THIS CHAPTER IS DEDICATED TO Ryo_Jy AYAN NA YUNG REQUEST MO.
ABIGAIL POV.
"MAGANDANG Tanghali Mama" Bati ko kila mama ńg makarating ako sa bahay namin, dumeretso ako sa kusina para kumuha ng tubig sa Malamig dahil sobrang uhaw ko.
"Oh AnAk bakit napadalaw ka ata" tanong ni mama at tumingin sa maletang dala ko. "At... Ano yan? Bakit may dala kang maleta?" sunod nyang tanong.
"Ahh... Wala Lang naman Ma, Namiss ko Lang kayo, kaya naisip ko na...dito nalang muna titira" turan ko at naupo sa sofa.
"Bakit? Eh Kay kristhoper, okay Lang Ba sa Kanya? Eh diba ayaw nyang nalalayo ka sa kanya" turan ni mama at tumabi sakin, kaya yumakap ako.
"Ma, Hayaan Mona sya, ayoko naman na lagi sa Kanya umaasa" saad ko naman Kaya tumingin sakin si mama ńg parang confuse.
"Anak" tawag ni mama.
"Bakit Ma?" tanong ko naman.
"May problema ba kayo ni kristhoper?" tanong ni mama.
"Ahmm wala naman po,-atsaka mama namiss ko Lang kayo, Bawal naba akong Dumalaw O tumira dito?" tanong ko, Kaya Napakunot ang Noo nya.
"Anak, Anong hindi pwede? Bahay Morin to no shunga" saad ni mama at binatukan ako ng mahina.
Ayan na shunga pa tuloy.
"HAHA oh sige Mama aalis muna ako"turan ko at Tumayo.
"Bakit saan ka pupunta?" tanong ni Mama
"Mag hahanap ako ng lalaki HAHAHA" saad ko Sabay tawa.
Suminghal si mama bago nag salita "Kung payagan ka Nyan ng boyfriend mong bakla" saad ni mama, Kaya nawala ang ngiti ko.
"Joke lang yun Mama, nag hahanap ako ng trabaho, part time lang naman" saad ko at kinuha ang shoulder bag.
"Buti naisip mo"Sabat naman ng intrimitida kong kapatid ńå si Ashley na kakauwi lang Galing sa school, Parehas lang Kami ng pinapasukan, highschool na sya.
"Syempre, ayoko naman umasa sa iba no" saad ko at Hinalikan si mama sa pisnge, "sige na Ma, aalis na ako, Oii Ashley" Tawag ko sa kapatid ko.
BINABASA MO ANG
My gay boyfriend Is Now Straight (BOYFRIEND-SERIES #1) (On Going)
Ficção Adolescente(Abigail and Kristopher) 'Mahal kita kahit bakla ka, wala akong pake sa sasabihin ng iba, ituturing kitang prinsesa kahit na lalaki ka.' Yan Ang motto ni Abigail, Ang babaeng nainlove sa Isang beki. Ps. don't try to copy my story, I worked hard for...