"Finally!" ani Olivia pagkalabas namin ng classroom. "Midterms are over! Isang hataw nalang—"
"Isang hataw nalang, short term na ulit. Wala tayong pahinga," Heidi said while walking alongside Olivia and I. "May plans kayo tonight? Iinom ata yung ibang blockmates natin, ah?"
"Hmm," Humalukipkip si Olivia at tumango patungo sa direksyon ng Adenauer Bridge. "Sana all may plans tonight."
Bumaling ako sa tinuturo niya at naroon na agad si Ezra na naka-lagay ang siko sa railing.
He was patting his own head again, that small little mannerism he does that actually makes him look cute despite his bad boy aura. Palagi kasi siyang naka-itim at kitang kita lagi ang mga tattoo niya.
"Sana all." Tumawa si Heidi. "Yummy ng boyfriend mo talaga."
"Baliw kayo. Bye, Liv! Bye, Heids." Kumaway ako sa kanila bago dumiretso kay Ezra. Once he saw me approaching him, tumayo na agad siya nang maayos at ngumiti.
"Wow naman, fresh pa rin after exams. Good day?" He chuckled while we started walking. "Gusto mo ba umuwi muna? Or kain?"
"Can I go home first? Palit sana ako ng damit."
"You'll change pa?" he asked. "You look good naman."
"Alam kong maganda ako ngayon." Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi naman ikaw naglalaba. H'wag ka nang magreklamo."
Mas lumaki ang ngiti niya. "Are you nervous? You look fine, I promise."
"Hindi! Tanga neto!" Umiling ako. "Bakit naman ako kakabahan?"
Hindi naman ako kinakabahan.. ata? Hindi ko alam! It's just a party. I've been to house parties before.. but they're all parties that Lia hosted.
Dumiretso kami sa bahay at nag-park na rin siya sa tapat. I removed my seatbelt and looked over at him.
"Papasok ka ba? Nand'yan ata yung iba kong mga pinsan."
"Kung okay lang sa'yo. Okay lang naman kung antayin kita dito sa sasakyan."
"Okay lang naman." Nagkibit balikat ako. "Baka ma-umay ka dito sa car. Tara na. Mabilis lang ako."
Tumango siya at bumaba na rin ng sasakyan. Habang hinahanap ko yung susi ko sa bag, bigla nalang nag-bukas yung pintuan kaya naman nagulat ako. Naroon si Jaci na mukhang paalis na rin at wala sa mood.
"Uy, gabi na, ah. Hindi ka magdidinner dito?" tanong ko sa kaniya.
Umiling siya at nagpilit ng ngiti kay Ezra.
"And'yan si Mama. Good luck." Nataas baba siya ng dalawang kilay niya bago magpatuloy palabas ng gate.
Ezra raised both his eyebrows innocently. "Okay lang ba yung pinsan mo?"
"Baka pinagalitan ulit." Nagkibit balikat ako. "Ewan ko, eh. Lika, pasok."
Rinig ko na agad ang boses ni Tita pagkarating namin ni Ezra sa sala. Nandoon si Leigh sa sofa, nagbabasa ng ibang handouts niya. Inangat niya ang ulo niya nang marinig niya kaming pumasok at mukhang gulat siyang may kasama akong lalaki.
"Hello," aniya. "You're the boyfriend?"
Tumikhim si Ezra at lumingon sa akin. "Yeah, I guess.."
"Leigh, si Ezra."
"Diba basketball player ka?" tanong ni Leigh sabay bitaw sa kaniyang mga handouts. "Ikaw yung kapatid ni Claude Noestro."
Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ko nagustuhan yung sinabi ni Leigh. Siguro nung hindi pa kami close ni Ezra, yes, I did know him as just the brother of Claude Noestro. But there's so much more to him. Hindi lang naman kapatid ni Claude nag description niya.
BINABASA MO ANG
We Said Never (City Series #3)
Novela JuvenilCity Series #3 Selena is afraid of commitment. Ezra is not looking for a new relationship. When these two end up becoming a fake couple for each other's advantages, do they both find something more than what they thought they wanted? Beginning: Apri...