CHAPTER 20 "Maori's Problem"

24 3 0
                                    

CHAPTER 20 "Maori's Problem"


Mao's Pov


"Mao!."

"Psst.."

"Psst.."

"Uy.."

"HOY!!."

"Ayy kalabaw!.. Jade naman ehh." sabe ko sabay pout.. nasa mini stop kame ni Jade. Absent kase si Maddie nag kasaket daw dahil natulog sa tent. Wala kase kameng dalang sapin. Di kame girls scout ehh.. Speaking of tent nung star gazing   (Anong connect=,=) haha.. basta nung star gazing ilang days na ang nakakaraan.. yung .. yung.. err.. "Maybe we found love right where we are" aiisst leche! waahhh..

"Maori! kanina ka pa tulala.. nilalagnat ka ba? namumula ak ehh." napatingin ako sa phone ko. Di ko makita black kase yung screen. Pero nararamdaman ko na namumula na yung mukha ko.

"Ahh.. ehh.. ahh.. ehh.."

"Naging si Maddie ka na ba hah Maori?." tanong ni Jade. Tumayo ako at kinuha yung bag ko at nag lakad na pauwi. 


Kahit kase may kotse kame mas gusto kong nag lalakad. Para bawas fatss.. haha! Habang nag lalakad ako napadaan ako sa park. May nakita akong batang babaeng nag sesenti? haha siguro mga 8 or 9 years old palang siya. Dahil hindi ko matiis na nakasimangot siya nilapitan ko siya.

"Hi!." umupo ako sa ilalim ng puno sa tabe niya. Tinignan lang niya ako at inirapan. Aba! ang taray ni ateng!

"Err.. taray mo ahh." sabe ko ng pabulong pero laking gulat ko ng tumingin siya saakin at nakita kong may tutulo ng luha sa mata niya .. 0___________0 hindi po ako ! hindi ako ang nag paiyak sakanya..

"Eh? bakit ka iiyak?."

"UWAAAAAAAAH!!!."

"Eyy.. tahimik baby girl!."

"UWAAAAAAAAAH!!." pinag titinginan na kame ng ibang taong nag lalakad lakad..

"Baby girl! sshh.. huwag ka na umiyak!." nagulat ako ng bigla nalang niya akong niyakap at umiyak sa mga bisig ko! napatingin ako sa  batang umiiyak! bigla ko nalang din siya niyakap! Nung tumigil na siya tinanggal ko na ang pag kakayakap ko sakanya! tumingin siya sa mga mata ko at nakita ko ang mga lungkot sa mata niya?

"Baby girl! bakit ka umiyak kanina? may masakit ba sayo?." umiling siya

"Eh? bakit ka umiyak?." tumingin siya sa paanan niya at nilaro yung mga bato. Dahil wala naman ata siyang balak sabihin saakin tatayo na sana ako ng mag salita siya..

"Narinig ko po sila mommy at daddy.. ampon daw po ako.." napatigil ako ng narinig ko yung sinabe niya! parang bigla na lang ako nakaramdam ng kaba?

"Feeling ko po hindi ako love nila mommy at daddy.. *sniff* *sniff*."

"Sshh.. love ka nila! kase kung hindi di ka nila ike-care! hindi ka nila iki-kiss." sabe ko sabay kiss sa forehead niya.

"Hindi ka nila ino-nose to nose." sabe ko sabay nose to nose sakanya..

"At hindi ka nila iha-hug." sabe ko ulit sabay hug sakanya. Narinig ko naman na tumawa siya. hayy sawakass napatawa ko din siya..

"Kaya umuwi kana sa bahay niyo at ihug si mommy at daddy. Gusto mo ba ihatid kita sa house niyo?." tumango tango siya kaya hinawakan ko ang kamay niya at naglakad.


Tinuro naman niya yung direksiyon kung saan kame pupunta at nang nakarating na kame sa bahay niya pinapasok kame ng guard kase kasama ko naman siya. May nakita akong lalaki na nakahawak sa noo niya at pabalik balik sa pag lakad. May nakita din akong babae na tawag ng tawag sa phone niya at mukhang nag aalala na.

"Mommy.. Daddy.."

"Elsa!." sabe nung babae at sabay silang lumapit kay baby girl/ Elsa at niyakap.. Namiss ko tuloy bigla si mommy at daddy.. Napatingin naman sila saakin at ngumiti..

"Thank you!." ngumiti lang ako at after nun umalis na din ako. 


Pumasok agad ako sa bahay pero napahinto ako ng may marinig akong nag uusap..

"Kukunin ko na ang anak ko!!."

"Hindi mo puwede gawin yun! saamin siya ipinagkatiwala ni Naoki!." boses ni Daddy yun! panget ang accent ni Dad sa tagalog! wait andiyan na sila daddy! papasok na sana ako sa pinto ng mapahinto ulit ako sa narinig ko..

"Hindi mo puwede kunin si Maori! hindi mo kunin ang anak ko!." boses ni mommy yun? ?_?

"Anak ko si Maori! Hindi siya isang Kamari!." huh?

A-ano daw?

Hindi ako tunay na Kamari?

Pero.. pero kamukha ko si si Dad..

Anak nila ako!

Isa akong Kamari!

Ako si Maori Jae Kamari!

"Mom.. Dad.." napatingin silang lahat saakin.. naluluha na ako hindi ko maintindihan ang nang yayari..

Ang tumatak lang sa isip ko sa mga pinag usapan nila ay ang sinabe niyang..

Hindi ako isang Kamari!

"Akacha-." 


Bago pa mataposs ni mommy yung sasabihin niya tumakbo na ako pataas at nag kulong sa kuwarto ko!

Natawa ako ng maalala ko si Elsa..

Ang lakass ng loob kong sabihin lahat ng iyon sakanya ako rin pala AMPON!

Ampon lang ako! 

Bigla kong naalala yung time na pinipilit kong bilhan ako ni mommy ng latest version ng i phone.

Yung mga signature bags,dress,shoes at kung ano ano pa!

Yung International School na pinapasukan ko!

Hindi ko pala lahat yun deserve!

Hindi ako tunay na Kamari!

Hindi ako bagay makipag kaibigan kela Jade at Maddie..

Hindi ako bagay kay Harvie!

Bigla akong napahagulgol sa mga iniisip ko! Sobrang tagal ko na sigurong umiiyak! Kinuha ko yung phone ko at tinignan yung oras 10:00 pm na.. tulogg na sila.. napahinto ako at dahan dahang inilapag yung i phone ko sa kama!


Tumayo ako at nag bihis ng simpleng shirt at pants..Kinuha ko din yung jacket ko! Dahan dahan akong lumabas. Nag lakad lakad lang ako hanggang napahinto ako sa pag lalakad ng mapadpad ako sa park kung saan ko na meet si Baby Elsa..


Naupo ako sa puno kung saan kame naka upo kanina at sumandal.. Tumingin ako sa langit at nakita ang milyon milyong stars.. Naalala ko bigla?

Yung babae ba kanina ang tunay kong mommy?

Kung ganon sino ang daddy ko?

Feeling ko tuloy bigla na lang ako nangulila sa daddy ko?

Naalala ko ulit si Baby Elsa?

May mag papatahan din ba sa pag iyak ko?

"Maori?."

Napatingin ako kung saan nang galing ang boses at nakita ko si..

0_____________0

Teenage ProblemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon