Chapter 16

10.4K 571 284
                                    

"I miss you." Sumimangot ako sa camera ng cellphone ko.

Tumawa siya at nagbuntong hininga. "Uwi na rin kami next week! Just in time before Christmas."

Tumango ako. "Patapos na lunch break namin."

"It's after midnight here," aniya. "Magreview ka para sa exams mo, ah?"

"Exactly. Thanks, Ez," salita naman ni Vale galing sa tabi ko, kaya napatawa si Ezra.

Nasa New York na sina Ezra ngayon. Mabuti nga at pinayagan siyang mag-advanced schedule sa exams nila. Medyo nakakalungkot nga lang na.. I was reminded that Ezra could actually afford to go to other places, other countries. Ang pamilya nila, may kaya. This is just another reminder of how different our lives are.

Pero hindi ko na 'yon inisip. Umiling ako at inayos yung mga gamit namin ni Vale na nasa mesa. Sabay kaming umakyat ng building, at mukhang nandoon na rin si Olivia sa loob ng classroom. Naka-lunch niya kasi ngayon ang mga dati niyang blockmates.

"Grabe, exams na sa Monday!" Nagbuntong hininga si Olivia. "Finals na! Isang semester at isang short term nalang, interns na tayo!"

Tumawa ako at tumango. Tinignan ko si Vale na kanina pa naghihintay ng sagot ko, dahil kanina niya pa talaga ako kinukulit sa pagpunta sa service nila mamaya sa Church.

"Akala ko ba Fridays ang youth night niyo? Sabado ngayon, ah?" sabi ni Olivia nang marinig niyang nag-iimbita ulit si Vale.

He nodded. "Saturday lang this week dahil ginamit yung Church kahapon for an event. You both should come!"

"Vale, masusunog lang ako doon." Tumawa ako at umiling. Bahagya ring tumawa si Olivia bago ibalik ang atensyon sa libro niya.

"Just this once." Vale continued. "Ililibre kita ng dinner after."

"Katoliko ako, Vale. Hindi ako born again." I reminded him. He always does this. Pakiramdam ko nga, gusto niya talaga akong maging kaklase para lang maimbita sa simbahan nila, eh!

Sa religion namin, hindi tulad ng kanila. I'd just go to Cathedral on Sundays for an hour, repeat what's supposed to be repeated, mag-sign of the cross. And I'm not complaining. Okay naman na ako sa religion ko! Hindi ko na kailangan baguhin.

"Okay lang 'yun." He sighed. "Ngayon lang, try mo lang."

Tumaas naman ang kilay ko. Wala rin lang naman akong gagawin ngayong gabi, at alam kong hindi rin lang ako magrereview. I guess it wouldn't hurt to try it out. Para rin hindi na ako kulitin nitong kaibigan kong 'to!

"Sige, libre mo dinner ko ah!"

Ngumiti siya at tumango. "Yeah, I'll treat you dinner."

Mabilis na natapos ang araw namin. While walking to Gate 4, halatang halata ang excitement sa ngiti ni Vale. Gusto ko sana siya asarin pero papunta nga pala kami ng simbahan. Siguro pagkatapos na lang!

"Hello! Welcome!" bati ng isang babae pagkarating namin sa entrance. Malaki ang ngiti niya at kinamayan niya kaagad ako.

I smiled back and shook her hand. Hinila ko kaagad ang t-shirt ni Vale pagkapasok namin sa loob.

"Humithit ba 'yun ng Milo? Parang na-beat agad ang energy gap."

Siniko ako ni Vale. "Ena, be nice."

"Ena?!" Narinig ko kaagad ang boses ni Raffy. "You're here! Mabuti naman at napilit mo na 'to, Vale!"

"Blinackmail ako," I joked.

"Vale, back-up si Nat, diba? Nasaan siya? Magpakita ka kay Natalia, Ena! Gusto mo bang umupo sa harap? Mas maganda doon!" Hinila kaagad ako ni Raffy, pero nagpigil ako sa paglalakad.

We Said Never (City Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon