18

362 48 11
                                    

ABIGAIL  POV.

MASAYA AKONG Nag lalakad patungo sa condo ni kristhoper. Maraming nangyare sa school Kanina, tulad nalang ng nakilala ko na ang Kuya ni Kristhoper. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti
Dahil sa nangyare Kanina.

Nakarating na ako sa Tapat ng elevator, bukas na Ito Kaya pumasok na ako, nakakaramdam ako ng kaba, pero Hindi ko alam kung bakit.

Nakarating narin ako sa Tapat ng unit ko,mas Lalong lumalakas ang tibok ng puso.

Bakit?...

Hindi na ako nag doorbell at pinasok ko na ang loob ng unit. Pero sa hindi ko inaasahan may ibang tao Pala.

"Baby I love you and I miss u"turan ng babae na nakaupo sa lap ni kristhoper at Hinalikan Ito, kitang kita ko kung pano nya ito tugunin.

"Kristopher"tawag kong pansin at lumingon sya sakin, nang laki ang mata nya at napatayo Kaya natumba yung babae at dun ko Lang Napagtanto ńå kilala kita yung babae.

"Abigail!!" sigaw nya sa pangalan ko pero Hindi ko sya nilingon. Hindi ko na kinaya kaya tumakbo nalang ako ng tumakbo hanggang sa umabot ako sa lobby ng Condo at may na bunggo ako. Kaya na tumumba ako sa sahig.

"Oh sorry miss" hingi ng paumanhin ng pamilyar ńå boses kaya Napatingala ako at dun ko nakita si Lucas. Yung nag tapon ng kape sa balikat ko.

"Lucas..." tawag ko sa pangalan nya. Kaya inalalayan nya akong makatayo.

"Abigail? Bakit Nandito Ka?" tanong nya sakin at pinulot ang bag ko na kaninang nalaglag ng mabangga nya ako.

"dito na Katira yung boyfriend ko" saad ko.

"Oh halika, ihahatid kit—"

"Hindi! Ayoko! Pls ayoko syang makita" saad ko at napaupo ng maalala ko na nag halikan Sila.

"Tara,dun muna Tayo sa unit ko para makainom ka ng tubig"tango nalang ang nasagot ko at nagpaalalay.

Nakarating na kami sa ground floor unit ni Lucas ng mAkita Kami ni Trina.

Si Trina ay kapatid ko sa ama, Hindi Talaga kami close,kahit kasi anong pilit ko na makipag ayos sa Kanya nung Mga bata Pa Kami ayaw nya Kaya hindi ko na pinilit,merong time na bibilhan ako ni papa ng mga damit,gusto nya meron din sya, tapos Pag hindi sya bibilhan aawayin nya ako.

Lumapit sya samin kaya napahinto kami ni Lucas said pag lalakad.

Ngumisi sya bago mag salita "Pati kapatid pinapatos, how pathetic" sarcastic nyang saad at lumakad paalis sa harapan namin.

"Anong kapatid? Si Kristhoper?" Tumango ako bilang sagot. "si Kristhoper ang boyfriend mo?" dagdag nya Kaya Tumango akong muli.

"Oo,sya nga nakita ko sila ni Trina kanina nag hahalikan Kaya tumakbo ako at nabangga kita." saad ko ng makapasok Kami sa Unit ni Lucas.

"Ganon ba? sige upo ka muna Dyan at Kukuhaan kita ng maiinom." turan nya at Umalis sa harapan ko.

My gay boyfriend Is Now Straight (BOYFRIEND-SERIES #1) (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon