Naghihingalong nakabaon si zyron sa lupa kung saan siya tumilapon matapos siyang sipain ni elder floura sa bandang t'yan.
Hindi niya maigalaw ng maayos ang kanyang katawaan dahil sa sunod-sunod na atakeng natanggap niya na siyang dahilan kung bakit tila baldado siya ngayon.
Subrang sakit ngunit malayo sa kamatayan na siyang laging sinasabi niya sa kanyang utak sa ngayon.
"Hindi masamang maging hambog. Ngunit masama ang pagiging hambog na hindi sinasamahan ng gawa. Baka maging katapusan mo yan." hindi man nakikita ngunit rinig parin ni zyron ang iniwang kataga na iyon ni elder floura bago mawala ang presensya nitong malapit sakanya.
Huna niya ay iba naman ang bubugbogin nito dahil sa tapos na ito sakanya.
"A-ang t-tindi... Ah!" Mahinang saad ni zyron at pinilit tumayo mula sakanyang pagkakabaon.
Napahawak pa siya sa kanyang likoran at sa isa niyang braso na tila ba nabali dahil sa lakas ng impak ng kanyang pagtilapon.
Matagumpay naman na nakaalis sa hukay si zyron at ngayon ay namimilipit sa nararamdamang sakit siyang napaupo malapit lang sa kanyang binagsakan.
"H-hindi ko inaasahang magiging ganto kalupit ang secret reflexes na sinasabi ni elder". Nahihirapang wika ni zyron. Humugot siya ng hangin ng matagalan at agad rin iyong ibinuga.
'ngayon mas naiintindihan ko na lalo ang sinabe ni elder noon nang nag-usap sila ni yega. Ang unang uri ng reflexes na tinatawag niyang normal reflexes ay patungkol lamang sa paghahanap at pagturo sa kanyang presensya. At ito ang pangalawang uri ng ikaapat na ensayo na tinatawag niyang secret reflexes kung saan dapat naman naming mailagan ang mga atakeng ibabato niya sa amin. Kung ang ikalawang uri ng ikaapat na ensayo ay ganto na kalupit?, paano ba kaya ang ikatlong uri?. Panigurado mas mahirap at mas matinding sakit mula sa mga atake ang matatanggap namin.' sa isipang saad ni zyron. Nawawalan na siya ng lakas magsalita. Kaya isinaisip niya nalang iyon.
Agad din naman itong natigil ng makarinig siya ng mga sigaw. At sigurado siyang nagmula iyon kay izac at daino base narin sa mga sigaw ng mga ito.
May naririnig siyang sigawan at paghampas na tumatama sa kung saang parte ng silid. May naririnig rin siyang tila mga pagkabasag na sigurado siyang dahilan ng pagtalsik nito.
'napakarahas ni elder. Hindi siya nagpipigil. Samahan pa na isa siyang ganap na Silver Rank level 7. Wala kaming laban' sa isip ni zyron.
"Meron nalamang kayong tatlong oras para matapos ang ikalawang uri ng ikaapat na ensayo mga bata. Handa na ba kayong kaharapin ang ikatlong uri?, kakayanin n'yo kaya?. Ngunit sa aking nakikita ay para bang malabo.." pang-uuyam na saad ng elder na siyang narinig ng lahat. "Huwag kayong maging tanga at inutil. Hindi ako magpipigil sa ngayon lalong lalo na sa ikatlong uri ng ikaapat na ensayo. Kung gantong magiging inutil at tanga kayo ay siguradong kamatayan ang inyong kakahantungan... Kulang na kulang kayo sa bilis, lakas at mabisang pag-iisip. Paano n'yo magagawang malampasan ang ikaapat na uri kung gayong lahat kayo ngayon ay tumba?. Tandaan n'yo! Mas matindi ang kaganapan na kakaharapin n'yo sa pagsusulit." Dagdag nito ngunit mababakasan at maririnig sa boses nito ang subrang kaseryosohan.
Tila naman namulat silang lahat sa katutuhanan. Masyado pa nga silang mahina at mabagal. Hindi sila agad makapag-isip ng mabilisang paraan.
Pero hindi lang naman iyong ang kanilang problema. Wala silang lamang sa ranggong meron ang elder na siyang walang pagpipigil na pinaparamdam sakanila.
Dahil sa mga narinig na iyon ni zyron ay naging sanhi ito ng pagmulat niya sa labis na katutuhanan.
Dahan-dahan siyang tumayo sakanyang pwesto at ngayon, mababakasan na sakanyang mukha ang napakatinding determinasyon.
BINABASA MO ANG
[Zyron Arkeia]The LEGEND of OMNIPOTENCE; VOLUME 1: The Land Beyond The Wall
FantasySYNOPSIS‼️ Mailap sa mataas at magulong mundo ang siyang pinagmulatan ni zyron Arkeia. Sa simula ng kanyang pag-usbong ay tatahakin niya muna ang matinik na daan kung saan ito rin ang magiging tungo ng kanyang pagtatagumpay. Si zyron Arkeia ay isa s...