...

312 2 5
                                    

Ilang awit pa ba ang aawitin, oh, giliw ko?
Ilang ulit pa ba ang uulitin, oh, giliw ko?
Tatlong oras na akong nagpapa-cute sa 'yo
'Di mo man lang napapansin ang bagong t-shirt ko

Nagsimulang magtilian ang mga tao rito sa field. Tumutugtog ngayon ang isa sa mga sikat na banda rito sa university - ang Serendipity. Bukod sa magaling sila, isa rin sa dahilan kung bakit nagtitilian ang mga tao rito ay ang bokalista ng banda - si Melvin.

"Grabe ang ingay dito, Aya. Uwi na tayo sa dorm," pagyaya sa akin ng kaibigan kong si Pat. Hindi kasi talaga ito mahilig manood ng mga ganito. Ayaw din niya ng maingay. Napipilitan lang siyang sabayan ang trip ko. Pero sa totoo lang, hindi rin naman ako mahilig sa ganito - not until I met Melvin.

"Wait lang, Pat. Tapusin lang natin 'tong kanta. Para sa akin kaya 'yan," pagbibiro ko habang hindi maalis ang mga tingin kay Melvin na patuloy na kumakanta sa stage.

Ilang isaw pa ba ang kakainin, oh, giliw ko?
Ilang tansan pa ba ang iipunin, oh, giliw ko?
Gagawin ko ang lahat pati ang thesis mo
Huwag mo lang ipagkait ang hinahanap ko

"Feelingera ka talaga, Aya. Hay naku, ilang taon ka ng patay na patay kay Melvin," sabay irap ni Pat.

"I know right," proud kong sagot sa kaniya.

"At ilang taon ka na ring nganga," pambasag ni Pat.

"Tse," tinaasan ko siya ng kilay at pinagpatuloy ko na lang ang panonood ko. Umoo na lang ako ng umoo sa lahat ng sinasabi niya sa akin.

Sagutin mo lang ako
Aking sinta'y salang humpay na ligaya
At asahang iibigin ka
Sa tanghali, sa gabi at umaga
Huwag ka sanang magtanong at magduda
Dahil ang puso ko'y walang pangamba
Lahat tayo'y mabubuhay nang tahimik at buong
Ligaya

"Oh my God, nakita mo 'yun?" halos mapaupo ako sa sobrang kilig na nararamdaman.

"Ano naman 'yun?" taas kilay na tanong ni Pat.

"Kinindatan niya ko, sis. OMG!" hindi ko mapigilang mapatili sa sobrang saya ko. Nahampas hampas ko pa sa braso niya si Pat. Walang paglagyan ang kilig na nararamdaman ko ngayon.

"Asumerang frog. In your dreams, Aya. In your dreams," walang kabuhay buhay na tugon ni Pat sa akin.

Hindi ko na ito pinansin. Oo, maaaring nananaginip lang ako ng gising. Maaaring ilusyon ko lang ang nakita kong pagkindat ni Melvin sa akin. Masama bang mangarap? Masama bang pangarapin na mapansin ka ng taong matagal mo ng pinapangarap?

At asahang iibigin ka
Sa tanghali, sa gabi at umaga
Huwag ka sanang magtanong at magduda
Dahil ang puso ko'y walang pangamba
Lahat tayo'y mabubuhay nang tahimik at buong
Ligaya

Nang matapos ang kanta, hinila agad ako ni Pat palayo sa field. Alam niya kasing hihirit pa ako ng isang kanta, at isang kanta pa, at isa pa ulit. Alam na alam na ni Pat ang mangyayari. Hanggang makauwi kami sa dorm ay hindi naalis ang ngiti sa labi ko. Hindi maalis sa isip ko ang mga mata ni Melvin, ang ngiti niya. Hay, Melvin. Kailan mo kaya ako mapapansin? Mahawakan ko lang ang kamay ni Melvin, siguro pwede na akong mamatay.

Nakahiga ako sa aking kama at pinagmamasdan ang mga glow in the dark kong stickers sa kisame. Ang ganda talagang pagmasdan ng mga bituin. Napangiti na lamang ako. Simula bata kasi ako ay paborito ko na talaga ang mga bituin. Ang mga kinang nila ang nagbibigay palagi sa akin ng pag-asa. Ang sarap nila tignan habang iniisip si Melvin.

Natigil naman ang aking pangangarap ng gising ng magvibrate ang cellphone ko na nakapatong sa tiyan ko.

1 new text message from 09176279304
Ang mga mata mo ay parang bituin sa langit, kumikinang para sa akin.

Ang cheesy ha. Wrong send siguro.

1 new text message from 09176279304
Isang ngiti mo lang, nabuo na ang gabi ko.

Napangiti ako. Cheesy pero in fairness ha marunong mambola ang isang ito. Kaya lang maling number naman ang tinext niya.

1 new text message from 09176279304
Sagutin mo lang ako aking sinta'y walang humpay na ligaya... para sa'yo 'yung kantang 'yun kanina. Masaya ako na nagtama ang mga mata natin kahit saglit lang.

Ha? Ligaya? 'Yung kanta ba ng Serendipity ang sinasabi niya? Makapag-reply na nga na wrong send siya.

Wrong send ka po.

Tumagilid na ako upang matulog ng muling mag-vibrate ang cellphone ko. Ang kulit din naman talaga ni kuya. Sabi ng wrong send eh.

1 new text message from 09176279304
Aya?

Aya? Teka bakit niya ako kialala? Para sa akin talaga ang mga mensahe niya?

Sino 'to?

1 new text message from 09176279304
Matagal na kitang gusto, Aya. Sorry kung ngayon lang ako nagkalakas loob ng sabihin sa'yo. Dinadaan ko lang palagi sa kanta. Tuwing makikita kitang nanonood sa amin, parang gustong lumabas ng puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito. I like you, Aya. I really do.

Ha? At sino ka naman?

...
...
...

It's me Aya. Si Melvin. It's nice to finally meet you. :)

Si Boss Pogi at AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon