Chapter 35 - *Follow my happiness*

2.4K 67 3
                                        

Chapter 35 - *Follow my happiness*

(Cassy Shanelle's POV)

Maaga palang nandito na kami sa Gym. Ngayon na kasi yung Basketball tournament.

Iniisip ko parin yung mga nangyari kagabi. Bakit niya kaya kailangan magpababa ng ganoon? Ganon niya ba talaga kamahal si Stacie para gawin niya yung mga ganoong bagay? Well, I envy her. Because she made the guy I love the most fall for her. How I wish na sana ako nalang siya. Sana ako nalang yung minahal ni Luke.

I was preoccupied with that thoughts the whole time kaya hindi ako masyadong nakapag-focus sa game nila ngayon. Kung hindi siguro dumaldal si Farrah baka hindi pa ako matatauhan.

"Grabe girl! Ang galing pala talaga ni Luke 'no? OMG! I don't doubt him being the captain ball. He's awesome!" Tili ni Farrah habang amaze na amaze kay Luke.

Medyo na lighten nga yung mood ko dahil sa kanya. Kasi biruin mo, todo siya makapuri kay Luke samantalang player din naman yung boyfriend niyang si Andrei. Like seriously?

Hayyy! Buti pa nga silang dalawa eh. Kahit na hindi maganda ang simula nila, still napatunayan nila na mahal talaga nila ang isa't isa.

"Oo nga. Of course as well as Ranz, Kurt and Andrei. Pero I admit, pinaka-magaling nga si Luke. Anyway. Balita ko aalis na daw siya papuntang U.S mamaya pagkatapos ng game ah? Is that true?" Mabilis na napabaling agad ako kay Cindy ng marinig ko yung sinabi niya? Bigla akong kinabahan.

"What? Aalis si Luke?" Gulat na tanong ko ulit kay Cindy.

Please say no. Please.

Aalis siya? Bakit? Hindi ko na siya makikita? Parang hindi ko yata kaya. Because despite everything that happened between us, I can't deny the fact that I'm still madly inlove with that monster!

Hinintay ko yung sagot nila. Sana nagkamali lang ako ng rinig. Sana hindi totoo. Please.

"Yup. Magta-transfer na daw siya sa US. Usap-usapan yon dito sa school tapos hindi mo alam?" Nagtatakang tanong ni Cindy

I don't know. I didn't expect it. Ganon nalang yon? Iiwan niya nalang ako basta basta?

Eh diba ikaw na nga nagsabi na layuan kana niya??

"I heard hanggang mamaya nalang daw siya dito. Hindi na nga daw niya tatapusin yung game eh, kasi kukunin niya yung ilang papers na kailangan niya sa office para sa flight niya." Si Farrah.

"Hmmm. Bakit parang masyado ka naman yatang updated diyan ha, Farrah?" Sita ni Cindy.

"Well, because I have my sources." Pagmamalaki ni Farrah.

Pero wala na sa kanila ang atensyon ko. Dahil parang unti-unting gumuguho ang mundo ko dahil sa mga narinig ko.

Aalis siya? Iiwan niya na ako? Pero bakit. Paano na ako? I love him. I can't bear to lose him.

Then naalala ko yung pinag-usapan namin ni Ranz kanina bago magsimula yung game.

FLASHBACK..

"So, kamusta yung pag-uusap niyo kagabi? Hindi naba siya tutuloy?"

Tutuloy saan? Dun sa mga plano niya? Tsss!

"Hindi na pwede. Ayoko na." Malamig na tugon ko sa kanya.

Ayoko nang makipagbalikan siya para na naman pagselosin si Stacie. Ayoko nang gamitin niya na naman ako para lang sa iba. I've had enough. Ayoko na. Tama na.

Agreement Love Affair (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon