Sa parte ni zyron ay makikita itong nasa kalahating dibdib na ang batong binubuhat nito. Makikita rin sa kalamnan nito ang naglalabasang ugat at sa tenga at mukha nitong nagkukulay pula at ang leeg nitong tila ba gusto ng kumawala ng mga ugat.
Ganon rin ang makikita sa mukha ni izac na siya ring pareho nang makikita kay zyron.
Sa kasalukuyan ay pare-pareho na silang nasa ikatlong bato. Ang pinagkaiba lang si izac at zyron palang ang nakakabuhat ng bato samantalang ang walo ay pilit palang binubuhat ang kani-kanilang mga bato.
"Woah!, ang bigat naman nito wah!, huna ko ay nasa isang-daang kilo na ang bigat nito wah!" Tila ba nagluluksang paghihinagpis ni henz habang pilit nitong binubuhat ang kanyang bato.
"Ang ingay mo, puro kapa reklamo. Pwede manahimik ka!" Tila naman naiinis nang pag pasensya ni yega. Sa katunayan ay kanina pa siya naiinis dahil sa hindi niya mabuhat-buhat ang batong nasa harapan niya.
"Hahaha. Yan kasi ang ingay mo tol" tuwang tuwa na biro naman rito ni fraqom.
Napatingin naman dito si joda at sinamaan ito ng tingin bago nagsalita. "Tama ka namam henz na mahigit isang-daan na kilo na ang bigat ng batong ito. Pero kung mamarapatin dapat kaya pa nating itong buhatin." Saad ni joda sabay tingin nito sa kanyang bato na nasa lupa at tila ba nag-iisip sa pamamagitan nang pag lagay ng kamay nito sa babang parte ng kanyang mukha.
"Kahit ako ay labis na nagtataka. Para sa tulad kung may makisig na katawan dapat ay kahit papano nabubuhat pa ito. Ngunit hindi ko magawa ng madalian" sabat naman dito ni daino.
"Ano ba ang sekreto nang dalawang iyan at nabubuhat parin nila ang bato?" Takang tanong naman ni gerviq sabay noon ang pagtingin nilang lahat sa dalawang lalaki na kung makikita mo ay pulang pula na ang mukha at naglalabasan ang ng ugat sa leeg habang buhat buhat ang mga bato nitong nasa parteng dibdib na nila.
"Sa tingin ko naman wala silang sekreto." Tugon naman dito ni eullora at tumigil saglit bago muling nagsalita. "Makikita naman sa mukha nila iyon. Masyado nilang pinipilit buhatin ang bato kahit hindi nila kaya" sabay simangot nito at tumingin sa kanyang bato.
Napabuntong hininga naman ang pito samantalang tumatango-tango naman si oga at sabay sabay na silang napailing.
Sa parte ni zyron ay makikita rito ang subrang hirap-hirap na mukha dahil sa batong binubuhat niya.
'bakit subra naman ang bigat mong bato ka!'. Sa isip ni zyron at tila ba minumura na niya sa kanyang isipan ang bato dahil sa bigat na ibinibigay nito.
"Argh!. Diko na kaya!" Isang malakas na sigaw kasabay ng pag tunog nang isang bato na tumama sa lupa hudyat na hinulog ito.
Napatagilid naman ang ulo ni zyron at napatingin siya kay izac na tila ba galit at hingal na hingal at sinisipa ang bato na hinulog nito sa kalupaan.
"Nakakainis. Pangatlong bato palang ito ngunit ang bigat na... Ang tandang iyon?!!." Muling inis na wika nito at muling pinag-sisipa ang bato.
*Bang
Tulad ng ginawa ni izac ay hinulog narin ni zyron ang kanyang bato dahil alam niya na kahit anong pilit niyang pagbuhat rito ay hindi niya ito mabubuhat.
"Nakakapagod iyon ah!" Mahinang wika ni zyron sabaya upo sa batong binagsak niya at pinunasan ang pawis nito sa noo gamit ang kanyang palad.
"Wahaha. Hindi n'yo rin kinaya no?" Natatawang wika ni fraqom na siyang nagpatingin sa dalawa.
Sinamaan naman ito nang tingin ni izac at itinaas nito ang gitnang parte ng daliri nito sa kamay.
"Hays. Ano bang solusyon natin sa problemang ito." Nakadapang wika ni henz sakanyang bato at para bang pagod na pagod habang hinihimas himas iyon.
BINABASA MO ANG
[Zyron Arkeia]The LEGEND of OMNIPOTENCE; VOLUME 1: The Land Beyond The Wall
FantasiaSYNOPSIS‼️ Mailap sa mataas at magulong mundo ang siyang pinagmulatan ni zyron Arkeia. Sa simula ng kanyang pag-usbong ay tatahakin niya muna ang matinik na daan kung saan ito rin ang magiging tungo ng kanyang pagtatagumpay. Si zyron Arkeia ay isa s...