AMBROSE was pissed. Nadiskubre na ni Don Harry na ama ni Nathalie kung saan ito naglalagi. Marahil ay dahil pinasundan siya. Dalawang linggo na ang nakalipas simula ng huli silang magkita ng nobya.
Nobya?
Tanggapin pa kaya siya nito sa kabila ng pagsisinungaling niya?
Teka, ano naman kung hindi siya tanggapin ni Nathalie? He was just doing his part. For the company. Yeah, for the company.
Iwinaksi niya ang bagay na naisip.
Isa pang kinaiinisan niya ay ang malaman na uuwi ang nakatatandang kapatid. Nalaman nitong tuloy na ang kasal dahil na rin umabot ang balita rito.
Nasa Palawan siya sa mga oras na iyon. Sa resthouse na pag aari niya, nagpapalamig ng ulo. Ilang araw na rin siyang nag aalala para kay Nathalie.
Kung tutuusin ay may karapatan naman siyang mag alala dahil may pinagsamahan sila. Hindi naman siya ganoon kasama para hindi man lang makonsensiya.
Siya pa rin ang may kasalan kung bakit nahanap ito ng Ama.
Napahinga siya ng marahas at humiga na lang sa buhangin. Palubog na ang araw kaya hindi na mainit.
Kung itakas ko na lang kaya siya ulit?
Napasuntok siya sa hangin. Malabong magawa niya iyon dahil siguradong umaapoy na mata ang ipang babati nito sa kaniya.
Fuck my life.
------
TWO fucking weeks had passed pero wala pa siyang nakita kahit anino ni Ambrose. Kahit text man lang saying how sorry he is ay wala.
Proof lamang na totoo ang lahat ng naisip niya.
He planned everything together with her Father. Para siyang isda na hinuli nito at nilagay sa aquarium, kung titingnan ay mukha ngang malaya pero ang hindi alam ng isdang iyon ay niloloko lang siya. Pinagkaisahan.
Sa dalawang linggong nagdaan ay palagi lang siyang nasa kwarto. O kaya naman ay nasa likod bahay kung nasaan ang garden at pool ng mansion nila.
Gaya ngayon, nasa gilid siya ng pool at nakasuot ng two piece bikini. May tatlong canned beer, naubos na niya ang dalawa at nasa pangatlong lata na siya.
Nakalaylay ang dalawang paa niya sa pool kaya naman ramdam niya ang lamig ng tubig.
Tinungga niya ang lata at inubos ang laman niyon. She got up and moved her body. Nagdive siya sa pool.
Lumangoy siya hanggang makarating siya sa gitnang bahagi. Kapag kuwan ay hindi siya gumalaw.
Patihaya siyang lumubog sa tubig at unti unting ipinikit ang mata.
Simula ng dumating sa mansion ay hindi siya muling umiyak. Lalo na kapag kaharap ang Ama, kahit na ba malapit na niyang sukuan ang lahat.
Kahit ba pagod na pagod na siya.
Inisip na lamang niya ang dalawang kapatid. Hindi matutuwa ang mga ito kapag nakita siyang nagdudusa.
Sa mansion din umuuwi ang dalawa araw araw para raw may kasama siya at kausap man lang. Pero sa nagdaang araw ay gusto lang niyang mag isa kaya ang ginagawa niya ay tinutulak niya ang mga ito palayo.
Matagal siyang itinago ng mga ito kaya naman malaking pasasalamat niya. Naramdaman niya ang pandaliang saya kasama ang lalaking pinagkanulo siya.
Her life is like a story. Her father being the writer and her being the main character na kung saan ay susundin lang lagi ang nais nito.
Naalala niya bigla ang pinapanood na Korean Drama ng kapatid na si Eleanor. Nasa comics ang set up at extra lamang ang babaeng akala ay bida siya. Ginawa nito ang lahat para baguhin ang istorya ng buhay nito. Unti unti ay nagawa nga nito.
Pero siya?
Nasa totoong buhay siya.
Unti unti ay kinakapos na siya ng hininga. Kasabay non ay ang pagsuko ng katawan niya. Bigla ay nawalan ito ng lakas. Namanhid. Napagod.
Ito na ba 'yun? Dito na lang?
Hanggang ganoon na lang?
Dumilat siya at inaninag ang liwanag.
Ngunit bigo siya, unti unting dumilim ang paningin niya. Para siyang sinasakal, napaubo siya at kasabay non ay pag pasok ng tubig sa ilong niya.
Bumigat ang talukap ng kaniyang mga mata.
----
BINABASA MO ANG
COMMANDO 1: Nathalie Jean
RomansaNathalie Jean prefers living a simple life rather than going home in a humongous mansion, laying in a tremendous-sized bed yet feels empty, and owning hundreds of signature bags and shoes. She's a sucker for freedom. Being the firstborn of the comm...