ABIGAIL POV.
1 YEAR LATER
ISANG TAON na ang lumipas, madami na ang nangyare, nag kakapera na ako habang nag aaral. Mahirap kailangan gigising ka ng maaga para Lang pumasok sa trabaho.
Nabalitaan ko rin na nag kabalikan na si Kristopher at Trina, masaya ako para Kay Kristopher pero Kay trina, Hindi psh. Asa sya. mga dzai nung nalaman ng family ni Kristopher na nag break na kami at nag kabalikan sila ni trina, Abay nag celebrate inaya nga nila akong pumunta sa mansion pero Hindi ako tumuloy, ano ako tanga?
Tapos ngayon nanliligaw naman sakin si Lucas well masasabi Kong gumanda yung buhay ko ng maghiwalay kami pero sometimes namimiss ko sya, merong araw na iiyak ako kasi nakita ko yung pictures naming dalawa tapos aalalahanin yung nakaraan.
MARUPOK!!
Ngayon College na ako, OO COLLEGE NA TUMATANDA NA ATE NYO! Nursing ang kinuha ko pero sa kamalas malasan Nursing din ang kinuha ni Kristopher kaya Classmate ko sya.
AYAW KAMI PAG HIWALAYIN NG TADHANA.
"Susunduin nalang kita mamaya ah?" tanong ni Lucas na nasa tabi ko habang nag dadrive.
"Sige bahala ka" tanging sagot ko at tumingin sa labas, Kinuha ni lucas ay business management.
Habang nakatingin ako sa labas dahil patungo kami sa university Kung saan ako nag aaral ng college nakita ko si trina na kumakain ng Fish ball ata yun.
"Lucas stop mo nga muna" sabi ko.
"Bakit?"
"Basta stop mo" inistop na nya sa gilid ng 7/11 ang kitse kaya agad akong bumaba at nag tungo kay trina.
"Oii babae" tawag ko at kinalabit sya kaya napalingon sya sakin.
"Oii May pangalan ako, atsaka anong ginawa mo dito?" mataray nyang tanong.
"Bakit ikaw lang mag isa? Asan si Kristopher?" tanong ko pero bigla nalang syang napaiwas ng tingin.
Hindi ko na sya hinintay pa na tumingin sakin at umalis na, dapat hindi pinagkakaabalahan ang mga ganong tao makakaubos lang ng oras.
nakasakay na ako ng kotse ng mag tanong si lucas. "Anong ginawa mo dun?"
"Wala may nakita lang ako"
"sino?"
"sino agad? hindi ba pwedeng ano muna?" pambabara ko kaya natawa sya.
naalala ko tuloy si kristhoper, lagi ko syang binabara pero hindi sya tumatawa hindi katulad nito ni lucas natatawa agad. Pero pag si kristhoper ngunguso pa nakakamiss din pala sya—kabonding.
Naka dating narin kami sa university kaya lumabas na ako ng matapos mag park ng kotse si lucas.
"Tara na" aya ko sakanya at nag simulang mag lakad.
"Ngayon nalang ako nakapasok ng maaga, madami palang estudyante dito."
"Syempre, senior high yung iba dito"sagot Ko at tumungin sa basket ball area at natanawan ko si daryl na nag lalaro kaya napangiti ako.
"Oh papasok na ako ingat ka" sabi ni lucas kaya napalingon ako sakanya.
"Sige salamat sa paghatid"sabi ko at nag lakad na sya paalis kaya tumakbo ako Kung nasaan si daryl.
"Daryl!!" sigaw ko sa pangalan nya kaya napalingon sya sa dereksyon ko.
"Oh abi,anong ginagawa mo dito?" tanong nya.
"tapos kana Mag basketball?" imbis na sagutin ko ang tanong nya ay nag tanong din ako.
"Oo...sabay na tayo" sabi nya at sinuot ang bag "Tara" nag simula na kaming mag lakad ng mapadaan sa gilid namin si Kristopher ng walang lingunan.
"Hindi na talaga kayo nag usap nyan ng ex mo?" tanong ni Daryl. Umiling nalang ako at nag simulang Mag lakad.
Nakarating na kami sa tapat ng room ko kaya pinapasok na ako ni Daryl bago sya umalis.
Nag simula na ang klase at tahimik lang ang lahat ng biglang May pumasok na junior high at sumigaw.
"MA'AM MAY NAG SASAPAKAN PO SA LABAS!!" Sigaw nung junior high kaya agad na napatayo ang professor namin at lumabas kaya nagsitayuan naman ang mga estudyante namin at nakilabas din kaya tumayo narin ako para makita Kung sino ang nag sasapakan.
CHISMOSA!!
Habang nakikipag sapalaran akong makalabas May bumangga sakin kaya na out of balance ako at muntik na akong matumba buti nalang May sumalo sakin.
"Mag ingat ka nga, nababangga ka na" rinig kong boses ni Kristopher sa likod ko kaya agad akong napatayo ng tuwid at humarap sa kanya.
"Sorry" tanging nasabi ko at Maya Maya Lang may bumangga muli sakin kaya agad nya akong inalalay at prinotektahan para madali akong makalabas at walang bumangga sakin.
Nang makalabas kami agad kong natanawan si Lucas na nakikipag sapakan kaya lumaki ang mata ko at agad akong tumakbo sa dereksyon nya para umawat.
Pero nang makarating ako sa pwesto nila agad naman na May bumangga sakin, isa sa kasuntukan ni lucas ang bumangga sakin. Malaki sya kaya agad akong natumba, narinig ko naman ang pag tawag ni Kristopher at Lucas sa pangalan ko pero hindi naman ako makatingin sa kanila sa kadahilanang masakit ang pag kakabangga sakin.
"GAGO KA!!" Sigaw ni Kristopher at nakipag sapakan kay taba agad naman rumesbak ang iba kaya mas lalong gumulo na.
"TANGINA MO AH!!"
PAAAAAKKKK!!
SSKKRREEETTCHHH!!
PAAKKKK!!
"MGA GAGO KAYO!!" Sigaw ng iba.
"STOOOOOPPPPP!!" biglang sigaw ng isang professor kaya agad naman nag sitigil ang lahat at si Lucas pati si Kristopher ay nag punta sa harap ko at inalalayan nila akong tumayo.
"ALL OF YOU IN THE GUIDANCE OFFICE!!" sigaw muli ng professor kaya lahat ng nakigulo ay nag lakad kasama ang professor.
"Okay kalang?" tanong ni Kristopher.
"ayos kalang ba Abigail?" tanong naman ni Lucas.
"Okay Lang ako"sagot ko naman ng makatayo ako.
"Wala Bang masakit sayo?"
"May masakit ba sayo?"
Sabay nilang tanong kaya napatingin ako sa kanilang nag tataka. Napapansin ko na rin yung ibang nakatingin samin ay kinikilig.
"Okay nga lang ako, wag na kayong mag alala" sabi ko nalang at nag lakad paalis.
"Ganda ni ate ah"
"two boys in one girl"
"How to be you?"
"ate anong gamit mo?"
Bulungan nila habang nag lalakad ako sa corridor hindi ko napansin na nakasunod parin pala sila Kristopher kaya tumakbo na ako para makalayo sa kanila.
BINABASA MO ANG
My gay boyfriend Is Now Straight (BOYFRIEND-SERIES #1) (On Going)
Dla nastolatków(Abigail and Kristopher) 'Mahal kita kahit bakla ka, wala akong pake sa sasabihin ng iba, ituturing kitang prinsesa kahit na lalaki ka.' Yan Ang motto ni Abigail, Ang babaeng nainlove sa Isang beki. Ps. don't try to copy my story, I worked hard for...