Mabilis na dumaan ang mga araw. O baka mabilis lang dahil finals na? Nagulat na lang kasi ako nang i-announce ng class secretary namin yung dates for our final exams. Sa Monday na pala exams namin. Eh Sabado na ngayon.
Humikab ako at tumingin kay Heidi na nag-rerewrite ng notes niya. Gawain niya kasi na mag-notes sa yellow pad muna kapag lecture, tapos nilalagay niya yung maayos na notes niya sa notebook niya. Ang time consuming no'n! Si Olivia naman, diretso na siya sa notebook.
Ako naman, humihingi ng yellow pad kay Heidi kapag lecture, magsusulat ng notes, tapos ilalagay ko sa bag ko hanggang sa makalimutan kong nandoon, tapos itatapon ko kapag nililinisan ko na yung bag ko.
Oh diba? Hindi time consuming.
"Pssst." Siko ko kay Heidi. "Pa-xerox naman ako ng notes."
Hindi niya ako tinignan dahil sobrang focused niya sa pag-susulat. Binigay niya lang sa akin yung isang notebook niya.
"Dalawang kopya na para ba rin jan kay Olivia. Alam kong magulo notes niyan," Heidi said. Humagikhik naman ako habang si Olivia ay umirap lang.
Lumabas kaming dalawa ni Olivia ng classroom para magpa-xerox sa labas ng main gate. Vacant din kasi namin ngayon. Last subject na namin, at wala naman na daw lecture kaya free time nalang daw, at inaantay na lang namin na i-dismiss kami nung block rep dahil siya yung sinabihan ng prof namin. Pagkababa namin ng building, kita agad namin ang ibang mga estudyanteng nasa sahig sa tapat ng fountain. Mukhang dinadrawing nila 'yon.
"Grabe mga SEA, hindi na ata natutulog mga 'yan," sabi ni Olivia. "Well, tayo rin naman. Hell week na talaga para sa lahat."
Tumawa ako, pero hindi ko maiwasang isipin si Ezra.
Natutulog pa kaya 'yon?
Araw araw naman siyang nagtitext sa akin, kaya mukhang okay pa naman siya.
Itext ko kaya?
Kinuha ko ang cellphone ko at hindi na nagdalawang isip na itext si Ezra.
To: Ezekiel Raia
Wer uHindi siya nagreply nang makarating kami sa lugar kung saan kami nagpa-photocopy, kaya naman inisip kong baka nakauwi na nga siya. Kanina pa naman dismissal nila.
Habang paakyat kami ni Olivia sa main gate, tumunog ang cellphone ko kaya tumingin ako doon.
From: Ezekiel Raia
Classroom, wbu?To: Ezekiel Raia
Akala ko hanggang 3 lang klase mo ngayon?From: Ezekiel Raia
Yeah pero ginagawa pa na plates dito ehFrom: Ezekiel Raia
Hala 6 na palaFrom: Ezekiel Raia
Hatid kita pauwi?To: Ezekiel Raia
Ang shunga mo wala kang lunch break buong araw >:( kumain ka na baFrom: Ezekiel Raia
Nakalimutan ko hehe sorry kain na lang tayo mamaya!Umiling ako. Buong araw na pala siya hindi kumakain. Ang tanga naman talaga.
"Wait lang, Liv," sabi ko sa kaibigan ko. "Bili lang ako ng pagkain."
"Huh? Gutom ka ulit?"
Ngumiti ako. "Gusto mo na bang tumaas?"
"Samahan na kita."
Tumango ako. Bumaba ulit kami sa hagdan ng main gate at dumiretso sa McDo. Sa takaw ni Ezra, hindi ko alam kung ano ba ang makakapagpa-busog sa kaniya.
"Isang 2 piece spicy chicken po," I told the cashier. "Tapos extra rice. Tas chicken burger."
Tumango yung babae at binigay ko na rin sa kaniya yung bayad ko. Pagkalabas namin ng McDo ay ngumisi si Olivia sa akin.
BINABASA MO ANG
We Said Never (City Series #3)
Roman pour AdolescentsCity Series #3 Selena is afraid of commitment. Ezra is not looking for a new relationship. When these two end up becoming a fake couple for each other's advantages, do they both find something more than what they thought they wanted? Beginning: Apri...