Happy reading, Lovies! Just a simple reminder, learn how to say no to people. Stop pleasing everyone, okay? Stay safe! Thank you.
---
SHE can't open her eyes. Para bang may nakadagan doon. Her lips felt dry. Despite that, she forced herself to open her lids. Sa pagmulat ay napadilat siya ulit. It was too bright for her.
Ilang araw ba siyang tulog at kahit pagdilat at liwanag ay hirap siya.
She knew she's in the hospital. Slowly, she tried to open her eyes again.
Dahan dahan, nang makadilat ay iginala niya ang mata.
Nakita niya ang kapatid na nakayukyok sa gilid ng kaniyang kama. Si Eleanor ay nasa sofa at ang pinsang si Elijah ay kumakain.
She attempted calling her sister. Ngunit walang lumabas sa kaniyang bibig. Tuyong tuyo ang lalamunan niya, kahit pag lunok ay hindi niya magawa.
She heavily sighed.
Inangat niya ang kamay para abutin ang ulo ni Lexa.
Agad itong nag angat nang tingin sa kaniya.
"Oh my gosh! You're awake. Guys, she's awake." Malakas na saad nito.
Kinuha nito ang telephone sa gilid ng kamay niya.
"Hello, the patient's already awake." Pagkatapos ay agad din nitong ibinaba ang tawag at hinarap siya.
Sa kabilang gilid niya si Eleanor at Elijah.
"Thank goodness at gising kana. Puyat na puyat ako kababantay sayo." Her cousin said with a grin.
"Ang kapal mo, akala mo naman ikaw talaga ang nag alaga kay ate." Eleanor hissed.
"You scared us, ano bang nangyari? Nababaliw kana ba at balak mong patayin ang sarili mo." Lexa asked, umiiyak ito habang hawak ang isang kamay niya.
Umungol siya.
May ventilator na nakakabit sa kaniya.
Gusto rin muna niyang uminom ng tubig.
"Wa...w-wa...ter."
Eleanor swiftly stood up to get her a glass of water.
Pinindot ni Elijah ang button sa gilid ng kama niya at ini-adjust ito. Ngayon ay nakaupo na siya, tinanggal din nito ang ventilator niya.
Iniumang ni Eleanor ang baso sa kaniyang bibig at tiyaka siya uminom.
She felt better. Hindi na masyadong masakit ang lalamunan niya at kahit papano nasayaran na ng tubig ang kaniyang labi.
"Gising na pala ang pasyente. All the test came out negative, we'll just have to check you para sure, okay?" Paalam ng doctor niya.
Tumango naman siya.
"Okay, raise your arm."
Itinaas naman niya ang isang braso.
"Good, now clench your fingers." She formed her hands in a fist.
"Good job, next open your hand. Finger by finger, let's start with your thumb."
She freed her hand from the fist. Mukhang ayos naman dahil tumango tango ang doctor.
"Do you remember your name?"
Ilang segundo ang lumipas bago siya nakasagot.
"Nath...Nathalie." She uttered.
"Great, so far walang severe impact at mukhang okay ka naman na. You've been sleeping for 2 days. We'll wait for another day kung walang maging diperensiya then you can finally go home." Anas nito at nagpaalam na rin para umalis pagkatapos.
"Are you hungry? Its past lunch, may natira pang pagkain sa binili ko kanina. Mayroon ding prutas. Gusto mong kumain?" Elijah offered.
Tumango naman siya. Ang dalawang kapatid ay hindi siya iniwanan.
"So, what exactly happened? Did you really tried killing yourself?"
"No." Hindi naman kasi talaga. Biglang nanghina ang katawan niya at parang bigla na lang siyang kinain nang tubig.
Masyado siyang maganda para magpakamatay.
Takot lang niya sa Diyos no.
"Edi anong nangyari?"
"Will you just let her rest muna? At isa pa, alam naman nating lahat na hindi iyon kayang gawin ni Ate." Sabat ni Eleanor at inabot na ang soup na ininit ni Elijah.
Ito ang nagpakain sa kaniya, bago isubo ang kutsara sa kaniya ay hinihipan muna nito.
Sweet.
Sobrang swerte pa rin niya. Out of all the pain she still have her sisters, and of course her cousin Elijah. Na for sure ay nagtatampo pa rin sa kaniya hanggang ngayon. She felt lucky.
"Where's Papa?"
"I don't know, we had an argument the day you were hospitalized. Since then hindi siya dumalaw man lang."
Nalungkot siya bigla. Pinuno ng hangin ang dibdib para pigilang mapaiyak.
"He might be busy." Sabi na lang niya.
Ilang minuto pa ang itinagal ng pagkain niya. Matiyaga naman si Eleanor na pakainin siya at walang reklamo.
Elijah peeled an apple for her. Kahit papano ay nakabawi na siya nang lakas pagkatapos kumain kaya naman kusa na niyang inabot iyon at kinain.
Naka slice naman na ito.
"Don't you have work? Wala ka bang shoot?" Tanong niya kay Elijah. Bukod sa business na pagmamay ari nito ay isa rin itong modelo.
"I canceled everything for the rest of the week. I'm free." He smiled.
"Let's go home now, I would just feel sad in here."
"Ate, you heard the doctor diba? Bukas pa raw." Paalala ni Lexa sa kaniya.
Ngumuso siya, "I feel fine, there's nothing to worry about. At isa pa, mas makakapagpahinga ko sa bahay. So, please? Lets just go home." Partly, it was true.
Hindi siya komportable sa kahit na saang ospital. She remember her mom. Nakaka stress din ang ambiance sa ospital, masyadong malungkot para sa kaniya.
"Okay, I will just settle your bill. Lexa and Eleanor, help Liean to get ready at ayusin niyo na rin ang mga gamit niya. Pati na rin ang inyo."
---
Pagkatapos bayaran ni Elijah ang hospital bill niya ay umuwi na sila agad sa mansion. Wala roon ang Papa nila. Nasa office raw at gabi na kung umuwi sa mga nakaraang araw.
May problema kaya?
Elijah carried her to her room. He deposited her to the bed and tucked her in.
"Thank you, Eli. Thank you for being here." She hugged her tightly at isinandal ang ulo sa dibdib nito.
Elijah kissed her on her forehead before answering.
"Anytime, Liean. I got you." Elijah has been a big brother to them. Ito ang pinakamatanda sa kanila.
Wala itong kapatid kaya naman close na close sa kanila.
Dahil inaantok ay humiga na siya kama. Umupo naman ito sa gilid niya at marahang minasahe ang kaniyang palad.
Ito ang madalas gawin sa kaniya ng pinsan. She likes it. It felt good and comforting. Lambing na rin nito sa kaniya ang gesture na iyon.
She even considered him as her 'ideal boyfriend'. Minus lang ang pagiging matinik nito sa babae. But how can she blame her cousin. Nasa genes na nila ang kagandahan at kagwapuhan.
Unti unting bumigat ang mata niya at hinila na siya ng antok.
BINABASA MO ANG
COMMANDO 1: Nathalie Jean
RomanceNathalie Jean prefers living a simple life rather than going home in a humongous mansion, laying in a tremendous-sized bed yet feels empty, and owning hundreds of signature bags and shoes. She's a sucker for freedom. Being the firstborn of the comm...