Panimula
Single. Sa milyon-milyong tao sa mundo, bakit napakarami pa ring single? Dahil ba choosy ka sa mga nanliligaw sa ‘yo, o hindi mo pa priority ang pag-ibig, o baka naman sadyang napag-iwanan ka na ng panahon? Isipin mo ‘yong kaibigan mo noong 15 years old pa lang kayo nakatatlong syota na. Pero ikaw, bente singko na pero single ka pa rin. Hindi ka na nga choosy, eh. Ginawa mo na nga ring priority ang pag-ibig, pero bakit hanggang ngayon single ka pa rin? May itsura ka naman, mabait, may dating, matalino pero bakit single ka pa rin? Pakiramdam mo tuloy forever ka nang maghihintay sa forever mo. Kailan nga ba talaga darating si “forever”?
Alam kong napakaraming problema sa mundo katulad ng global warming, ang pagkalat ng kung ano-anong sakit, ang malalakas na bagyong tumatama sa Pinas, ang matinding earthquakes sa Japan, pati na ang iba’t ibang patayan at terorismo sa mundo. Pero kahit ga’no pa karami ang problema sa mundo, hinding-hindi mo maaalis sa bawat single na tao diyan na problemahin ang pagiging NBSB, ang pagiging virgin, ang nalalapit na menopausal stage, at ang pagiging mag-isa sa buhay.
Alam kong ang hirap isipin na tumatanda kang mag-isa. Hindi ka naman incomplete because you have your friends and family with you pero iba pa rin ‘yong feeling na may nagmamahal sa ‘yong isang tao na ituturing kang forever niya. Alam ko na ayaw mong tumandang mag-isa. ‘Di ba, nakalulungkot isipin na tatanda kang walang kasama... na mamatay ka na lang single ka pa rin.
Single. Hopia. Asado. Binola-bola. Bitter Ocampo. Hopeless romantic. Desperada mode. Been there, done that. Kaya isinulat ko nga ang librong ito because I was once in your position. Kaya hayaan mong damayan kita sa pagbahagi ko ng kuwento ko noong single pa ako at unting pasulyap sa aking buhay may karelasyon. Not to boast but to inspire. If I didn’t lose hope. You shouldn’t, too. Malay mo you’ll learn something from my past stories and relate it to your own present story.
Okay lang namang maging single sa ngayon. Darating din ang taong para sa ‘yo. Tiwala lang. At habang naghihintay ka, halika sabay-sabay tayong mangarap sa pagdating ng ‘yong forever habang binabasa ang Buti Pa Ang Leron Leron May Sinta.
*****
BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO! ❤
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago
BINABASA MO ANG
Buti Pa Ang Leron Leron May Sinta by Jahric Lago (Published under TBC)
Non-FictionHighest Wattpad Rankings! 🏅🏆 #2 in Memoir (05-24-20) #4 in Autobiography (06-24-21) #5 in Self-Help (05-24-20) #13 in Essay (06-24-21) #87 in Non-Fiction (05-09-18) Single. Sa milyon-milyong tao sa mundo bakit napakarami pa ring single. Kung iisi...