Marupok2x na Barko
“Isa akong single na sa loob ng isang barko kung saan ay pinaliligiran ako ng hot guys. Para akong bulate na pinain sa libo-libong isda.”
Ang agos ng tubig sa dagat ay parang tunay pag-ibig. It flows, it’s deep, and it looks never ending. Gano’n dapat magmahal ang bawat isa sa atin. Pero bakit marami paring nasasaktan sa mundo? Dahil ba marupok ang barkong napiling sakyan na kapag bumuhos ang malakas na delubyo sa dagat ay tuluyang masisira ang barko at lulubog na lang ito na para bang Titanic.
Ngayon, nasa loob ako ng barko papunta sa isang napakagandang isla na tinuturing na paraiso ng karamihan. But for me, it already feels like paradise dito pa lang sa barko. Why? Simple lang. Isa akong single na nasa loob ng isang barko kung saan ay napaliligiran ako ng hot guys. Para akong bulate na pinain sa libo-libong isda.
There was this guy that I easily liked because he was tall, handsome, and he got this sexy British accent when he spoke. Aww, laglag panty talaga. As if, I’m wearing one. Haha! Feeling ko tuloy ako si Rose at siya si Jack, I’m imagining both of us sa tip ng ship while screaming how we love each other. Tasya Pantasya much? Tapos ang ending pala, habang niyayakap niya ako ay bigla niyang nakita ang mukha ko, nagulat siya, at itinulak ako palabas ng barko at pinakain sa mga pating. Love it! Chos!
Can someone really fall in love that easily? Alam ko malanding marupok(pok) ang puso ko when it comes to guys. Para rin akong marupok na barko. Mapakitaan lang ako ng magandang itsura kahit hindi ko pa kilala ng lubusan ay mahal ko na agad. Hard to get kasi ako. Ehem, self-sarcasm?
Ikaw, can you fall in love that easily? Isa ka rin bang superficial na tao? Or do you prefer to get to know the person first bago mo ma-declare na mahal mo siya? But truth is, lahat naman tayo will always have an impression to the person we see from the first time.
Yes, there will be people who doesn’t love from their eyes. But still, we will always base our perception to a person sa unang tikim natin este tingin natin, like, if pogi siya, macho siya, sexy, ang ganda ng kutis. Bakit saan ka nakakita ng taong nagsabi ng, “Uy! Ang pangit ng guy ‘no? Crush ko na siya!” ‘Di ba wala? We love from what we see. Secondary na lang ang personality at attitude. Dahil lahat tayo nakikita muna ang panlabas na anyo, and I’m not saying that’s bad, kasi kapag mas nakilala naman na natin ang isang tao doon na tuluyang madi-develop ang ating feelings o madi-disgust kung alla kriminal pala ang personalidad niya.
Katulad ni poging British dito sa barko, oo, lahat ng gusto kong panlabas na anyo ay nasa kanya na but because we were never given the chance to introduce ourselves to each other, dahil dinaga din akong magpakilala at hindi naman ako pamigay para makipag-flirt kung kani-kanino, wholesome ako ‘no. I have an image to protect. Chos! ‘Yon hindi ko tuluyang nalaman kung anong klaseng tao ba talaga siya, baka bet niya rin pala ako. Yes, ganda ko! Assumera ng Taon! Kaya naging isang paghanga na lang ang pagtingin ko kay kuyang Britano hanggang dumaong na ang aming barko sa pantalan. Sana may “to be continued” kami at magkita sa Boracay. Hoping much?
*****
BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO! ❤
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago
BINABASA MO ANG
Buti Pa Ang Leron Leron May Sinta by Jahric Lago (Published under TBC)
No FicciónHighest Wattpad Rankings! 🏅🏆 #2 in Memoir (05-24-20) #4 in Autobiography (06-24-21) #5 in Self-Help (05-24-20) #13 in Essay (06-24-21) #87 in Non-Fiction (05-09-18) Single. Sa milyon-milyong tao sa mundo bakit napakarami pa ring single. Kung iisi...