"Wag ka nang pumunta dito," sabi ko pagkatawag ni Ezra.
It's a Sunday, and he is asking me if he could come over with some food. Wala dito sina tita, pero ayaw ko talaga siya papuntahin dito!
It's been months since that fight Ezra had by the Temple. Hindi na ulit siya nakipagbugbugan, as far as I know.
"Hindi ka pa nga kumakain ng lunch, gabi na oh," he said over the phone. "What food do you want?"
"Nandito pinsan ko." I told him. Which is true! Nandito si Jaci, kaya naman ang awkward kung pupunta siya dito na may dalang pagkain.
"Edi anong gusto niya?" he asked. "I'll bring food for the both of you."
Umiling ako habang inaayos yung kama ko. "Go away, Ez. It's a Sunday. Rest day ko as jowa mo!"
I ended the call before he could even answer. Besides, it's a Sunday! He never shows up on Sundays. Parang day off talaga namin kapag Sunday. Hindi ko rin alam, pero mukhang busy talaga si Ezra tuwing Linggo.
Ilang buwan na kaming nagpapanggap na kami, at wala pa ring kibo si Theo. Minsan, ako na nga mismo ang nagrereply kay Theo para kay Ezra dahil hindi talaga siya marunong magpakipot.
I told him to act unavailable, since that will just attract her more! Pero 'tong si Ezra, ang rupok naman kasi sa ex niya. Isang text lang, reply agad.
Being that we've been doing this for a couple of months, palagi niya rin akong hinahatid sa dito sa bahay, pero hindi ko siya pinapapasok. Hindi pa nga alam nina tita na may "boyfriend" ako.
Pumunta agad ako sa banyo at naligo. Patapos na sana ako nang kumatok si Jaci sa pintuan nang malakas.
"Hoy, Ena. Nandito boyfriend mo."
Para akong nasamid sa sarili kong laway nang marinig ko 'yon.
Pumunta pa rin siya?!
I quickly got my towel and went outside.
Pagkalabas ko, nandoon kaagad si Ezra na may dalang mga paper bag galing Jollibee.
Basang basa pa ang buhok ko at wala akong suot, towel lang ang naka-yakap sa katawan ko!
"Hi." He smiled. Nang mapansin niyang naka-towel lang ako ay agad siyang umiwas ng tingin. "Wrong timing?"
"Ano ka ba?!" Malakas kong sabi bago dumiretso sa kwarto. Mabilis akong nagsuot ng pambahay at ni-wrap ko lang ang buhok ko gamit ang towel na gamit ko kanina.
I immediately went downstairs, at nandoon si Ezra at Jaci, nagkikwentuhan. Naka-labas na rin ang mga pagkain na dala ni Ezra galing sa Jollibee.
"Kailan pa naging kayo? Di ko alam na may boyfriend na pala pinsan ko—"
"Bakit mo pinataas?!" tanong ko kay Jaci.
"Eh tinanong nasaan ka, eh." Jaci shrugged.
Ezra smiled at me and chuckled. "I didn't see anything."
Inirapan ko siya habang umuupo sa tabi niya. Binuksan niya agad yung lalagyan ng super meal na nasa tapat ko. Binigay niya rin sa akin ang spoon and fork na plastic.
"Ano ba ginagawa mo dito?" I asked him. "Sunday ngayon diba? You never show up on Sundays."
"We're going out tonight," he answered and smiled.
"Wow," Ngumisi si Jaci. "Sana all may ka-date night."
"Hindi ako nagpaalam." I told him while eating my fried chicken.
"Sus! 'Di mo naman kailangan magpaalam!" Tumawa si Jaci kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.
She put both her hands up as a sign of surrender. "Eto na nga, aakyat na ako. Enjoy your bebe time. Thank you sa food, Ezra!"
BINABASA MO ANG
We Said Never (City Series #3)
Novela JuvenilCity Series #3 Selena is afraid of commitment. Ezra is not looking for a new relationship. When these two end up becoming a fake couple for each other's advantages, do they both find something more than what they thought they wanted? Beginning: Apri...