Hey, are you good? I hope you are! Let this chapter decrease your stress. I would appreciate it if mag vote kayo or comment. If not, ayos lang namannn. I've included some pics para mas maimagine niyo. Thank you, Lovies! Enjoy reading.
-----------SHE started her day with Ambrose persuading her. Gusto nitong umakyat sila sa Mt. Daraitan sa Rizal bukas. She loves the idea, this would be her first time and for sure they would have a great time. Lalo na siya, kahit naman saan siya dalhin ng binata ay ayos na ayos sa kaniya. Gusto lang niyang kulitin siya nito.
"Come on, aalis tayo ng madaling araw para may araw na kapag umakyat na tayo then we would stay there for a while bago pumunta sa campsite." Hawak pa nito ang isang kamay niya.
Her lips formed into a smile, "Paano naman ang Mart?"
"Bakit? Edi mag paalam tayo. Papayag naman si Boss for sure."
Natawa siya, "At paano mo naman nalaman ha?"
"Basta, so wala na tayong problema. Ako na ang tatawag kay Boss para magpaalam, pagkauwi mag pack kana, hihiramin ko ang sasakyan nung pinsan ko para hindi tayo mahirapan." Malayo layo rin kasi iyon, mga 2 hours siguro.
"Sige na, wala naman akong magagawa nakaplano na lahat eh."
Napa 'yes' naman ito at mabilis siyang ninakawan ng halik.
Mabilis na lumipas ang oras at nakapag linis at ayos na sila ng Mart. Hinatid siya nito sa sakayan ng Jeep tsaka ito umuwi. Katakot takot ng pilit pa ang ginawa niya para lang 'wag na siyang ihatid nito sa apartment niya. Baka kasi gabihin pa ito lalo sa pag uwi.
Pagkarating ay nagpahinga siya saglit tsaka naligo, sobrang init kasi ng panahon kaya madali siyang pagpawisan. Feeling mayaman pa rin ang balat niya. Ang bilis mamula, hays.
Kinuha niya ang medyo kalakihang itim na backpack sa kaniyang drawer. Wala siyang bag na fit para sa paghike kaya iyon na lang.
Ano bang mga kailangan niyang dalhin?
Underwear? Leggings?
Teka, anong isusuot niya?
Madali niyang kinuha ang cellphone niya at nagsearch.
Ah, ganito pala ang dapat suotin niya.
Nakakita siya ng picture sa google. Kaya naman agad niyang tinignan ang drawer kung mayroon ba siyang ganon.
Leggings, sports bra, dri-fit jacket, at running shoes.
Napangiti siya ng malaki ng makitang kompleto ang mga kailangan niya. Nagdala siya ng extra na shirt pamalit dahil balak nilang doon matulog sa campsite at umuwi na lang kinabukasan.
Naghanap siya ng basic list ng mga kailangan niyang dalhin, sobra sobra ang pagka excite niya. Syempre, first time eh.
T-shirt, Cycling, Underwear, Towel, Bottled Water, Snacks, etc.
Sakto lang para sa kanilang dalawa ni Ambrose ang dala niya, sa pagkain naman ay ito na raw ang bahala at 'wag na siya mamroblema.
Napahinga siya ng malalim habang nakatingin sa mga babaunin niya na nakalatag sa kama.
Since naging sila ni Ambrose ay naging magaan ang lahat. Sumandal siya at bahagyang tumingala at pumikit.
It's going great and she would admit, never niyang naisip na magiging ganoon kasaya ang pagpasok sa isang relasyon.
The thought of having your own person is beyond extraordinary. Komportable sila sa isa't isa. Kaya niyang magpaka totoo kapag kasama ito, hindi niya kailangan mag adjust kung paano dapat siya makita ng mga tao. Noon kasi sa kanila, she needed to be refined, confident, and other stuff na hindi siya talaga. Kailangan bantayan niya kung pano siya umakto. Dapat ayon iyon sa gusto ng ama. After all, she's the firstborn and the living representation of their family ayon sa ama.
BINABASA MO ANG
COMMANDO 1: Nathalie Jean
RomanceNathalie Jean prefers living a simple life rather than going home in a humongous mansion, laying in a tremendous-sized bed yet feels empty, and owning hundreds of signature bags and shoes. She's a sucker for freedom. Being the firstborn of the comm...