"Mag siayos kayo ng inyong mga pwesto. Siguradohin n'yong kayo ay maghihiwa-hiwalay dahil magsisimula narin tayo." Saad ng elder. Kahit naguguluhan ang ilan sakanila ay sinunod parin nila ito at naghiwa-hiwalay nga sila ng ilang metro.Tila naman ayos lang kila daino, joda, izac at zyron ito dahil narin sa binigkas ni elder kanina.
"Ang ikaapat na ensayong ito ay magtatapos sa ikalimang araw... Tama limang araw ang ibibigay ko sainyo para sa pageensayong ito ang pinagkaiba lang ay kasama ako sainyong ensayo. Kaya naman!, tayo'y magsisimula na." Saad ng elder ng nakangisi kasabay noon ay ang pagdilim ng buong kapaligiran na siyang nag pagulat sa kanila ng lubusan.
Agad naman nagsi aktibahan ang mga abilidad nilang sampo kaya ngayon ay gamit gamit na nilang lahat ang kanilang vision ability na isa sa tatlong abilidad na mayroon ang isang bronze rank.
"Wah!, ang dilim parin!!" Sigaw ni henz na siyang dahilan kung ba't si zyron napalingon sa boses na iyon ganon din ang iba.
Tama kahit na gumamit na sila ng vision ability ay hindi parin iyon nagiging sapat dahil hindi parin nila makita ang kapaligiran.
"Wah! Mga kasa-" muling salita ni henz ngunit agad iyong naputol dahil sa isang boses na nagsalita.
"Ang normal reflexes. Ang unang uri ng reflexes ay nagsisimula na at ang dapat n'yo lamang gawin ay ako ay pakiramdaman habang sinasanay n'yo ang inyong sarili sa kadiliman... Pano bayan? Buwenas mabalos mga bata!" Boses ni elder floura na tila ba umaalingawngaw pa sa buong kapaligiran.
May mga napasinghap naman at nagreklamo dahil sa normal reflexes na unang pinagawa sa kanila ni elder floura.
Samantalang si zyron, izac, joda at daino ay hindi na nagreklamo pa at kung tutuosin ay pare-pareho lamang silang naka upo sa kani-kanilang mga pwesto.
Dahil nga sa walang makita si zyron ay ang ginawa niya sa kanyang pwestong inuupuan ay ang pagpikit lamang habang pinakikiramdaman ang buong kapaligiran.
Itinuon pa niya ang buong atensyon niya sa kapaligiran na kahit ihip ng hangin ay tila hindi niya naririnig dahil sa pinakikiramdaman niya ang kanyang paligid.
Samantalang si izac naman at joda ay sabay na naglabas ng kani-kanilang mga enerhiya sa kanilang mga katawan. Lumiwanag sa kanilang pwesto dahil sa pagpapalabas ng kanilang enerhiya, ngunit hindi pa rin sila matunton ng kanilang mga kasamahan dahil para bang sila lang din ang nakakakita ng kani-kanilang mga enerhiya.
Habang si daino naman ay makikitang nakatukod ang isang kamay sa lupa at doon tinuon ang kanyang atensyon at ito'y pinakikiramdaman.
Habang si eullora naman ay makikitang magkadikit ang mga kamay na tila ba nagdadasal habang mulat na mulat ang mga mata nitong nagliliwanag na kahit pagkimat ng mga mata nito ay hindi nito ginagawa.
Habang si yega, oga, fraqom at gerviq naman ay nakatayo sa kani-kanilang mga pwesto at nakapikit habang pinakikiramdaman ang buong kapaligiran.
Maliban sa siyam na abala sa kanilang pakikiramdaman sa kapaligiran, si henz naman ay makikitang nakahiga sakanyang pwesto habang nakahawak ang kanyang mga kamay sa ulo at doon naghihinagpis at napakaingay na nagwawala.
Kanina gusto sana itong lapitan ni fraqom dahil para bang napakalapit lang sa kanyang pwesto si henz, ngunit kahit subrang lapit na nito sa kanyang pandinig ay hindi niya parin ito makita.
Kaya naisip niya na nagsasayang lamang din siya ng oras dahil sa kanyang ginagawang alam niyang hindi magiging maganda ang resulta.
---
Lumipas nga ang dalawang araw ay nanatiling nasa padilim na parte ng silid ang sampong batang nag-eensayo.
Sa nagdaang araw at oras ay wala silang ibang ginawa kundi ang patalasin ang kanilang pakiramdaman sa paligid.
BINABASA MO ANG
[Zyron Arkeia]The LEGEND of OMNIPOTENCE; VOLUME 1: The Land Beyond The Wall
FantasíaSYNOPSIS‼️ Mailap sa mataas at magulong mundo ang siyang pinagmulatan ni zyron Arkeia. Sa simula ng kanyang pag-usbong ay tatahakin niya muna ang matinik na daan kung saan ito rin ang magiging tungo ng kanyang pagtatagumpay. Si zyron Arkeia ay isa s...