Chapter 4

280 10 6
                                    

SUNDAY came and Jean woke up because her phone kept on ringing. It was from her sisters, binati siya ng mga ito at sinabing pupunta mamayang gabi sa apartment niya para kumain sila saglit.. Afterall, it was her 26th birthday. Maganda ang gising niya dahil na rin sa mga nangyari sa mga nagdaang araw. Bumangon siya at umupo sa gilid ng kama.

She silently prayed. Thanking God for another year, for another chance to chase her dreams. Nagpasalamat siya dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay masasabi niyang masaya siya. Kahit na nga ba mag isa lamang siya sa mga panahon na ito.

Tuluyan na siyang bumangon at nag ayos ng sarili. Ngayong araw ay pupunta siya sa Yakap at Kalinga upang dumalaw sa mga bata roon.

Pagkatapos maligo ay nag almusal siya. Pandesal at itlog, kung makikita siya ng mga kapatid ay siguradong sesermonan siya ng mga ito. Sasabihing naturingan nga at birthday niya pero heto siya at pandesal at itlog ang umagahan. Walang kaso sa kaniya dahil kung siya ang tatanungin ay gusto niya ang simpleng pamumuhay ngayon. Mayroong sense of fulfillment.

Alas nuwebe na ang nakarehistro sa orasan nang matapos siyang mag ligpit. Lumabas na siya pagkatapos at nagpaalam kay Aling Nena na aalis siya ngayong araw.

Sumakay siya ng Jeep at pumara sa pinakamalapit na fast food sa shelter. Plano niyang bilhan ang mga bata ng Spaghetti at Burger. Na may kasama na ring Coke Float, sigurado siyang matutuwa ang mga bata. Napangiti siya nang maluwag kapagkuwan.

Matapos bumili ng pagkain ay dumiretso na siya sa shelter. Sinalubong naman agad siya ng dalawang madre.

"Nandito kana pala, Jean" nakangiting bati nito sa kaniya. At tinulungan siya sa mga bitbit niya.

Hindi ito ang unang beses na magpunta siya roon. Madalas ay bumibisita siya noon kahit nasa poder pa ng ama. Noong una kasi ay siya ang nag hatid ng mga donasyon nilang gamit para sa mga bata. Na ayon sa kaniyang ama ay maganda bilang publicity ng kanilang kompanya. Hanggang sa dumalas ang kaniyang pagpunta. Naalala pa niya noong unang beses na ngitian at pasalamatan siya ng mga bata. Parang may mainit na bagay ang humaplos sa dibdib niya. Masaya siyang makatulong sa mga ito kahit na sa maliit na bagay.

"Good morning, sister." Bati niya sa ginang.

"Ano ba itong mga dala mo ngayon iha?"

Napatingin siya sa mga plastic na dala, "Meryenda po para sa mga bata at para sainyo na rin, sister. Pasensiya na po at ngayon lang ako nakadalaw ulit."

"Nako, ano kaba. Malaki ang pasasalamat namin sayo at hanggang ngayon ay hindi mo kami nakakalimutan." Malawak ang ngiti nito sa kaniya habang inaayos sa mahabang mesa ang pagkain na dala niya.

"Patuloy pa rin ho ba ang pagtulong ng foundation sainyo?"

"Sa awa ng Diyos naman ay oo. Hindi gaya dati ay mas naibibigay namin ngayon ang pangangailangan ng mga bata. Maging sa mga gamit sa school ay mayroon na rin."

Umikot ang tingin niya sa buong shelter. "Nasaan po ang mga bata, sister?"

"Naroon sa likod, may mga dumating kasing tao kanina. May dalang mga gamit at laruan para sa mga bata. Mayroon ding doctor, para raw ma-check ang mga bata." Inaya siya nito sa likod na parte ng shelter kung saan may malawak na bakuran na nagsisilbing playground ng mga bata.

Palapit nang palapit ay lumalakas din ang ingay at halakhakan. Napatitig siya sa mga ito. Ang unang pila ay para magpa check up sa doctor at pagkatapos pila kung saan nakadisplay ang mga laruan kung saan pwedeng pumili pagkatapos matignan ng doctor.

"Ang mga maliliit kasi ay takot magpa tingin sa doctor. Kaya ang naisip nilang gawin ay ganiyan para raw pumayag ang mga bata. Kung hindi magpapatingin ay hindi makakakuha ng laruan." Malumanay nitong sabi habang nakatingin sa mga bata.

COMMANDO 1: Nathalie JeanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon