Chapter 33

9.3K 432 198
                                    

"Yeah, you can move this here. Pwede 'yon."

Humikab ako habang naglalakad pababa ng hagdan. Naka-shorts lang ako at suot suot ko rin ang malaking sweatshirt ni Ezra dahil ubos na ang damit ko.

"Good morning!" Nginitian ko si Ezra. "Anong ginagawa niyo? Akala ko ba babalik na kayo ng Manila?"

"Good morning." Ezra smiled at me. "Anong oras ka aalis?"

"Mamaya maya na rin. At least nandoon si Nat, hindi bored si Raffy." I sighed as I held Ezra's arm and looked at the table. "Ano 'to?"

Ngumisi si Chino at tinaasan ng kilay si Ezra. Ezra gave me a cheeky grin, making me scrunch my nose up.

"Ano nanaman?" tanong ko sa kaniya. "Ano 'yan? Anong oras byahe niyo pabalik ng Manila?"

Sa pagkaka-alam ko, babalik na sina Chino sa Manila. Ezra told me I could use his room for the meantime. Nasa ospital pa kasi si Raffy, kaya ayoko munang bumalik ng Maynila. Hindi naman daw problema dahil wala rin gumagamit nitong bahay, usually bumibisita lang ang caretaker at hardinero para maalagaan pa rin nang maayos.

It's been more than a week since the others went home. Sina Kai, Apollo, at iba pang mga kaibigan nina Ezra ay nagsi-uwian na. Si Zach, umuwi na rin ng Manila para asikasuhin ang shop doon. Pinaplano na ata ni Papa na i-handover sa kaniya fully para makapag-retire si Papa dito sa Baguio kapag natayo na yung bahay.

"What's this?" I asked as I looked at the blueprints. "May project naman pala kayo."

"This.." turo ni Ezra sa hawak ni Chino. "Is your house."

Kumurap ako ng ilang beses sa kanilang dalawa. A smile immediately surfaced on my face. He's taking the project!

"Seryoso ka ba?" I asked as I looked at their plans.

"Pangako ko 'yon sa'yo, diba?"

Lumambot ang puso ko nang marinig ko ang mahinahon na boses ni Ezra. Him reminding me of the time that he promised to build a house for Papa and I made me feel so.. soft.

"So anong balak n'yo?" I asked.

"We'll check out other projects for the company sa Manila just to see how they're doing, then aakyat ulit kami in.. three days?" Ezra answered. "Kaya mo bang mag-isa?"

I nodded. "Yeah. And I'll probably always be with Raf, so.."

Tumango si Ezra at malambing na ngumiti sa akin. I smiled back at him before looking at their plans once again.

After finalizing a few things, pumunta na agad si Chino sa sasakyan niya at nauna nang lumuwas sa Manila. Convoy naman sila ni Ezra, kaya nahuli na si Ezra at inantay akong makapag-ayos para maihatid niya ako sa ospital.

"How are you?" I broke the silence as he drove. Medyo malayo-layo pa kami, at wala man lang nagsasalita kanina.

Tumingin siya sa akin, tila ba gulat sa bigla kong pagsalita. Umiwas ako ng tingin at tinignan na lamang nang maigi yung mga tattoos niya. His arm full of tattoos were once the weakness of thousands of girls. Naalala ko noon, tumitili pa ang ibang mga babae kapag nakikita 'yon sa mga laro niya.

"I'm good." He nodded. "You?"

"I'm okay."

He nodded again. "That's good to hear."

Hindi ko alam kung bakit kumakalabog nanaman ang puso ko sa pananalita niya. Para bang ang lambing. Kung titignan mo siya, mukha siyang bigtime engineer na suplado, pero yung pagka-himbing ng boses niya? It says otherwise.

"Uy," He smiled as he turned the radio up. "Gustong gusto mo 'tong kantang 'to, diba?"

HIndi ko napigilan ang pag-ngiti ko. I looked over at him, and his dreamy eyes made it hard for me to look away.

We Said Never (City Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon