Chapter 17

9K 455 468
                                    

Malaki ang ngiti ni Vale pagkapasok namin ng sasakyan. Nasa harap si Raffy, at kami naman ni Natalia ang nasa likod.

"Nag-enjoy ka ba?" Ngumiti si Natalia sa akin.

I nodded. This is the lightest I've felt for the first time. Katatapos lang ng service at.. para akong bagong tao. It was just one night. But something has changed..

"Where are we eating?" tanong ni Vale. "Si Ena na pipili."

Tumawa ako at nagkibit balikat. "Kahit saan! Libre mo naman ako, eh."

"Hoy, bakit ako, hindi mo ililibre?" Sumimangot si Raffy, kaya naman ginulo ni Vale ang buhok niya.

"First time mo bang mag-service?" Vale asked her, kaya naman tumawa si Raffy at humalukipkip.

Tumikhim si Natalia at tumingin sa labas. Gusto ko sana siyang kamustahin pero.. hindi ko pala dapat alam.

"Okay ka lang?" I asked her anyway. Lumingon siya sa akin at ngumiti.

"Oo naman." She laughed.

"Tajimaya nalang daw sabi ni Raffy," sabi ni Vale. "You guys good with that?"

Tumango ako. We all went to Tajimaya to eat, at siyempre, si Raffy at Vale ang magkatabi. Kung hindi ko lang talaga alam na may something sila ni Natalia, hindi ko mahahalata! Ang galing nilang mag-tago.

"Someone told me na you and Ezra are pretty close.." simula ni Natalia.

Lumingon ako kay Raffy at Vale na mukhang may sariling mundo, kaya mukhang hindi rin nila rinig ang boses ni Natalia.

"Um.. oo?" I laughed.

"Maybe you could invite him again?" sabi ni Natalia. Kita agad ang lungkot sa mata niya. "Claude and I always tried to invite him back pero ayaw niya talaga, eh.. baka mainvite mo?"

Napaawang ang labi ko. Hindi ko nga pala sinabi kay Ezra na pupunta ako sa Church nila. And that's their Church, too. Doon si Claude dati, doon yung tatay nina Ezra. It makes sense that when Ezra told me na nagsserve siya, kasama niya noon sina Natalia.

"Try ko." I gave her a small smile, kaya naman ngumiti rin siya.

"Thanks.." she nodded.

Nang ihatid ako pauwi ni Vale, may tuwa at kaba sa puso ko habang tinitignan ang pangalan ni Ezra sa cellphone ko. I'm excited to tell him about my experience tonight.. pero kinakabahan ako sa sagot niya.

"Hi, babi!" Malaki ang ngiti niya sa camera. Nakasuot siya ng puti na hoodie ay mapupungay ang kaniyang mga mata. "Kagigising ko."

Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa sala para hindi magising si Jaci. I smiled at my phone as I sat on the couch.

"Halos kauuwi ko lang rin."

"Ay talaga? Saan galing?"

"Um.." Tumikhim ako. "Church."

"Huh? Bukas pa mass niyo diba?"

Umiling ako. "Inimbita ako ni Vale.. nandoon rin sina Nat at Raffy."

Tahimik lang siya sa kabilang dulo, pero halatang gulat ang mukha niya. Tumikhim ulit ako at umayos ng upo.

"I enjoyed," Marahan kong sabi. "Iba pala doon. Grabe, parang.. first time kong makita si Lord as more than just a judge, you know? I saw Him as a loving Father..."

I heard him clear his throat as he shifted in his bed. Nakatingin lang siya sa screen, at walang sinasabi.

"You should come, rin.. pag-uwi mo. Try natin pumunta." I smiled.

We Said Never (City Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon