Love is in Quiapo

12 2 5
                                    

Love is in Quiapo

“Kahit pagmamay-ari mo na marami riyang snacthers na nakapaligid at naghihintay lamang ng pagkakataon para maagawan ka.”



Sabi nga ng karakter ni Carmi Martin sa movie na ‘No Other Woman’, “Ang mundo ay isang malaking Quiapo, maraming snatcher. Maaagawan ka, lumaban ka.” And I totally agree. Why? Dahil lahat naman ng single sa mundo ay parang nasa Quiapo, naghahanap ng puwedeng maging property, handang sumugal ng malaking halaga makamtan lang ang minimithi.

Sa Quiapo naman ay maraming available na puwede mong bilhin. Pero katulad sa sale sa mall, kailangan mong mauna dahil kapag naungusan ka, malamang makikipag-agawan ka.
Mayroon din namang mga ibinebenta sa Quiapo na nilalangaw na kahihintay na sila naman ang mabili, you can buy that. Malay mo ‘yon na pala ang matagal mong inaasam. At katulad din sa Quiapo, kahit pagmamay-ari mo na marami riyang snacthers na nakapaligid at naghihintay lamang ng pagkakataon para maagawan ka. Kaya ingat ka sa Quiapo.

Puwede mo ring ihalintulad ang paghahanap sa pag-ibig ng mga single sa isang cocktail party. I was once told this story during our training sa work ko dati, ang tawag ng trainer namin dito ay Stranger’s Party. Sabi niya, ngayong nagsisimula kaming lahat not knowing each other, para kaming nasa isang cocktail party, maraming tao, sandamakmak na mga bagong mukha, pero kung tutunganga lang kami sa isang tabi ay hindi namin makikilala ang isa’t isa. But if we start to mingle, to try to meet other people, eh di magkakakilanlan kami.

Same sa mga single ngayon, umiiral kasi ang pagkamahiyain, pagiging torpe o kaya naman minsan ang pride. Mapa-lalaki o babae ka man, kapag may nakita kang bet na bet mo, go sunggaban mo agad! It doesn’t mean na kapag nag-hi ka sa isang tao ay gusto mo na itong mapangasawa o maisama sa kama. No! Let me take the words from my trainer, “you would just like to know the person more, to mingle, to socialize.”

Kung ano man ang piliin mong tahakin, ang mag-shopping man sa Quiapo para makita si Mr. Right o ang mag-party para makilala si Ms. Right, just remember to keep it cool at ipakita mong mabuti ang motibo mo. Kaya sa mga lalaki diyan, ‘wag ng mahiya, 21st century na uy! Tigilan na ‘yang katorpehan. At sa mga babae naman diyan, hindi porke’t nakipagkilala o nag-hi sa ‘yo ang isang lalaki ay masama na agad ang balak niya sa ‘yo. ‘Wag kang asumerang sex agad ang habol sa ‘yo. Okay?

*****

BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO! ❤
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Buti Pa Ang Leron Leron May Sinta by Jahric Lago (Published under TBC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon