Chapter 31 - *We're Over*
(Cassy Shanelle's POV)
Nanghihinang napaupo nalang ako kasabay ng sunod-sunod na pagpatak ng luha ko. Oo, inaamin ko na umaasa ako na sana sabihin niyang hindi totoo ang lahat ng narinig ko. Na kahit papaano may dahilan kung bakit niya ginawa yon. Pero hindi eh, wala siyang ginawa. Ni katiting na pagtanggi hindi niya ginawa.
Ang sakit lang. Ang akala ko totoo na na mahal niya narin ako, pero hindi pala. Ang tanga tanga ko, kasi nagpadala lang ako sa mga kasinungalingan niya!
Tiningnan ko yung agreement paper. For the last time binasa ko yung rules and regulations.
*Agreement Paper*
Rule #01 - You need to call me 'Sir kapag tayong dalawa nalang.
Rule #02 - I don't want to hear any nick names came from you, like "HALIMAW or MONSTER" whatsoever aside from my name.
Rule #03 - You need to do or to follow all what I want with no second thought or any side comments.
Rule #04 - No one would allow to know about this Agreement only the two of us.
Akala ko ba walang dapat makaalam nito kundi kaming dalawa lang? Pero bakit parang alam na nilang lahat samantalang ako, nagmumukhang tanga lang?! Bakit kailangan niya pang magpanggap na mahal niya ako kahit hindi naman? Bakit kailangan niya pa akong saktan?
Rule #05 - Ako lang ang masusunod kung kailan ko gustong tapusin ang Agreement na 'to.
At ito na yung araw na iyon. Kung kailan tapos na ang lahat samin.
Rule #06 - You have no right to question all my decisions and affairs you are not involve.
Bakit ganon? Tanggap ko naman nung una na hindi talaga ako ang gusto niya eh. Bakit kailangan niya pa akong gamitin?
Pumatak na naman yung pesteng luha ko. Hanggang kelan ba mauubos 'to?! Ang sakit sakit pala. Napaka-tanga ko talaga!
Ang dami dami namang lalaki, bakit dun pa ako sa kumag na yon na-inlove eh! I really thought that he loves me. Akala ko lahat ng pinakita at pinaramdam niya dito sakin, ay totoo. Akala ko lang pala.
"Ang tanga tanga mo Cassy! Bobo! Bobo! Napaka-assuming mo kasi! Hindi mo ba naisip na imposibleng magustuhan ka niya? Wala kang panama dun sa babaeng mahal niya kasi hindi naman ikaw yon!" Sigaw ko sa sarili ko.
Bakit ganito? Ano bang nagawa ko para saktan mo ako ng ganito, Luke? Kung may nagawa man ako, siguro naman hindi sapat na dahilan yon para durugin mo ang puso ko.
Hindi ka niya sinaktan. Ang sarili mo ang nanakit sayo kasi minahal mo siya.
Oo nga pala. Simula umpisa pa lang fake na ang lahat. Dapat hindi na ako umasa, dapat hindi na ako nag-expect para hindi ako nasasaktan ngayon. T.T
Nilukot ko yung Agreement paper at basta ko nalang tinapon. Wala nang saysay yan ngayon. We're over. And if you say it's over, there's no additional chapter or any special happenings. Because that word means ending. Whether it is good or bad.
Pinunansan ko yung luha ko at naglakad na pabalik sa cottege namin na parang walang nangyari.
I saw Stacie grinning triumphantly at me making me feel that I'm a loser. That she has everything now. Pero hindi ko nalang siya pinansin. Wala na akong maramdaman.. pakiramdam ko namanhid na yung buong katawan ko katulad ng pagkamanhid ng puso ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.
(Ranz Smith's POV)
I really fight the urge to kick and smash Luke's face. Nagagalit ako! Galit na galit ako sa kanya! How dare him do that to Shanelle? Napaka-walang kwenta niyang tao para saktan at lokohin si Shanelle. She's very kind. She didn't deserve to be used by an asshole!
Nang malaman ko yung mga sikreto ni Luke I immediately confronted him. Noong una, maggi-give way na dapat ako sa kanila dahil alam kong si Luke naman talaga ang mahal ni Shanelle. But now? No way!! Hinding hindi ko na hahayaan na mapunta pa si Shanelle sa kanya.
Hindi ko na napigilan yung sariling kong kumprontahin siya nang malaman ko kay Stacie ang totoo. I thought she's just making a story to win me back pero nang marinig ko mismo sa bibig ni Luke ang totoo, parang gusto ko siyang bugbugin! But I was shocked when Shanelle just appeared in front of us. I know she heard it all and I can't bear to see the deep hurt in her eyes. I know she really love Tuazon, at ang alam ko rin na ganon din si Luke sa kanya. Pero bakit ganito?
Sinundan ko sila ng parehong silang umalis. I heard it all. And I'm also hurt for Shanelle kasi kahit na anong tago niya sa nararamdaman niya, alam kong hindi niya maipagkakaila na sobrang nasasaktan siya.
Luke is really a big SH*T! COWARD! Bago siya umalis may inabot muna siyang papel. Lalapitan ko na sana siya pero bigla nalang siya napaupo at humagulgol. She read the paper. Kitang kita ko sa mga mata niya yung sakit habang binabasa niya yung nakasulat sa papel. Pagkatapos niyang basahin yon ay basta niya nalang nilukot at itinapon yung papel saka siya parang walang nangyaring umalis na.
Agad kong nilapitan yung lukot-lukot nang papel. "Agreement Paper" ang nakalagay.
Ngayon ko lang napatunayan na napaka-selfish ni Luke. Wala siyang kwenta.
The end..
Joke! XD
---
A/N: Hindi pa po ending. Hahahaha.. Pero malapit na po kaya abangan. :))
Happy ending kaya o sad?
BINABASA MO ANG
Agreement Love Affair (COMPLETED)
Teen FictionBy: SimplyChristy0818 / Christine Marcos DO you know the feeling of HATING your enemy but LOVING him eventually? At dahil sa galit mo sa kanya ay ipinangako mo sa sarili mo na HINDING-HINDI mo siya magugustuhan kahit na siya pa ang pinaka-huling LAL...
