"Wala tayong pagpipilian kundi ang pumasok sa madamo at madilim na parteng iyan., ihanda niyo nalamang ang inyong sarili para sa patago at pasurpresang atake. Tayo na" seryosong saad ni eullora tumango naman ang lahat at sumunod rito.
Sa ngayon nasa unahan si eullora, ica at zyron na naglalakad samantalang sa likod nito si joda, yega at oga nasa likod ng tatlong ito si daino at Fraqom. Samantalang nasa pinakalikuran si henz at Gerviq na hanggang ngayon ay nag-aaway parin.
Hindi na pinansin pa ng lahat ang dalawang ito dahil para bang nauubusan na sila ng enerhiya kakasuway sa dalawang ito kaya naman hinayaan na nila dahil magsasawa rin naman iyan kakaaway.
Arf! Arf!
Tahol ni astro ng makalapit na sila sa bandang papasok ng madamo at madilim na lugar. Lahat sila ay tumigil sa harapan ng madamo at madilim na lugar na iyon at tumingin at pinagmasdan nila iyong ng maigi.
Arf! Arf!
Crrrppp!
Sabay na tahol at huni ng aso at ibon na siyang nagpalingon sa kanilang sampo. Nakita nila kung paanong pumasok sa lugar na iyon si tuite kaya naman medyo nagulat sila. At nang tumingin naman sila kay astro ay sakto namang pagpasok nito sa lugar na iyon. Tinawag pa ito ni zyron ngunit hindi ito tumigil ay nagpatuloy na para bang walang naririnig.
Nang dahil sa pangyayareng iyon ay hindi na nagpaligoy ligoy pa si zyrok at agad ring tumakbo papasok sa madilim na lugar na iyon at sumunod kay astro.
"Zyronnn!!" Sigaw ng lahat ng mga batang andodoon.
Tila naman nag panic ang ibang bata samantalang may isang bata naman ang makikitaan ng hindi pagkadisgusto.
"Psh. Mas malala pa sa inaasahan ko" walang kabuhay-buhay na saad ni izac.
Napatingin naman rito si eullora bago napatingin sa iba nitong mga kasamahan."sa tingin ko wala tayong pagpipilian. Kailangan na nating sumunod sa kanila sa loob ng madilim na parteng iyon. Tara na!" Saad ni eullora at agad ring tumakbo papasok. Wala namang sabisabing sumunod lang dito si izac.
Nagsisunuran rin ang iba pa at sinuong ang madamo at madalim na parte ng kagubatang iyon.
Habang nagtatakbuhan ang lahat sa parteng madilim ng bundok ay makikita rin naman si zyron na nananatiling nakasunod sakanyang alaga nima si astro.
Normal lamang ang bilis ng kanyang aso pero siya? Doble ang bilis na ginagamit niya.
Kaya makikita ang pagtataka sa kunot na mukha ni zyron, dahil hindi niya maintindihan kung bakit parang di niya maabutan ang alaga niyang aso kahit doble na ang bilis na pinapamalas niya.
Crrrppp!
Napatingin naman siya sa bandang taas kung saan saktong nagpakita si tuite.
"May nakita kanaba tuite?" Tumatakbong tanong ni zyron dito.
Arf! Arf!
Crrppp!
Sabay na atungal ng dalawang alaga ni zyron sabay liko ng mga ito sa kanang parte ng madalim na kagubatan. Tunay na, namadilim sa parteng ito dahil kahit sinag ng araw ay hindi na ito nahahagip pa.
"Anong dahilan kung ba't msy gantong madilim na lugar sa bundok naito" takang tanong ni zyron sa kanyang sarili at agadng pinadaloy ang enerhiyang sa kanyang mata. Kaya sa oras ngayon ay gamit gamit niya na ang isa sa mga abilidad na nakuha niya. Ang vision ability.
Kung kanina ay dilim ang kanyang nakikita ngayon ay hindi na ganun. Kahit papaano ay nakikita niya na ang kapunuan lalong lalo na ang daanan. Ngunit may mga daanan parin naman na madilim sa kanyang paningin. At ano ang dahilan?, dahil hindi niya pa naipapamalas ang galing sa paggamit ng visions ability niya. Sa kadahilanang hindi niya pa ito napagtutuonan ng panahon upang ito ay hasain. Hindi man puro pero sapat narin para sa gantong pangyayare kung saan kailangan na kailangan niya parin.
BINABASA MO ANG
[Zyron Arkeia]The LEGEND of OMNIPOTENCE; VOLUME 1: The Land Beyond The Wall
FantasySYNOPSIS‼️ Mailap sa mataas at magulong mundo ang siyang pinagmulatan ni zyron Arkeia. Sa simula ng kanyang pag-usbong ay tatahakin niya muna ang matinik na daan kung saan ito rin ang magiging tungo ng kanyang pagtatagumpay. Si zyron Arkeia ay isa s...