To: Ezra
Ay may chika pala akoFrom: Ezra
Makinig ka kaya sa preachingTo: Ezra
HAHAHAHA ok fineTo: Ezra
Pero may chika aq mamayaFrom: Ezra
ShhhhhhhFrom: Ezra
Pero tungkol san heheLumingon ako kay Ezra sa kabilang dulo na binababa ang phone niya ngayon. Nagpigil ako ng tawa at binigay ang atensyon sa pastor na nagsasalita sa harap.
After the service, siniko agad ako ni Vale na nasa tabi ko. "It's nice to see Ezra here."
Tumango ako. "Ilang linggo na.."
"Have you spoken to him?"
"Ha? Bakit naman kami mag-uusap? Ano naman pag-uusapan namin? Okay naman na ako! Bakit naman kami lalapit sa isa't isa?"
Vale gave me a weird look. Mukhang naguguluhan sa bigla kong pag-depensa sa sarili. Umiwas na lang ako ng tingin at umasang hindi na niya 'yon pag-iisipan.
Of course, I haven't told Vale about Ezra and I's talk. Baka batukan pa ako, eh!
Hindi naman nasayang mga advice ni Vale sa akin, eh. Ever since Ezra and I had that talk, I had some peace of mind! Hindi ko na inisip si Ezra, o si Zach, o ang iba. I focused on my relationship with myself and my relationship with the Lord. I guess closure was I needed.
Nag-uusap pa rin naman kami ni Ezra, but we're still praying about it. Kung oo, edi oo. Kung hindi, edi hindi. Wala naman kaming pipilitin.
"Congratulations ulit sa inyo." I smiled at Natalia who was silently checking on her phone beside Vale. "Naks, official na! Hindi ako sanay na hindi niyo tinatago!"
Umangat ang tingin niya sa amin at agad siyang ngumiti.
"Thanks, Ena!" ani Natalia. "Ikaw, when are we going to congratulate you on your lovelife?"
"Nako, malayo layo pa." I scoffed.
"Uy!" Kumaway si Alon sa aming tatlo. "Vance and Na... talia? Right?"
Tumango ako. "Vale, Nat, si Alon pala."
"Oh, I watch your vlogs!" Ngumiti si Nat. "You go here rin pala."
"Hala, nahiya ako bigla!" Tumawa si Alon at kinamot ang kaniyang ulo. "Kayo nga sobrang sikat! Yung kapatid ko, fan na fan mo, Vance. Ayaw nga maniwala ni Summer nung sinabi ko na close ko yung babae sa music video ng bago mong kanta!"
Bahagyang tumawa si Vale habang nakapamulsa. Ngumiti ako at inakbayan si Alon.
"Ako lang 'to."
"Yabang mo naman." Humagalpak siya. "Parang hindi ka nakinig sa preaching kanina?"
"Hoy, nakinig kaya ako! Nasaan ba yung boyfriend mo at mag-isa ka?"
Luminga linga si Alon at tinuro ang dalawang lalaki na papalapit na sa aming apat.
"Ayun, kasama si Ez."
"Ez?" Tumaas ang kilay ni Natalia. "Ez as in.."
"Uy, Ezra!" Tinapik ni Vale ang likod ni Ezra.
Bumaling si Ezra sa akin na ngayon ay nasa tabi ko na, ngunit binalik niya rin agad ang tingin niya kay Vale at Natalia.
"Vale, Nat!" Tumawa siya. "Hello."
"Huy, dito ka rin pala?!" Bahagyang tinulak ni Natalia si Ezra. "Bakit ngayon lang kita nakita?"
"Babe, baka kasi gusto mong umaalis kaagad after Sunday service," mahinang salita ni Vale.
BINABASA MO ANG
We Said Never (City Series #3)
Teen FictionCity Series #3 Selena is afraid of commitment. Ezra is not looking for a new relationship. When these two end up becoming a fake couple for each other's advantages, do they both find something more than what they thought they wanted? Beginning: Apri...