Chapter 29 - *That's not true*
(Cassy Shanelle's POV)
"Sige na.. Good night na. Aayusin ko pa yung mga gamit ko, maaga pa tayo aalis bukas diba? Ikaw din mag-ayos kana ng mga gamit mo. Bala ka diyan, pag ikaw naiwan dito..."
Past nine na kasi, ngayon lang kami natapos sa mga activities namin. Talagang sinulit namin yung last day namin dito sa resort. Sobrang mamimiss ko talaga 'to pagbalik namin ng Manila. Ang dami palang magandang tourist spots dito. Nag-zip line kami, boating, scuba diving at marami pa. Sobrang saya, promise. Magiging memorable talaga 'tong place na 'to sakin.
He snaked his arms around my waist then pull me closer to him.
"Parang mas exciting yon ah... Lalo na pag kasama kita." Pilyong saad niya sakin.
Ayieeeeee! Kinikilig ako shems. Pabiro kong siyang tinulak at umatras ako.
"Heh! Ikaw nalang mag-isa uy!" Binelatan ko pa siya. Pero shet, bakit ba napaka-galing magpa-kilig nitong mokong na 'to? Kainis siya huh. XD
Pero honestly nagtataka parin ako. Ano naba talaga kami? For real naba yung "fake relationship" namin? Ako na yung mahal niya diba? Hindi naman ako umaasa lang diba? Kasi naramdaman ko naman eh. Ramdam ko na mahal niya narin ako.
"Sige na nga bye na. Love you! Puntahan kita dito bukas ah."
Kinurot ko siya sa ilong. "Oo na po!" Tinitigan niya muna ako ng matagal. At binigyan ako ng isang matunog na halik bago tuluyan umalis.
Sinarado ko na yung pinto ng cottege pero nagulat ako ng makita ko si Stacie sa likod ko. Kanina paba siya diyan? Pinanonood niya ba kami ni Luke? Pero bakit hindi man lang siya pinansin ni Luke?
Naglalakad siya papalapit sakin habang naka-cross arms. "Tsk.. Tsk.. Tsk.. Kawawa ka naman."
Napatigil ako sa akmang pagpasok sa kwarto ko at hinarap si Stacie na prenteng umupo sa may couch.
Kumunot ang noo ko. Ano na naman bang issue ng babaeng 'to?!
"What did you say? Kawawa AKO? Baka IKAW ang kawawa hindi ako kasi walang pumapansin sayo!" Naiiritang balik ko sa kanya. And to my disgust tumawa pa siya ng nakakaloko. She crazy! Tatalikuran ko na sana siya pero mabilis siya tumayo at hinablot ang braso ko.
"Don't ever turn your back on me! Bitch!" Galit na singhal niya sakin.
Marahas kong binawi ang braso ko sa kanya at akmang tatalikod na ulit nang magsalita siya.
"You're such an idiot girl.." Tumawa pa siya ng nakakaloko. "I pity you, you know that? Yung dalawang lalaking gusto mo, mahal ako. Saka, diba nga kaya ka pinaikot ni Avrel just to make me jealous? He even told you na para sa inyong dalawa yon because of Ranz, right? Sinabi niya na kailangan niyo kaming pagselosin nang sa gayon mapunta ako sa kanya at ikaw kaya Ranz.. HAHAHAHA STUPID! Pina-ikot ka lang niya girl! At ikaw naman uto-uto na sa kanya pa na-inlove. Mas pinadali mo lang ang mga plano niya dahil sa katangahan mo."
Hindi ako naka-imik. Bawat katagang sinasabi niya parang kutsilyong humihiwa sa puso ko. That's not true.. Hindi yon magagawa ni Luke sakin, right? I thought he already love me?
"Akala mo ba talaga mahal kana niya? Dream on, Shanelle! He's just using you! At ikaw namang tatanga-tanga nagpadala sa kanya. Well, I don't doubt Luke... He just really love me, that he's willing to do anything just to win me. Hahaha! Na-shock nga ako eh, kasi lately nung nandito na tayo sa resort in-over act niya yung pagiging sweet niya sayo, for what? Ahhh... alam ko na maybe because if you fall inlove with him mas maging maganda yung acting. Hahahaha! Am I right? Ang sweet talaga ng sweetheart ko. He even wrote our endearment in the sand. ^___^" Tumawa pa siya ng nanunuya.
Nanghihinang napahawak ako sa sandalam ng couch malapit sakin. I can feel my knees trembling. Hindi ako naniniwala sa kanya. Sinisiraan niya lang si Luke sakin. Yeah.. She's just plotting a story.
I trust Luke, and I know he loves me. He said that he loves me. Sinabi pa nga niya sakin na gusto niya nang maging totoo yung relasyon namin. I'm holding on with that. I won't let Stacie ruin our relationship. NO! NEVER!
I raised my chin up and look directly on her. She smirks.
"That's not true. You're just making a story para sirain kami ni Luke. But I'm sorry dear, dahil hinding hindi ako maniniwala sa isang sinungaling na katulad mo! He loves me. He told me he loves me and I love him too. You can't ruin our relationship Stacie. NOT NOW.. NOT FOREVER!"
Hindi ko na siya hinayaang magsalita at tumalikod na ako papasok sa kwarto ko. Hindi dapat ako maniwala sa kanya. Kay Luke lang... siya lang ang dapat kong paniwalaan.
---
A/N: Update! Guys, more or less 5 chapters nalang po ang A.L.A. Hindi ko po alam kung gagawa pa ako ng book 2 kasi naka-focus po ako ngayon sa "Ugly Princess turns to be a Pretty Devil". So sana po basahin niyo rin yon. :)-
SimplyChristyyyy<3
BINABASA MO ANG
Agreement Love Affair (COMPLETED)
Fiksi RemajaBy: SimplyChristy0818 / Christine Marcos DO you know the feeling of HATING your enemy but LOVING him eventually? At dahil sa galit mo sa kanya ay ipinangako mo sa sarili mo na HINDING-HINDI mo siya magugustuhan kahit na siya pa ang pinaka-huling LAL...