JEAN was already dead tired. Ngayon lang siya nakaupo pagkatapos ng ilang oras na pagtayo. Weekend kasi kaya madaming customer ang mart.
Natampal niya ang noo ng biglang tumunog ang tiyan niya.
Crap!
Hindi pa nga pala siya naglulunch. Umupo siya sa sahig at ipinatong sa upuan ang baon niya. Hindi na niya kaya ang gutom.
She instantly put a spoonful of rice with a slice of egg in her mouth. It was amazing. Mas masarap talaga ang pagkain kapag gutom ka.
The door opened, may customer na siya. Pumislit pa siya ng isang subo at mabilis na tumayo
"Welcome!" Pinilit niyang ngumiti kahit na may lamang pagkain ang bibig niya. Hindi naman siya pinansin ng customer at naglakad na ito papunta sa ref.
She was stunned. Bakit naman hindi? Ang customer ay walang iba kung hindi ang lalaking nakasabay niya sa jeep kanina.
Ang instant crush niya.
Tinakpan niya ang bibig habang ngumunguya. Nakakahiya baka may tumalsik pang kanin sa pag-nguya niya.
The man walked towards her. May dala itong dalawang bote ng mineral water. Grabe, sobrang swerte naman niya ngayong araw. Dalawang beses niyang nakita ang crush niya.
The man handed the bottles to her.
"Ito lang po ba, sir?" She was containing her smile while looking directly to his eyes.
"Yeah." He smiled.
"May suki card po?"
"What?" Kumunot ang noo nito.
"Suki card po, parang loyalty card?" She answered.
Mas gwapo pala ang lalaki kapag nakakunot ang noo at seryoso.
"Oh, no. I don't have one."
"Okay po." She then scans the water.
"40 pesos po, sir." Nilagay niya sa plastic ang dalawang mineral water at inabot ito sa lalaki.
The man handed her a one thousand bill.
"Wala po ba kayong barya?"
"Sorry, wala eh." The man shook his head.
"Pano kaya 'to puro buo din po kasi ang benta ko dito?" Wala ba itong barya ang liit liit ng babayaran tapos bibigyan siya ng isang libo. Hay nako.
"Ganito na lang, iiwan ko muna ang sukli ko at ikaw muna ang magtabi kapag may panukli kana. Babalikan ko na lang sa susunod na araw."
Hindi makapaniwalang tumingin siya dito.
"Ha, eh hindi nga tayo magkakilala" nakakunot noo niyang sagot.
"Its fine, hindi mo naman siguro itatakbo ang sukli ko." The man answered while grinning.
"Hindi no, masyadong maliit 'yon para itakbo ko."
Tsaka lang niya narealize ang sinabi niya nang tumawa ito. Nakakahiya, baka mamaya kung anong isipin nito tungkol sa kanya.
"I know, anyway i'm Ambrose." Nilahad nito ang kamay sa kanya. She was hesitant to accept it. Nakakahiya kasi ang kamay niya. Gumaspang na ito dahil sa paglababa. Wala pa kasi siyang washing machine.
But then it was disrespectful kapag hindi niya tinanggap. Nanginginig na tinanggap niya ang kamay nito.
"Jean po." Pinisil ng lalaki ang kamay niya. Konti na lang ay magtatatalon na siya sa kilig. Ang lambot-lambot ng kamay nito.
BINABASA MO ANG
COMMANDO 1: Nathalie Jean
RomanceNathalie Jean prefers living a simple life rather than going home in a humongous mansion, laying in a tremendous-sized bed yet feels empty, and owning hundreds of signature bags and shoes. She's a sucker for freedom. Being the firstborn of the comm...