CHAPTER 17 "Friendsary"
Mao's Pov
Saturday ngayon at wala akong maisip na gawin? Tumayo ako at kinuha yung photo album ko. Binuklat buklat ko hanggang sa mahinto ang page sa isang picture.. Picture namen nila Maddie at Jade six years ago. Meaning ten years old palang kame nun.. Naka uniform pa kame at basang basa with putik putik pa. Bakit nga ba basa kame at puro putik pa?
*Flashback 6 years ago*
Birthday ng mama ko.. At may party sa bahay namen. Ang sabe ng mom ko makipag kaibigan daw ako sa anak ng friends niya. Nakasuot ng dress si mama kaya nakasuot din ako ng dress.
"Mikah!." sabay kameng napatingin sa tumawag kay mama. Tama Mikah ang pangalan ng mom ko. Yung tumawag kay mama may kasamang lalake na sa palagay ko ay asawa niya. May kasama din siyang bata na parang hindi marunong ngumiti. Napaka seryoso niya kase..
"Mikah eto na ba si Maori." sabe nung babae na sa palagay ko ay kasing edad lang ng mama ko. Hinawakan niya ang magka bilang pisngi ko at tumingin kay mama..
"Saan nga pala si Aorie. Kamukhang kamukha niya si Maori." sabe nung babae sabay tanggal ng kamay niya saakin. Tama kamukhang kamukha ko talaga ang daddy ko. At Aorie ang pangalan niya.
"Papunta na daw. Oo nga pala Jasmine kung hindi ako nag kakamali ito si Jade hindi ba." sabe ng mama ko sabay ngiti kay Jade daw ehh. Pero gaya ng una hindi parin siya ngumingiti.
"Oo. Hindi kase makakasama si Jaydie kaya si Jade nalang sinama ko. At oo nga pala si John asawa ko." nag beso lang si mama dun sa babae at lalaki. Kiniss naman niya si Jade sa pisngi.
"Ayun na pala si Meryl." napalingon kame sa tinuro ni Tita Jasmine. Babae siya na kasing edad din nila. May kasama siyang bata na nakatago sa likod niya.
"Hi Jasmine Hi Jade Hi John. Happy birthday Mikah. And Hi sayo Maori." sabe niya sabay ngiti saakin. Ngumiti naman ako.
"Oo nga pala si Maddie anak ko. Pag pasensiyahan niyo na ahh. Mahiyain kase." ngumiti ako kay Maddie pero ngumiti lang siya ng tipid sabay tago ulit sa likod ng mama niya.
"Oh siya.. Iwan muna namen kayo ahh." sabe ni mama sabay alis kasama si Tita Jasmine,Tita Meryl at Tito John.
"Hi! Ako nga pala si Maori. Pero puwede niyo akong tawaging Mao." sabe ko ng may ngiti.
"Hindi ko tinatanong." sabe ni Jade sabay cross arm..
BINABASA MO ANG
Teenage Problems
Teenfikce"Teenage Problems" by:KawaiAngelTetsu Prolouge: ~Teenage Problems~ Mga problemang nararanasan ng mga teenager. Lahat naman kase ng teenager ay may nararanasang problema. Marameng problema ang nararanasan naten. Tulad ng: STUDY ATTITUDE LAZINESS EMOT...