CHAPTER 25 "National Kiss Day Part 3"

23 2 0
                                    

CHAPTER 25 "National Kiss Day Part 3"



Jade's Pov



0__-

-__0

0__0



Agad kong tinignan yung orasan sa side table ko at napatayo ako nung makitang umaga na pala. Tumayo ako at niready yung sosootin ko para sa araw na ito. Dumiretso ako sa banyo at naligo. Nag bihis rin ako pagkatapos kong maligo. Inayos ko lang ang sarili ko at bumaba na para kumain ng almusal. Nadatnan ko ang kuya kong si Jaydie. Nagkakape siya habang kumakain. Nawala ako ng ganang kumain kaya lalabas na sana ako nung tawagin niya ang pangalan ko.


"Jade"

"Tumawag si Mama.." napalingon ako sakanya..

"Kausapin mo daw sila after your class" tumango lang ako at padabog na umalis. Ano nanaman kaya yun?


Wala naman akong matandaang ginawa ko. Tsk? ano nanaman kaya trip ng magulang ko.. haaayy.. Mabilis akong nakarating sa school at si Maori agad hinanap ng mata ko dahil hindi ko siya makita. =___= ano pa nga ba? tsk. Mahinahon akong lumapit kay Maddie na nakangiti habang nagbabasa ng libro. Mukhang nag e-enjoy siyang mag basa ahh.. Sorry siya dahil kailangan kong pigilin kasiyahan niya.


"Maddie.." nakangiti siyang lumingon saakin. Gaya ng dati nakatali nanaman yung sweater niya beywang niya. Ganyan siya palagi samantalang kaming mga kaklase niya nakasuot na ng sweater. Tsk Tsk

"Nasaan si Mao?" tanong ko. Agad naman nawala ang ngiti sa labi niya at iginala ang mata. Kumunot ang noo niya ng walang Maori na makita at tumingin saakin. Ilang beses niya umiling iling at agad napatingin kay Lilly na seatmate ni Mao. Lumapit kame ni Maddie kay Lilly.


"Lilly! Nasaan si Mao?" tanong ni Maddie.

"Huh? Si Mao hhmmm.."

"Sagutin mo na lang tsk!" seryoso kong sinabe sakanya.

"Ahahaha! Ang seryoso mo talaga Jade. Actually hindi ko alam kase bigla na lang siya lumabas at hinabol

ng mga schoolmate natin ahaha.. Ang ganda ni Maori hah! Harvey Cruz ang boypren! Ahahahah.." napakunot ako ng noo sa sinabe niya. Anong hinabol? Tsaka anong boypren.


"Nagkakamali ka.. Walang boyfriend si Mao.." mahinhin na sabe ni Maddie.

"Anong walang boypren! Ayan ohh..HAHAH!!" malakas na sabe niya sabay pakita saakin ng phone niya na may picture ng isang artista?

"Anong meron diyan?" nakataas na kilay na sabe ko. Agad naman niyang hinarap sa sarili niyang phone at napapahiyang napatingin saakin.

"Ahehehe.. Sorry hindi pala ito.. Teka! Ito oh! Look si Maori toh at si Harvey Cruz.. YIEEH!! MaoVEY!! YIEH." kinuha ko yung cellphone niya at tinignan. Picture yun na may kasamang lalaki si Maori. Ito yung kasama ni Chance palagi ahh.. Tsk Tsk Pabato kong binalik kay Lilly yung phone niya at nasalo naman niya yun. Agad kong hinablot yung braso ni Maddie at nakipagsiksikan sa mga estudyante. Ano bang meron at siksikan masyado.


"J-Jade saan tayo pupunta?"

"Hahanapin si Maori.."

Teenage ProblemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon