Chapter 20

66 6 0
                                    


Arf! Arf!

Crrrppp!

Tahol at huni ng mga alaga ni zyron na siyang nagpamulat sakanya mula sa mahimbing na pagkakatulog.

Winawagayway ang buntot habang nakadila na lumapit sa mukha ni zyron si astro at agad itong dinilaan sa mukha.

"Hmm. Astroo" saad ni zyron sabay dikit ng kanyang kamay sa mukha ni astro at agad iyong inilayo.

Bumuhat naman mula sa pagkakahiga si zyron at napahawak sakanyang ulo at katawan dahil sa pagkirot nito.

"Ah!, m-masakit... Ngayon ko nanaman muling naramdaman ang gantong sakit sa katawan... Ito na ata ang pangalawang beses na ako'y nabugbog ng ganto kalala". Saad ni zyron ng mahina, at napalinga-linga sa kapaligiran.

"Zyron..." Napabaling ang atensyon ni zyron ng marinig niya ang sigaw na iyon na nagmumula sa pintuan ng silid. Si eullora.

"Eullora" tanging saad lamang ni zyron at inalis sa higaan ang mga paa nito at ibinaba mula sa hinihigaan niya saka idinikit sa lupa.

"Buti naman at gising kana." Tila nag aalalang wika ni eullora saka lumapit kay zyron.

"Ah. Haha, o-oo nga. -ah!"

"Ay, teka. May masakit ba sayo?" Tanong ni eulloro ng makita niya ang pag daing ni zyron. Para kasing labis itong nasasaktan sa tuwing ikinikilos nito ang katawan.

"Ah, hindi naman. Medyo kumikirot lang. Oo nga pala ilang oras na akong nakatulog rito?" Sagot at tanong ni zyron matapos niyang himas-himasin ang kanyang ulohan.

Umupo naman sa tapat niya si eullora at agad din itong sinagot. "Binigyan tayo ng limang oras ni elder floura na magpahinga. Lalo't halos karamihan sa Kasamahan natin ay baldado, tulad mo.", saad ni eullora na siyang nagpangiwi kay zyron. "Para sa katanunganan mo?, matapos mong mawalan ng malay ay agad ka niyang pinag-pahinga rito sa kanyang silid. At mahigit sampong oras kapalang naman ditong nagpapahinga" pagtatapos ni eullora sa kanyang sinabe.

Napatango naman si zyron bago nagsalita. "Ganon pala. Ano bang nangyare at nabaldado rin ang iba?" Kuryosidad na tanong ni zyron.

"Hmm" tila nag-iisip na kilos ni eullora. Bago ito sumagot. "Hmm, matapos mo lang namang mabugbog ay kami ang sinunod ni elder. Ang pinagkaiba lang ay hindi na ako masyadong nabugbog dahil itinigil rin ni elder ng makita niyang halos lahat tayo at baldado na." Sagot rito ni eullora.

"Ganon pala. Kung ganon?, tapos na ang ikaapat na pagsasanay?" Takang tanong ni zyron na mababase pa ang kunot na noo sa mukha nito.

"Sa kasalukuyan. Oo tapos na nga ang ikaapat na ensayo. At ikaw lamang ang nabubukod tanging hindi nakapunta sa huling uri ng ikaapat na ensayo.

Tila naman nainis ang mukha ji zyron dahil sa kanyang nalaman. Gusto panaman sana niyang maabutan at makita kung anong klase nang ensayo meron ang huling uri ng ikaapat na ensayo.

Napabuntong hininga naman si zyron at napayuko.

"Pero kung gusto mong malaman ang nangyare, maaari kung i-kwento sa'yo ang ilan." Nakangiting saad ni eullora na siyang nagpaangat sa ulo ni zyron dahil sa magandang balitang kanyang narinig.

Kung ito nalamang ang paraan ay handa siyang makinig. Hindi man niya naranasan at nakita ang ensayong iyon, kung maririnig naman niya ito ngayon ay siguro sapat na ito para sakanya.

Tumango namang nakangiti si zyron at ngumiting nagsalita. "Paki-usap. Gusto kong malaman kahit maliit na detalyado lamang ay sapat na." Tila batang nag-aantay sa mahaba at mahiwagang kwento na aktong saad ni zyron.

[Zyron Arkeia]The LEGEND of OMNIPOTENCE; VOLUME 1: The Land Beyond The WallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon