Isinubo at Iniluwa
“I always fall for cute, handsome guys. Sino bang hindi?”
Once upon a time, nagutom kami ng friend ko kaya naghanap kami ng lugar kung saan kami puwedeng kumain ng isang decent meal. Habang naglalakad may nakita kaming resto na nakaka-amaze talaga. Dahil sa resto na pinuntahan namin ako’y sobrang nagandahan.
‘Yong theme ng resto nila ay parang perya na alla casino kasi may mga baraha kang makikita sa ceiling, tapos ‘yong mini-chandelier nila gawa rin sa baraha at ang ganda talaga. I loved how they put up the whole resto!
Pagkaupo, nagmadali kaming tumingin sa menu at um-order ng makakain. Excited na kami nang makita namin ang isang babaeng may hawak ng tray na magsi-serve sa ‘min ng pagkain. Pero noong sinerve na ‘yong order naming pasta, naloka ako sa lasa. ‘Yong lasa kasi ng spaghetti alla carbonara nila ay imbis na gatas ‘yong malalasahan mo ay lasang harina lang ‘yong white sauce. Mas masarap pa akong magluto ng white sauce, eh. Stress! And we lived unhappily ever after. The end.
Everytime we go out to eat, do we choose a restaurant based on its place or its taste? If only we can have both, eh di hindi na sana tayo nahihirapang mamili pa. Katulad na lang nang pagpili natin sa pag-ibig, do we always choose kung sino ‘yong pogi o kung sino ‘yong maganda ang ugali?
‘Wag na tayong mag-pretend, lahat naman tayo ang una talagang nakikita ay ang panlabas na anyo eh, kung pogi ba siya, macho, o maganda ba, sexy, maputi ang ngipin, malinis ang kuko, mabango. Lahat ‘yan ay mga panlabas na anyo at ‘yon talaga ang unang-una nating nakikita sa isang tao. Tapos tsaka na lang tayo magpo-formulate ng mas matibay na first impression kapag nakita na natin siyang maglakad, magsalita, o tumawa.
Kapag nakilala na natin ang isang tao, kapag nalaman na natin ang family background niya, ang laman ng transcript of records niya, o kung ano ba ang tunay na personality niya; doon na lang tayo nadi-develop nang tuluyan o mayroon din namang iba na nati-turn off sa mga nalaman niya about that person. Kaya pagkatapos nating mas makilala pa ang isang tao, do’n na mangyayari ang final decision mo: in or out?
Like what I said, ang pag-ibig ay parang pagkain sa isang restaurant, whether gusto mo ‘yong lugar o ‘yong food nila. At doon sa nakainan namin ng friend ko, it clearly states that I love the resto dahil sa nakaaakit nitong panlabas na anyo over the (eww) food they serve.
Mas napatunayan ko sa sarili ko na mabilis talaga akong maakit sa panlabas na anyo at kapag mas nakilala ko na, do’n lang ako makapagsasabi kung thumbs up ba o double thumbs down. Same sa guys. I always fall for cute, handsome guys. Sino bang hindi? Eyecandy, woohoo! ‘Wag ko lang malamang amoy patay na daga pala ang paa niya o may putok siya. Turn off!*****
BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO! ❤
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago
BINABASA MO ANG
Buti Pa Ang Leron Leron May Sinta by Jahric Lago (Published under TBC)
Non-FictionHighest Wattpad Rankings! 🏅🏆 #2 in Memoir (05-24-20) #4 in Autobiography (06-24-21) #5 in Self-Help (05-24-20) #13 in Essay (06-24-21) #87 in Non-Fiction (05-09-18) Single. Sa milyon-milyong tao sa mundo bakit napakarami pa ring single. Kung iisi...