Chapter 17

82 11 3
                                    


Dahil sa ginawa ni zyron ay napagpasyahan nalang din ng iba na ituon ang natitirang oras nila sa pagninilaynilay at pagpapahinga.

Maliban kay eullora,yega at oga ang limang sila zyron, izac, daino, joda, gervic ay makikitang mga nakaupo at lahat sila ay nagninilaynilay.

Samantalang si henz ay nakahiga sa lupa habang nakatulala sa langit habang si fraqom naman ay tumungo sa ilog Maravellis upang mag himalos ng mukha.

Hindi rin naman nagtagal ay dumating narin si eullora kasama si yega at oga. At makikita rin kay oga na hindi na ito nagtatago sa likuran ng kanyang kakambal dahil nasa kabilang kaliwa na ito naglalakad kasabayan ni eullora na nasa gitna at si yegang nasa kanan.

"Mga kasama!" Bigkas ni eullora na siyang nagpabuhat kay henz mula sa pagkakahiga at napatingin sa tatlong naglalakad patungo sa pwesto nila.

"Eullora,yega at oga. Buti naman at bumalik na kayo. Wah~ nababagot na ako rito" malakas ngunit tila walang enerhiya at pagod na saad ni henz.

"Eh bakit hindi ka tumulad sa kanila nag ninilaynilay?" Takang tanong naman dito ni eullora matapos makapunta sa pwesto nila.

"Eh, ayaw ko. Mas gusto kong magpahinga" sagot naman dito ni henz at para bang hinayaan at binigyan nang katamaran ang kanyang katawan dahilan kung bakit muli siyang napahiga sa lupa at pumikit.

Napangiwi naman si eullora at yega dahil sa pinakita ni henz at napailing nalang.

"Hmm. Bahala na kayo yega ah. Oga ang paalala ko wag mong kalimutan. Oh siya, magninilaynilay narin ako." Saad ni eullora sabay abante nito ng kaunti bago umupo at nakisabayan narin sa mga nagninilaynilay.

Tumango naman si yega na para bang nakikita parin ni eullora bago bumaling sakanyang kambal. "Oga." Tawag pansin dito ni yega, kaya naman napabaling ng tingin sakanya si oga. Bumuntong hininga naman si yega bago muling tumuloy sa pagsasalita. "Tandaan mo ang paalala at habilin ki eullora ah?. Tama sila lalaki ka. Kaya kailangan mong maging matapang at matatag. Hindi ko sila kinakampihan pero sasaang-ayunan ko ang sinabi ni joda na dapat hindi ako ang nagiging protektor mo. Dapat sabay nating pinoprotektahan na dalawa ang ating mga sarili nang hindi narin kailangan pa ng tulong ng iba... Oga harapin mona lahat ng takot mo ha. Hindi mo kailangan na habang buhay na magpakulong sa nakasanayan mong iyan. Alisin mona iyan saiyong sarili at harapin ang katutuhanan." Mahaba at seryosong saad ni yega. Napatingin naman dito nang seryoso is oga at bigla nalamang dumaan ang tapang at determinasyon sa mga nito bago tumango.

Napangiti naman si yega dahil sa naging responde ng kanyang kambal kaya naman muli siyang nagsalita. "Pano ba?, kailangan narin nating magnilaynilay at magpahinga. Sulitin na natin ito dahil siguradong mahirap na ang susunod" dagdag ni yega na siyang tinanguhan ni oga at sabay silang pumunta sa may espasyonh pwesto at agad na umupo sa mga iyon at nagnilaynilay.

Samantala matapos makaupo nila oga at yega ay siya namang saktong pagdating nang nag pupunas ng basang mukha na si fraqom gamit ang ilalim ng kanyang damit sa harap.

At agad ring pumwesto matapos makitang andoon na lahat ng kanyang kasamahan na nagpapahinga at nagninilaynilay .

Pero bago siya magnilaynilay ay tinitignan namuna niya ang kanyang mga kasamahan at ngumiti dahil sa mga ranggo nitong nagsitaasan.

Tatlong bronze rank level 7 na sina zyron, izac at joda habang dalawang malapit narin na maging bronze rank level 7 na si Eullora at daino at Limang level 6 na si henz, gerviq, yega, oga at siya.

"Hays. Malayo pa kami ngunit malayo narin. Di bale nang level 6 palang ako basta magtyatyaga ako sigurado mapupunta rin ako sa mga antas nila... Medyo nakakaingit nga lang din dahil malapit nang mapalabas nila zyron, izac at joda ang kani-kanilang mga kapangyarihan. Nakakaingit pero nakakasabik rin. Hahaha di bale na kung mauuna silang makapagpalabas ng kanilang kapangyarihan ay siguradong pati ako ay makapagpapalabas din." Mahina ngunit masayang saad ni fraqom sakanyang sarili bago napagpasyahan na magnilaynilay.

[Zyron Arkeia]The LEGEND of OMNIPOTENCE; VOLUME 1: The Land Beyond The WallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon