CHAPTER 22 "My Real Friends"

27 3 1
                                    

CHAPTER 22 "My Real Friends"



Jade's Pov


Tumatakbo ako! tumatakbo kame ni Maddie. Tatlong araw ng hindi pumapasok si Maori. Tinanong namen yung mom at dad niya pero ang sabe nila pagpahingahin muna namen siya. Siguro naman sobra sobra na ang tatlong araw para sa pahinga niya. Lakad takbo ginawa namen para makarating sa bahay niya. Papasok na sana kame sa gate pero hinarang kame ng guard.


"Hey! papasok kame!." sabe ko sa guard. Bata pa lang nag pupunta na ako dito tapos ngayon pa kame haharangin! Patawa lungss.. tsk tsk

"Nasa vacation po ang pamilyang Kamari." sabe naman nung guard.

"Youre lying! hindi pupunta ng vacation si Maori kung hindi kame kasama! We wants to talk to her! so please,TABI!." sabe ko sabay tulak sa guard pero hindi siya natinag. Napansin ko naman si Maddie na limang metro ang layo sa guard. Bigla naman akong nakaisip ng evil pla.

"Maddie!"

"H-huh? b-baket?"

"Halika dito!" lumapit naman siya pero isang hakbang lang.

"Lapit pa!" lumapit siya pero isang hakbang nanaman. I rolled my eyes at hinila siya sa braso. Inilapit ko siya sa guard at gaya ng inaasahan ko.. *BOOOOOOOOOOOGSH*

"JADE!" sigaw niya sabay bitaw at umupo sa sahig na malapit na umiyak.

"No choice tayo Maddie. Halika na! puntahan na natin si Mao!"


Pumasok na kame sa bahay nil at tinakbo ang kuwarto ni Maori. Sinubukan kame harangin ng mga katulong nila pero hindi nila nagawa. Nang makarating na kame sa tapat ng kuwarto ni Maori. Bubuksan na sana namen pero ..

"Maddie! Jade!" napatingin kame kela tito at tita.

"Tito! Tita! tatlong araw ng hindi pumapasok si Maori! Gusto namen siyang makausap!" sabe ko sakanila.

"Pero ayaw ni Maori makipag usap sa kahit na sino. She wants to rest,So let her." sabe ni tita.

"P-pero.. gusto lang namen siya makausap. K-kahit saglit lang." sabe naman ni Maddie na nakatungo.

"Kung ganon wala na kameng magagawa. Katukin niyo na siya!." sabe ng dad niya at umalis na sila. Hinawakan ko ang door knob at pinihit pero nakalak. Never pang nag lock ng pinto si Maori. Sinubukan ko ulit pero nakalock talaga. 


Kinatok ko na pero walang sumagot. Kinatok ko ulit. Sinapak sapak ko na pero ayaw niya parin sumagot. Pinihit ko ulit yung door knob pero ayaw. Sipa,suntok,katok na pero ayaw niya parin buksan!


"MAORI! buksan mo toh!." sigaw ko habang pinipihit yung door knob. Mukhang mauuna ko pang masira yung door knob niya kesa buksan niya.

"MAO!" sabe ko ulit sabay suntoksa pinto pero hindi siya sumasagot!

"Kore wa, kīmashita." napatingin ako sa isa sa mga maid nila. Hindi ko siya naintindihan pero inabot niya saakin yung susi kaya kinuha ko na rin at binuksan yung pinto.


Madilim. Ayaw ni Maori ng madilim na kuwarto. Nakita ko siya sa may kama nakahiga. Nakabalot sa kanyang kumot. Ano bang nang yayare sakanya?

Teenage ProblemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon