Chapter 7

188 9 0
                                    

Hello, pips. Enjoy this chapter hehe

--------------

NASA mart na siya ng tumawag ang nakakababatang kapatid.

"Yes yes, so you can stop worrying for now." Ani ni Eleanor sa masayang tinig.

"Kanino mo naman nalaman 'yan?" Hindi pa rin siya makampante.

Tumawag ito para ipaalam na nasa ibang bansa pa ang supposedly 'fiance' niya. Kung ganoon ay wala pang balak ang mga ito tungkol sa kasal.

Baka naman sumuko na sa paghahanap sa kaniya?

"I heard Papa with your future father in law, they were talking in the study. Sakto namang may kailangan ako kay Papa kaya ayun narinig ko."

"Hindi ba nila napag usapan kung kailan uuwi? Or if they have any plans regarding the wedding?"

"Hmmm... parang wala naman. Pero narinig kong ding sinabi ni Papa na ititigil na niya ang paghahanap sayo." Bumuntong hininga siya.

"Alright, thank you for calling."

Nag paalam na ang kapatid sa kaniya dahil busy daw ito at may bagong kaso na hinahawakan.

She don't know what to feel, kung matutuwa ba siya na sa wakas ay hindi na siya hahanapin nito o dapat ay mas kabahan siya.

Ugh, I hate this.

Naputol ang pag iisip niya ng may mga kamay na yumakap sa bewang niya, "Kapatid mo?"

A smile crept in to her lips, "Oo, nangamusta lang."

"Okay, napansin ko hindi ka lumalabas kasama ang mga kaibigan mo? Bakit pala?" Sumandal ito sa mesa na nasa likod na bahagi ng cashier station at pinaghiwalay ang mga hita.

Hinila siya nito at ipinwesto sa pagitan ng mga iyon. Ang isang kamay sa nasa bewang pa rin niya at pumipisil.

Her friends? She never reach out to them, "Busy sila nitong nakaraan, so wala kaming time para mag bonding." Sabi na lang niya.

Itinatak niya sa isip na ipakuha ang number nito kay Lexa. Kung bakit ba naman kasi naglayas siya at pati cellphone ay iniwan niya.

"I got plenty of time, date tayo?" He wiggled his brows.

Their boss said that they should be close by seven in the evening para naman daw may time sila sa kung ano mang lakad na mayroon sila sa araw araw.

Which she's thankful for. Madami siyang time para magpahinga, napaka considerate talaga.

She smiled before answering, "Oo ba, may gusto rin akong puntahan ngayong araw."

"Maglilinis at magliligpit na lang ako ng maaga para makaalis tayo agad by 7."

Mabilis na hinalikan siya nito sa labi at nagsimula ng maglinis. Alas sais na rin kasi.

By now she's already used to that gesture. Ambrose would often give her a peck whenever they were alone at walang costumers.

Pang tanggal pagod daw.

"Ako na ang magpupunas ng mga mesa at magwawalis. Kasi for sure uulitin ko lang din kapag ikaw ang nag walis. Ewan ko ba naman sayo kung bakit pagwawalis na lang hindi mo pa magawa ng maayos."

He was sulking.

"Para kang anak mayaman ah?" Dagdag pa niya.

He intently stared at her. What? Did she say something wrong? Pumikit pikit ito bago sumagot.

"Porket ba ganito kapogi anak mayaman na?" Napatawa siya.

There was never a dull moment with this guy.

COMMANDO 1: Nathalie JeanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon