Mahina kong sinara ang pintuan ng bahay para hindi magising ang mga pinsan ko. Maga-alas singko na ng umaga at kahahatid lang sa akin ni Vale dito sa bahay. Inuna niya kasing ihatid sina Lia at Mage.
"Saan ka galing?"
Halos mapatalon ako nang marinig ko ang boses ng tita ko. Oo nga pala. Sunday ngayon kaya maaga sila sa simbahan.
"Lumabas lang po with friends," sagot ko.
She remained silent and crossed her arms. Umiinom siya ng kape at nagbabasa ng midland courier. Siguro nagpapagising ng diwa bago lumabas.
"Itext mo tatay mo. Tinatanong kagabi kung nakauwi ka na."
Tumango ako at ngumiti. "Opo, tita. Ingat po sa Church."
Very active si tita roon sa simbahan dahil siya ata yung nagbabasa no'ng responses? Hindi ko rin alam, e. Minsan, kapag sumasabay ako sa kanila doon sa Cathedral, inaantok agad ako kaya nakakatulog ako bago pa mag-homily.
Pagkapasok ko sa kwarto ko, tulog pa doon si Jaci, yung isang pinsan kong kasama ko rito sa kwarto. Tatlo silang magkakapatid, at dito lang sa kwarto niya yung may space para sa akin. Nakikitira lang kasi ako sa kanila.
Humikab si Jaci nang buksan ko yung ilaw. She looked at me with her eyes still chinky.
"Umaga na." She laughed. "Nakita ka ni Mama?"
Tumango ako at tumawa rin habang nagpapalit ng pantulog. "Akala ko nga magagalit."
She laughed and threw a small pillow at me. "Yung ilaw."
I closed the lights and went straight to bed. Puro babae sila dito sa bahay na 'to. Si Jassi, siya yung middle child. Siya rin ang pinaka-close ko sa kanila. Si Ate Yessa at Leigh, sila yung dalawang kapatid ni Jaci na nag-aaral rin sa SLU, tulad ko. Iba nga lang kurso nila. Si Ate Yessa, nursing. Si Leigh naman, psychology.
Si Jaci kasi, naka-ilang shift na kaya sa UB na siya ngayon at nagdedentistry. Pa-iba iba kasi siya ng kurso kaya siya pinalipat ni tita ng paaralan.
Bago ako matulog, binuksan ko ang cellphone ko at nakita agad yung text ni Papa.
From: Papa
Nak wg k muna bumaba d2 wla aq pambayad pamasahe mFrom: Papa
Nghahanap p ksi aq pambyad tuition mNgumuso ako habang binabasa 'yon. Akala ko, makakababa ako sa probinsya namin mamaya dahil hanggang Tuesday kami walang klase. Miss na miss ko pa naman na si Papa.
Namuo luha ko pero pinunasan ko agad 'yon. I cleared my throat and started typing.
To: Papa
Okay papa labyuI blinked away my tears as I kept my phone under my pillow. Once I woke up, I felt better. Mabuti na lang at kumain muna kami bago umuwi kaya hindi ko ramdam ang alak sa sistema ko galing kagabi.
Hapon na rin kaya wala nang tao dito sa bahay, si Jaci lang. Palagi siyang pinapaglitan nina tita na 'di daw siya nagsisimba, pero matibay rin 'tong si Jaci, hindi nagpapaapekto.
"Morning," bati sa akin ni Jaci. She was still in her sweatpants and hoodie, halatang hindi pa naliligo.
"Hindi ka nag-Church?" I asked. Tinignan ko kung may ulam sa loob ng ref, pero mukhang wala naman.
Umiling si Jaci. "Acads."
"Wow," I laughed. "Long weekend mo yan?"
Tumawa siya at umiling. "Alam mo ba, may bago akong crush. Taga-UB rin."
Tumaas ang kilay ko. Iisa lang naman ang kilala kong lalaki sa UB, at ex 'yon ng best friend ko. Ang malala pa do'n, ginamit lang si Raffy na side chick!
BINABASA MO ANG
We Said Never (City Series #3)
Подростковая литератураCity Series #3 Selena is afraid of commitment. Ezra is not looking for a new relationship. When these two end up becoming a fake couple for each other's advantages, do they both find something more than what they thought they wanted? Beginning: Apri...