Chapter 12

70 9 0
                                    

"Eh??" Tanging saad nalamang ng gulat at nagtatakang si zyron.

Hindi paman rumirehistro sa utak niya ang nangyare ay nakarinig na siya ng tawag mula sa kamyang likuran.

"Zyronnn" malakas na sigaw ng boses lalaki na walang iba kung hindi si fraqom. Tila naman nagulat si zyron sa boses na iyon na siyang naging dahilan ng pagbalik niya sa kanyang ulirat.

Dahan dahan namam siyang napalingon. At ngayon ay gulat na gulat na nang rumihestro na sakanyang utak ang nangyare.

"Paanong??, paanong napunta ako rito?" Taka ngunit mahinang saad ni zyron.

" Nasa labas kanarin pala zyron eh. Akala namin ay nasa loob kaparin" tanong nang kakarating palang sa pwesto niya na si fraqom.

Napatingin naman si zyron sa likuran ni fraqom kung saan patungo narin sakanyang ang nasa likuran nito na sina eullora,joda daino, gerviq,yega at oga.

"Labas?" Takang tanong ni zyron at muling tumingin kay fraqom. " Nasa labas na tayo?, pero paanong" ssad niya at hininaan ang kanyang boses sa dulo.

"Zyron. Nauna ka pa pala sa amin na mapunta rito sa labas?" Takang tanong ni joda ng makalapit sila.

"At, may bitbit ka ng bagong alaga?" Takang tanong naman ni daino

Takang taka naman ni zyron sa mga nangyayare at bigla nalang napatingin sa hawak hawak niyang si Tarris sa ngayon ay tila ba mahimbing na tutulog bago tumingin sa alaga niyang aso at ibon na nakatingala sakanya ngunit agad ring nag iwas ng tingin ng tignan niya. Dahil sa ikinilos ng dalawa niyang alaga ay mas lalo siyang nagtaka.

"A-ah, haha.." tanging nasaad nalamang ni zyron at napakamod sakanyang ulo.

Nakita n'ya naman ang tila ba mapagsuring mata ni eullora kaya naman napaiwas siya ng tingin rito.

"Zyron- MGA KASAMA!!"  Hindi pa man natatapks i eullora sakanyang sasabihin ay bigla nalamang silang nakarinig ng sigaw ng isang lalake sa loob ng madilim na parte ng bundok at doon nga ay lumabas ang dalawang taong maybitbit na patay na guiton sa mga kamay nito na walang iba kung hindi so henz at izac.

"Henzz" malakas na sigaw rin ni fraqom. At doon nga nakita nila ang pigura ng dalawa na bitbit ang halimaw na siyang nagpagulat sa kanila.

"I-isang bronze rank level 4 na guitom?" Tila naman nanlalaking matang wika no gerviq.

"P-panong nakahuli kayo ng isang guiton na mababa ang antas?" Takang tanong naman ni yega.

Napataas naman ng kilay si izac dahil sa tanong ni yega at agad nagsalita. " Dahil mahina lamang sila" saad nito at tumuloy sa paglalakad.

Tila naman natulala si yega sakanyang kinatatayuan hindi dahil sa bastos na sinabi ni izac kundi dahil sa nakita niya.

Nagtataka siya kung paanong nakakuha ito agad ng ganon kabilis.

"Wahh. Sa wakas nakita ko narin kayo. Wahh, makakain nakoo!, pero alam n'yo ba? Tanging si izac lamang ang tumalo sa mga ito pero hindi nakikipaglaban, waha ha ha!" Saad no henz sabay tawa nito habang nsa magkabilang gilid ang mga kamay.

"Ha?, paano iyon?"

"Natalo ng hindi nakikipaglaban?, imposible"

"May ganoon ba?"

Tanong ng ilan sa kanila maliban kay zyron na ngayon ay nakatingin lamang sa naglalakd na si izac na sa hula niya ay panalik na sa pinaka silid pagsasanay nila.

"Wha ha ha, hindi ko rin alam kung paanong nangyare. Pero basta meron narin akong pagkain. Paano ba?, mauna na ako ah. Lulutoin ko pa ito. Gutom na gutom na talaga ako. Paalam!" Saad ni henz at agad itong umalis bitbit ang malaking guiton.

[Zyron Arkeia]The LEGEND of OMNIPOTENCE; VOLUME 1: The Land Beyond The WallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon