Chapter 25

9.1K 413 221
                                    

"Sorry, sayang naman ang pag-aayos mo. Hindi mo man lang nakita yung loob." I sighed. "Pogi natin today, ha."

Zach smiled and looked over at me. Matraffic ngayon kaya hindi pa rin gumagalaw ang sasakyan. Basa pa rin yung gown ko kaya naman ginamit ko na lang yung coat ni Zach para lang hindi ako malamigan sa aircon.

"Okay ka lang?"

Tumingin ako sa bintana para hindi makita ni Zach ang namumuong luha sa mga mata ko. Sa totoo lang, miss na miss ko na talaga si Ezra. But of course.. I could never admit that to him.

"Yeah, of course." I smiled. "Gutom na ako."

"May drive thru ata d'yan," aniya sabay liko.

I've never really mastered the way of driving in Manila, since Zach's always here to drive me everywhere. May sarili naman siyang sasakyan. At least 'yon, naiwan pa rin sa kaniya after the whole family thing. Pero siya ang nag-ayos. It was completely wrecked after the accident, but he poured everything into his car.

Nag-order si Zach ng burger meals naming dalawa sa drive thru ng Burger King, at patuloy na rin na nag-drive dahil baka gabihin na kami kung magdi-dine in pa.

"I don't really like their fries." I scrunched my nose up. "Yours."

Naglahad ako ng tatlong piraso na fries sa bunganga niya at kinagat niya naman 'yon. I helped him open his burger as well, para naman hindi siya mahirapan sa pagmamaneho.

"Tulog agad si Papa kanina, pagod. Dami customer, eh," saad niya bago uminom ng coke.

"Ay totoo?" Kumagat ako sa burger ko at lumingon sa kaniya. "Nice naman. Kumain naman siya? Uminom gamot?"

Zach nodded before making a right turn. "Sabi niya nga kain na rin ako kasi wala siya kasabay. I waited for him to finish na lang and washed the dishes before going."

Zach continued to tell me about his day with Papa on the way home. Pinark niya rin yung sasakyan sa garahe ng shop bago umuwi sa condo niya.

Tinanggal ko agad ang heels ko pagkapasok ko ng kwarto. I sighed as I thought of how the night went by. Sobrang aga ko pa umalis. Hindi ako nakapag-paalam kay Alon at Chino.

Why was Ezra event there in the first place May date ba siyang kasama? Sikat ba ang date niya?

Nalunod ako sa sarili kong isipan hanggang sa tumunog ang cellphone ko. My eyes landed on the screen, only to find the most unexpected name pop up.

From: Ezra
Is he your boyfriend now?

Halos masamid ako sa sarili kong laway nang mabasa ko 'yon.

Ano?! Sino?!

Malamang, sino pa ba kasama ko kanina?!

Umiling ako. Bakit ba niya tinatanong? Bakit ba niya ako kinakausap bigla?! Hoy, sana naman umayos siya! Hindi siya mamamansin tapos magte-text text siya ngayon?!

Nanliit ang mga mata ko sa cellphone ko bago mag-type ng reply. I took a deep breath and slowly started to compose my message.

To: Ezra
No. He isn't.

From: Ezra
Ok.

To: Ezra
Okay.

Kinagat ko ang kuko ko habang nakatitig sa screen. Siguro naman hindi na siya magrereply. Bakit pa, diba?

From: Ezra
I'm sorry. It was wrong of me to ask

From: Ezra
I shouldn't have texted.

I closed my eyes and sighed. Hindi ko alam kung bakit ganito pa rin ang epekto sa akin nitong Noestro na 'to. Pakiramdam ko mababaliw na ako.

We Said Never (City Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon