid kong sabe at tatayo na sana kaso mabilis niya akong hinawakan sa kamay at hinila paupo ulit.  Sa sobrang lakas ng pagkakahila niya napaupo ako sa sahig. 

"Aray ko naman!." sabe ko sabay pagpag sa puwetan ko. Tsk yan ba yung may gusto saken.. Nang hihila ! teka nga "Maori gusto na ata kita" YUN! 'ATA' di pa siya sigurado! Maori masyado kang assuming tss..

"Bakit ka umiiyak?."

"Wala."

"Baket nga!!."

"Tsk. basta.. may problema lang ako." sabe ko sabay tingin sa itaas. Hayy.. naalala ko yung star gazing.. Letse!

"Ano namang problema mo?."

"Masyado siyang personal. Nasan ang privacy ko!." haha.. trip ko lang. Pero masyado naman talagang personal yun diba.

Nung hindi na siya umimik tinignan ko siya. Halatang halata na mamahalin ang suot niya. Tsaka ko lng din napansin yung motor niya ! at sigurado akong mahal yun! 

"May motor ka pala?." malumanay kong tanong.

"Syempre! mayaman ako ehh." 

"Paano kung ampon ka pala!." tanong ko pero nakatingin na ako sa itaas.. sa mga stars..

"Ako magiging ampon! Ehh kahit saang anggulo mo tignan ang tatay ko kamukhang kamukha ko!." may halong pag yayabang niyang sabe.

"Ako nga kamukha ko rin Daddy ko pero ampon ako ehh." pabulog kong sabe..

"Ano?."

"Wala. Hayy.. paano lang naman kung ampon ka! Hindi ka ba mahihiya kase pabili ka ng pabili ng mga mahal na gamet pero hindi ka pala tunay na anak. Hindi ka ba magagalet?." sunod sunod kong tanong sakanya pero nasagot niya pa rin iyon..

"Hindi! baket ako mahihiya at magagalet? mag papasalamat pa nga ako at kinupkop nila ako! magpapasalamat pa ako at ibinigay nila yung mga gusto ko. Na kahit hindi nila ako tunay na anak itinuring nila akong bilang anak." napatingin ako sakanya. Hindi ko akalain na lalabas mula sa bibig ng isang Harvey Cruz ang mga salitang yun? Si Harvey ganon mag isip?

Dapat din bang imbis na magalet ay mag pasalamat ako kela mommy at daddy? Tinitigan ko siya? baket parang ok lng sakanya ang ganung sitwasyon? pero bakit hindi ko matanggap?

"Paano yung mga totoo mong magulang?."

"Wala! sa tingin mo mag aaksaya ako ng panahon para hanapin sila! Hindi na uy! pinamigay nila ako o kung hindi man pinaampon nila ako tapos hahanapin ko sila."

Teenage ProblemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon