Chapter 1

245 20 0
                                    

CHAPTER 1: Zyron Arkeia

Sa dalampasigan sa lugar ng Frozen floes makikita ang isang binatang may maamong mukha na may maitim na mga mata at buhok na nasa labing dalawang taong gulang na nakaharap sa karagatan. Makikita itong prenteng nakatindig ngunit seryoso ang itsura at nakapikit na mga mata.

Ilang sandali lamang ay biglang pumaskil ang isang ngiti nito sa labi sabay pagmulat nitong mga mata.

"Oras na astro, Tuite" biglang sigaw ng binata sabay takbo nito ng mabilis sa kagubatan sa likuran nito.

May lumabas naman na isang puti at mabalahibong aso ang agarang sumunod rito at siya ring pag labas ng ibong puti naman ang nasa ere na mapapansin rin nakasunod sa bintang tumatakbo.

"Astro mauna ka at putulin ang mga damo upang makadaan tayo ng maayos,. Tuite gawin mona" saad ng binata at binilisan nito ang takbo.

Sumunod naman ang asong puti at umuna sa binata upang hibasin ang mga damo at ang ibon naman ay lumipat pakaliwa at hindi alam kung saan ito tutungo.

Ilang sandali pang nakalipas ay mapapansin na ang aso at binata na tumatalon sa nagtataasang bato sa loob ng kagubataan ganon din sa mga puno.

Mabilis ang kanilang takbo ngunit hindi kasing bilis ng makapangyarihang tao. Bilis lamang ito ng isang talentadong batang katulad ng binatang ito.

Crrppp!!

Huni ng ibon na siyang nagpalingon sa binata habang patuloy ito sa pagtakbo. Napangiti naman ang binata dahil alam nitong ito na ang hudyat ng kanilang plano.

Sa hindi kalayuan mapapansin ang naglalakihang nilalang na kulay nyebe sa puti na may mga mapupulang mata na labas ang mga matatalas na pangil nito sa bunganga. Tila naman ito'y galit na galit na sumusunod sa kanila na siyang nagpangiti sa binata.

"Ayoss... Galing mo talaga tuite,. Hahahaha" natutuwang turan ng binata sabay talon nito sa lupa galing sa mataas na bato sabay takbo ulit ng mabilis at muling tumalon sa kapunuan.

Mas lalo namang nagalit ang mga halimaw na nasa tuktok ng nagtataasang bato dahil sa biglaang pagbaba ng binata sa kalupaan kaya naman hindi mapigilan ng mga ito ang umatungal sa galit.

Roarrrr!!!

Atungal ng tatlong halimaw na siyang nagpatigil sa binata.

"Ha!. Tumigil sa paghabol sa atin ang mga yeti na iyon. Astro gawin mo na ang susunod na hakbang" muling wika ng binata sabay takbo nito pakanan papalapit sa bato at nagtago sa damuhang nakita nito.

Arf! Arf!

Atungal ng aso sabay ang pagtakbo nito pakaliwa na tila ba sinusunod nito ang gusto ng binata.

Pagkatakbo ng aso pakaliwa ay agad itong tumalon pabalik sa naglalakihang bato at hinarap ang mga yeti na pulang pula ang mata sa galit.

Grr!!!

Tila naman gigil at galit na tinig na aso ang nanghahamon ng away sa mga yeti kaya naman ang tatlong halimaw ay pinaghahampas ang kalupaan sa paahan nito na tila ba pinapahiwatig nito na handa ito sa laban.

Sa bandang itaas naman ng kalangitan makikita ang ibong puting lumilipad papalapit sa nagaganap; kung saan naka pwesto ang aso at mga yeti.

Crppppp!!

Huni ng ibon kaya naman napalingon dito saglit ang aso at naging hudyat ito upang gawin ang dapat nitong gawin.

Bigla namang tumakbo ang aso papalapit sa tatlong yeti na siya ring ginawa ng tatlong yeti.

[Zyron Arkeia]The LEGEND of OMNIPOTENCE; VOLUME 1: The Land Beyond The WallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon