Chapter 5

96 9 0
                                    


NAKALIPAS ang ilang araw ay sumapit na ang linggo kung saan ang araw na pagbisita ni elder floura mula sa bahay nila zyron.

Abot ngiting nakaantay sa higaan si zyron habang naka upo habang nag ninilaynilay. Sa makalipas na araw kasi ay wala siyang ibang ginawa kung di ang magnilaynilay at langhapin ang sariwang enerhiya sa kapaligiran.

Hindi muna siya nag ensayo sa kagubatan dahil narin sa mas pinili niyang nasa tabi ng kanyang ina sa mga natitirang araw upang ito ay makasama. Dahil nasabi ng kanyang ina na hindi nagpapalabas sa silid pageensayo ang elder. Kaya naman napagpasyahan niyang huwag ng mag ensayo sa gubat at manatili nalamang sa tabi ng kanyang ina.

Habang nag ninilaynilay si zyron, ilang oras lamang ay dumating na ang kanilang pinaka-aantay. Agarang niyang narinig ang katok sa pintuan ng kanilang bahay na labas. Kaya naman itinigil niya na rin ang pagninilaynay at agarang tumayo mula sa kanyang pwesto.

Narinig niyang bumukas ang pintuan kaya naman agad siyang lumabas sa silid ng kanilang ina at tumungo kung saan niya nakikita ngayon ang kanyang ina at ang elder na magkaharap at nag-uusap.

"Ina..." Tawag ni zyron sabay baling ng tingin nito kay elder floura " magandang umaga po elder floura" nakangiting saad ni zyron matapos nitong makalapit sa dalawa.

"Magandang umaga rin saiyo batang zyron. Muli tayong nagkita" nakangiting balik na saad ng elder.

"Pasok po kayo elder Floura" singit ng kaniyang ina, sabay mas pinalawak ang pagkakabukas ng pintuan ng kanilang bahay at saglit na umatras upang magbigay espasyo sa elder.

"Maraming salamat myla" tanging saad ng elder at agad rin tumungo sa upuan sa lamesa. Agad rin namang sumunod ang mag-ina sa elder at umupo rin katabi nito.

"Alam kong alam mona kung bakit ako naparito tama ba?," napatango naman ang dalawa "kung gayon maaari ko bang malaman ang iyong desisyon?" Saad nitong muli.

Napatingin naman si myzella sa anak nitong seryosong nakatingin sa elder at saka ngumiti bago muling tumingin sa elder. "Nakapag desisyon napo ako elder floura... At ang desisyon na iyon ay ang pag-bibigay pahintulot sa anak kung si zyron na mag ensayo sa mga kamay mo elder" sagot ni myla sa elder na siya namang ikinangiti nito.

"Kung ganon, ikinagagalak at ikinatutuwa ko ang iyong pagbibigay sansya na hayaan sa aking mga kamay ang iyong anak myla" tuwang tuwang saad ng elder base sa abot tenga nitong mga ngiti.

"Maraming salamat po sa pag-aanyaya elder. Ngunit gusto ko rin po sanang malaman ang kaligtasan ng aking anak mula sa pagsasanay na inyong gagawin" saad ni myzella at rumehistro ang kaseryosohan sa mga mata nito.

"Alam kung alam mo myra na walang pagsasanay at pag eensayo ang madali. Ngunit asahan mong gagawin ko rin ang lahat ng aking makakaya para sa ikabubuti ng iyong anak. Wag kang mag-alala hindi ko lubusang ipapahamak ang iyong anak" nakangiting saad ng elder.

May kunti namang pag-aalala ang dumaan sa mukha ni myla. Alam niya kasing wala talagang pagsasanay o pageensayo ang madali kaya hindi niya mapigilang mag-alala para sa kanyang anak, lalot mismong elder na ang nagsabi na hindi niya lubusang ipapahamak ang kanyang anak. 'hindi lubusan' kaya maaari paring makaranas ng malupit na pagsasanay ang kanyang anak.

"Kung ganon elder floura, labis na akong nagpapasalamat... Ikaw na ang bahala sa aking anak. hanggad ko lamang ang kanyang kaligtasan " tanging nasabi nalamang ni myzella sabay tingin sa kanyang anak.

Napatango ang elder at nakangiting napatingin sa mukhang seryosong tingin ni zyron. "Ikaw batang zyron handa kanaba para pag e-ensayo mo?" Tanong ng elder nito.

Mas sumeryoso naman ang mukha ni zyron at pinakita sa mukha nito ang pagiging determinado at sinabing "handa po ako elder floura, gagawin ko po ang aking makakaya upang magawa ng maayos ang pag e-ensayong inihain at inihanda mo para sa aken." Seryosong saad niya na siyang nagpangiti lalo sa elder.

[Zyron Arkeia]The LEGEND of OMNIPOTENCE; VOLUME 1: The Land Beyond The WallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon