CHAPTER 23 "National Kiss Day"

10 3 1
                                    

CHAPTER 23 "National Kiss Day"



Mao's Pov



Maaga pa lang pero pumasok na ako ng school. Ganito na ako kaaga pumasok simula nung nagpunta sila Maddie at Jade sa bahay namen. Naglalakad ako pero lahat sila nakatingin saakin tapos bubulong sa katabi o kausap nila. Hindi ko na lang pinansin? May alam ba sila na hindi ko alam. Habang tulala akong naglalakad may naramdaman akong humalik saakin ng tatlong beses. Ay tatlong tao pala! Pagtingin ko mga hindi ko sila kakilala?


"Ahh.. Sino kayo? B-bakit niyo ako hinalikan sa pisngi?." sabe ko habang nakahawak sa pisngi ko.

"National Kiss Day ngayon Maori!" masiglang sabe nung babae.

"Huh? Kilala niyo ako?."

"Oo naman! Sinong hindi makakakilala sa isang Kamari!" nagpanting yung tenga ko pero pinigilan ko kaagad kase baka kung ano masabi ko. Pilit na lang akong ngumiti at umalis.


Nagpunta ako sa classroom namen at gaya ng dati maiingay nanaman sila. Agad silang napatingin saakin nung binuksan ko yung pinto at ine-expect nilang babati nanaman ako ng 'OHAYO' pero hindi ko ginawa kase wala ako sa mood. Agad akong pumunta sa upuan ko. Nilagay ko yung bag ko at uupo na sana ng may humalik ulit sa pisngi ko. Ngumiti saakin si Lily kaya ngumiti na lang din ako. Yung halik ni Lily nadagdagan pa ng isa,dalawa,tatlo. Halos buong klase nanamen ang humahalik sa pisngi ko. Ngumiti lang ako sakanila at ngumiti lang din sila. Umupo ako sa table ko at tumingin sa bintana. Yung mga estudyante kase sa baba hahalikan yung kaibigan nila sa pisngi. Mayroon nga pati mag boyfriend eh. Ano bang meron?


"Maori!" napatingin ako sa tumawag saakin. Si Lily pala.

"Boyfriend mo ba si Harvey Cruz?." napakunot ang noo ko sa tanong niya. Nagsitinginan yung mga kaklase namen at lumapit naman yung iba. Teka?! Ano nga ulit yung tanong niya? B-boyfriend ko daw ba si Harvey?

"HUH! Hindi ah! AHAHAHA! P-Paano mo naman nasabi! AHAHA!." sabe ko. Paano naman nila nasabi na BF ko yun ehh hindi naman kame nag uusap sa school.

"Look oh! Hindi ko alam kung sino ang nagkalat ng screenshot na ito pero, boyfriend mo ba siya! ?Kase OMG! Ang cute niyong tignan diyan sa picture!!" masayang sabe ni Lily. Agad ko naman inagaw yung i phone niya at alam niyo ba kung ano ang nakita ko? Scrennshot picture ng profile picture ni baduy! And alam niyo ba kung anong picture yung ginamit niya yung picture namen nung kasal! SHOOT! It's our picture together! Bakit niya ginawang profile yun sa fb? OH WAIT! Si ATE MARIE! I need to talk to Harvey!

"Wala lang yan Lily!." sabe ko sabay abot ng phone niya sakanya. Agad akong tumayo at lumakad papuntang school. Pumunta ako sa tapat ng classroom ni Harvey at tatawag na sana sa kanya ng may humalik ulit sa pisngi ko. Napatingin ako sa humalik sa psingi ko. Mga freshmen.. Ngumiti sila at tumakbo paalis. Err.. Ano yun?

"MAORI KAMARI!!" may tatlong babae ang lumapit saakin at sabay sabay na isinigaw yung pangalan ko. Wait! sila yung sa exhibit.

"HAPPY NATIONAL KISS DAY!!" sabe nila sabay halik sa pisngi ko at takbo. H-Happy national ano?

"MAORI KAMARI!! HAPPY NATIONAL KISS DAY!!." sabe nung ilang grupo ulit ng mga estudyante at humalik sa pisngi ko. Teka lang! Hindi na patas toh! Ang dami ng humahalik sa pisngi ko may nakita akong grupo ulit ng mga estudyante pero agad akong tumakbo! Shoot! ano bang balak nila sa pisngi ko.

Teenage ProblemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon