It took me months for this next chapter lol, been through a lot and it's finally my vacay. Bear with me guys. Do vote and comments so I'll know how you feel about my story. Keep safe, everyone!!
-----------------------LUMIPAS ang dalawang buwan at naging maayos ang lahat. Pumayag na rin siya sa pangungulit ni Ambrose na ligawan nito. Mas naging malapit sila sa isa't isa lalo na at araw araw silang magkasama sa trabaho. Alam din nang dalawa niyang kapatid ang tungkol sa panliligaw nito at wala namang naging problema. Bagay na bagay daw sila, noong una ay medyo ayaw ni Lexa. Pero dahil nakita raw nito na mukha namang seryoso ang binata ay nawala na ang pag – aalala ng kapatid.
Kaya naman ngayon, araw nang linggo ay niyaya siya ni Ambrose sa kung saan.
"Hindi mo ba talaga sasabihin? Isang oras na tayong nasa byahe, baka gabihin tayo pauwi." Nakakunot ang noo niya, kanina pa niya ito kinukulit na sabihin kung saan siya nito dadalhin.
"Pano magiging surprise kung sasabihin ko sayo?" He grinned.
Napabuntong hininga siya. Bahala na nga ito. Tumagilid siya ng upo paharap sa bintana at sumandal sa head rest.
They became silent. It was comforting rather than feeling awkward. Ambrose provides this reassuring feeling na parang kahit ano pa ang mangyari ay magiging okay siya basta at kasama ito.
May pagkakataon din na tingnan lang siya nito ay parang hindi siya makahinga. Parang lumolobo ang puso niya at gustong lumabas sa dibdib niya. Sa tuwina ay winawaglit niya ito sa isip. She was not sure, at masyado pang maaga para sa kaniya para isipin ang ganoong bagay. Para bigyan ito ng oras para isipin kung ano nga bang nararamdaman niya.
"Hey, galit kaba? Malapit na tayo." Nakita niya sa sulok ng mata ang pag lingon nito sa kaniya.
Ilang minuto pa ay hindi siya sumagot.
"'Wag ka naman magalit, gusto ko lang na maging surprise talaga sayo ang hinanda ko."
Hindi siya sumagot. Kahit ang lingunin ito ay hindi niya ginawa.
"Jean." Nagsusumano ang boses nito.
Pinigilan niya ang sariling ngumiti. Isa ito sa mga ugali na gusto niya sa binata, ayaw nitong sumasama ang loob niya. Kaya iniiwasan nitong gawin ang mga bagay na hindi niya gusto. Hindi man daw niya sabihin kung ano ang mga iyon ay napapansin naman daw ng binata ayon dito. Nakakatawa dahil hindi pa sila ay ganoon na ito ka-considerate sa nararamdaman niya.
"Jean, ano ba? Kausapin mo naman ako." Binuksan niya ang bintana at dahil hinangin ang kanyang buhok hinawakan niya ito dinala sa isang balikat.
Kasabay noon ang pag taas ng isang kamay nito at dumantay sa isang hita niya.
Napaigtad siya sa gulat at napalingon dito.
"Got you." Tumatawang saad nito.
"Madaya." Napasimangot tuloy siya. Masarap sa pakiramdam ang kamay nitong nasa hita niya.
"At least kinakausap mo na ulit ako." Bahagya pa nitong pinisil ang hita niya at humimas doon. Sandali siya napapikit dahil nagustuhan niya ang gesture na iyon. Kaya imbes na itaboy ang kamay nitong humihimas sa kaniya ay hinayaan na lamang niya. Pinangako niya ngayong araw na hindi niya muna pipigilan kung ano man ang gusto niya, kung anong nararamdaman niya. Tumingin na lamang siya muli sa daan.
"Hindi mo ba aalisin ang kamay mo?" Tanong nito sa kaniya pero nakatingin pa rin sa daan at ngi-ngiti ngiti.
"Kapag ba pinagbawalan kita hindi mo na ulit gagawin?" Napangiti na rin siya.
Kunwari pa itong nag isip bago sumagot. "Syempre hindi, I like what I'm doing."
"Kita mo na." Kunwari niyang inirapan ito. Dami pang sinasabi eh.
BINABASA MO ANG
COMMANDO 1: Nathalie Jean
RomanceNathalie Jean prefers living a simple life rather than going home in a humongous mansion, laying in a tremendous-sized bed yet feels empty, and owning hundreds of signature bags and shoes. She's a sucker for freedom. Being the firstborn of the comm...