Chapter 27 - *I tried*

1.8K 70 3
                                    

Chapter 27 - *I tried*

(Cassy Shanelle's POV)

"Nakaka-inis ka! Nakaka-inis! Akala mo ba GWAPO ka?! HINDI 'NO! Panget ka. PANGET! >,<" Binato-bato ko yung dagat. Bad trip talaga 'tong si Luke kahit kailan. Kakasira ng utak eh. Tsh!

"Hey sis. Anong problema diyan? Sinong panget?" Nagulat ako ng bigla nalang sumulpot 'tong si Cindy sa may likod ko. Nagtataka yung expression niya.

"H-huh? ... Ahh... w-wala yon. Nag-selfie kasi ako kanina, e ang pangit kaya nainis ako. Yon. Hehe" I bit my lower lip. Tumango-tango siya, naniwala kaya?

"Ahhh... Hindi kaba maliligo? Kanina ka ba maliligo? Kanina ka pa kaya hinahanap ni Ranz doon. Let's go?" May bahid ng pagtataka at the same time panunudyo yung mga tingin niya sakin.

Pagtataka dahil ang alam nila si Luke ang boyfriend ko pero bakit si Ranz ang naghahanap sakin. At panunudyo kasi vocal naman ako sa feelings ko kay Ranz dati. Dati lang..

Napasimangot ako. Bakit si Ranz lang? Mas okay sana kung si Luke eh.

Asa kapa Cassy! Hindi naman ikaw ang gusto non. Baka nga kanina pa yon nag-eenjoy kasama yung bruhang Stacie na 'yon eh.

Binaling ko nalang ang tingin ko sa may dagat. "Hindi na muna ako maliligo, medyo masakit yung ulo ko. Doon nalang muna ako sa cottege namin." Yun lang ang sinabi ko kay Cindy bago ko siya tinalikuran at dumaretso na sa cottege. Wala na akong ganang mag-swimming. Baka makita ko pa don sina Luke at Stacie.

Matutulog nalang ako.

*After Several hours...

***YAAAAWN***

Anong oras naba? Napa-sarap yata tulog ko. Kinuha ko yung wristwatch ko sa may bedside table.

Hala??! 10 pm na pala! Ang tagal ko palang naka-tulog. Bumangon ako. Malamang tulog narin sina Cindy.

*Kruk kruk* (tunog po yan ng sikmura guys.)

Awwww. I'm hungry na, hindi pa ako nakakapag-dinner.. Saan naman ako kukuha ng pagkain sa ganintong oras? I'm sure wala nang bukas sa restaurant sa labas. Iginala ko ang paningin ko sa loob ng room ko. Maluwag naman. Medyo kumpleto naman sa gamit. From small T.V, radio, DVD player kaso yung ref isa lang, nasa labas kasi share lang kami ni Stacie.

Napatingin ako sa may side table malapit sa pinto. May food! Waaaah. Tumayo agad ako at lumapit doon. Fish fillet, beef 'n mushroom at may slice pa ng mangga at orange juice. WOW! Mas lalong yatang kumalam yung tiyan ko pagka-kita sa mga pagkain.

May naka-ipit na note. Binasa ko...

   Cassy.. I didn't wake you up 'coz you're sleeping like a baby but I don't want you to skip dinner so, nag-iwan nalang ako ng food for you. Kumain ka nalang kapag gising ka na ha? And I'm sorry kanina.

Agreement Love Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon