Hindi rin nag-tagal ay agad ring nakarating sila zyron at eullora sa kung saan nakahanay ang kanilang mga kasamahan dahil sa hindi rin naman ito malayo.
Nakangiti namang tumingin si zyron sa kanyang mga kasamahan at agad na pumantay sa hanay. Ngumiti rin naman pabalik sa kanya ang ilan at kinumusta pa siya.
Ilang saglit nga na kumustahan ay agad rin silang natigil dahil sa paglitaw ni elder sa kanilang harapan dahilan ng kanilang pagsiayos ng tindig.
"Tapos na ang oras na ibinigay ko sainyo bilang pahinga. Maaaring masakit pa ang katawan ng ilan sainyo ngunit kailangan na nating magmadali. Naghahabol tayo ng oras sa ngayon kaya hanggat maaari ay isantabi muna ang sakit ng katawan upang tayo ay matapos narin. Ngayon, sasabihin ko sainyo kung ano ang ikalimang ensayo." Saglit itong tumigil at bumuntong hiningang tumingin sa mga bata. " Ang ikalima o huling ensayong inyong gagawin ay tinatawag kong Oakland knives." Muling putol ng elder na siyang nagpalunok sa kanilang lahat. Pangalan palang kasi ay alam na nilang matinik ito at hindi basta-basta. "Hm, alam kung ilan saiyo ay may naiimahe na sa isip kaya naman hindi ko narin papatagalin pa. Ang gagawin niyo lamang sa Oakland knives ay iwasan lahat ng mga patibong lalong lalo na ang mga matatalim na maaaring kumitil sa inyong buhay... Alam n'yo na kung paano magpalabas ng enerhiya at matagumpay n'yo ng nabuksan ang ikatlong abilidad niyo. Kaya ngayon pinapaalalahanan kung gamitin ninyo lahat ng inyong abilidad dahil magiging mahirap para sainyo ang panghuling ensayo na ito." Pagtatapos ni elder sa kanyang sinabi.
Kinakabahan naman ang iba dahil sa matinding ensayo na ibinigay sakanila ni elder. Wala itong kapatawaran kaya naman agad na napasalita si Eullora." Ang lupit ng huling ensayong ito elder. Wala bang ibang paraan o ensayo na hindi gamto kalala?. Buhay na namin ang nakasalalay rito." Nangangamba at kinakabahang wika ni eullora.
Tumingin naman dito ng masama si elder floura at agad nagsalita. " Kung inayos n'yo lang sana ang mga unang ibinigay ko sainyong ensayo ay baka madalian nalamang kayo at hindi ngayon nagrereklamo... Para sa katanungan n'yo kung may ibang paraan?, ang masasabi ko lamang ay wala... Hindi lamang kayo ang henerasyon na nakaranas ng gantong kalalang ensayo sa siyang panghuli, kaya naman wala akong karapatan at wala din akong balak na palitan ang panghuling ensayo para sainyo... Kung mamatay man kayo dahil lamang sa panghuling ensayo na ito ay dahil na iyon sainyong katangahan at kahinaan." Walang pigil at masasakit na salitang bigkas ni elder. "Walang silbi ang mga naunang ensayo kung hindi n'yo gagamitin. Ilang beses ko na itong sinabe sainyo ngunit uulitin ko parin... Gamitin n'yo ang inyong utak sa lahat na desisyon na inyong gagawin at hindi katangahan ang pangibabawin. Gamitin n'yo lamang lahat ng inyong natutunan st siguradong matatapos n'yo ang ensayo na hindi nakakaranas ng matinding sakit." Dagdag nito at naglakad-lakad pakana at pakaliwa. "Sinong may tanong?".
Napayuko naman ang iba dahil sa sila ay kinakabahan na ngunit nag lakas loob na nagtaas ng kamay ang seryosong si zyron. "Ako po elder.", napatingin at tumango naman ang elder hudyat na pinahihintulutan at maaari na siyang magsalita. "Naiintindihan ko po ang lahat ng inyong sinabe. Tunay na malupit ito tulad ng sinabe ni eullora. Ngunit wala kaming magagawa hindi ba?, ayon narin sa sinabi mong wala kang karapatan at wala kang planong palitan ang ensayong aming gagawin. Ngayon, gusto ko lamang po sanang itanong kung saan kami mag eensayo?, at kung anong klase na ensayo meron ang ikalimang ensayo?". Mahabang salaysay ni zyron ngunit mababakasan sa mukha nito ang kaseryosohan.
"Magaling at malinaw na katanungan... Para sa kasagutan?, lahat kayo ay uuwi narin ngayon mismong araw na ito" saad ng elder na siya g nagpaangat ng ulo at napatingin sa iba.
"U-uuwi napo kami elder?" Nabiglang tanong ni yega.
"Wah?, talaga elder? Wah. Makakauwi na kami" tila masayang wika ni henz.
Samantalang napakunot noo naman ang iba. Tulad nalamang ni daino at agad itong nagtanong. "Uuwi kami sa araw na ito elder?, ngunit diba ngayon rin ang araw ng ikalawang ensayo namin?." nagtataka at naguguluhang wika ni daino.
BINABASA MO ANG
[Zyron Arkeia]The LEGEND of OMNIPOTENCE; VOLUME 1: The Land Beyond The Wall
FantasySYNOPSIS‼️ Mailap sa mataas at magulong mundo ang siyang pinagmulatan ni zyron Arkeia. Sa simula ng kanyang pag-usbong ay tatahakin niya muna ang matinik na daan kung saan ito rin ang magiging tungo ng kanyang pagtatagumpay. Si zyron Arkeia ay isa s...