My Imaginary Boyfriends
“Bumubuo ka ng isang relasyon na ikaw lang ang nagmamahal…”
Mayroon nga ba talagang “forever”? ‘Yan ang tanong ng karamihan sa mga single o sa mga hindi pa nakararanas magmahal at mahalin. Sa sobrang tagal dumating ng pag-ibig o ng forever, nawawalan ka na ng pag-asa para rito. Pero dahil sa mga palabas noon katulad ng Forevermore, On the Wings of Love, Dolce Amore, at Kalye Serye sa Eat Bulaga tumataas ang hopia level mo sa 100%. Dahil sa mga love teams na ito, nabubuhayang muli ang mga single out there na maghintay sa forever at natututunang ‘wag magsasawang umibig.
Tatlo lang ang pinaka-crush kong celebrities ngayon sa Pilipinas: si Enrique Gil, James Reid, at Alden Richards. Alam naman nating lahat kung gaano kapogi at hot si James Reid, right? ‘Yong tipong tuwing hinahalikan niya si Nadine sa labi sa palabas nila noon na On the Wings of Love, gusto mong ikaw na lang ‘yon.
Katulad na lang ng Friendship kong si Florianne, adik din siya sa mga kinaaadikan ko. Siguro kay Alden lang siya walang crush, kaya akin na si Alden ng buong-buo. Chos! Single din ‘yang si Florianne. Well, actually, ‘No Boyfriend Since Birth’ o NBSB. Kaya ‘yon, ibinigay na lang niya ang kanyang pagmamahal sa mga KPOP artists, kina James, at Enrique Gil.
Nakalulungkot namang isipin na nagmamahal ka ng mga artista na alam mo namang imposibleng mahalin ka pabalik o maski magkagusto man lang sa ‘yo. Bumubuo ka ng isang relasyon na ikaw lang ang nagmamahal, na ikaw lang ang nakaaalam. Kasi sa totoo lang, sa mga teleserye lang nangyayari ang mga eksena na si idol ay na-in love kay fan.
Kahit na sabihin mo pang gano’n, naiintindihan ko ang pinagdaraanang pagkaadik ni Florianne sa mga artista kasi alam ko namang may naibibigay din silang pagmamahal pabalik. ‘Yong mapangiti ka sa mga palabas nila, kiligin ka sa mga sweet moments nila ng ka-love team niya, o kapag nagpe-perform na sila sa stage para sa mga fans.
Ganyang-ganyan din kasi ako nang first time kong manood ng concert ni Mariah Carey sa MOA Arena noong October 28, 2014. Grabe naiyak pa nga ako nang malala nang lumabas na si Mariah eh, tapos mega sigaw ng, “Mariah!!! Mariah!!!” kahit alam kong ‘di niya ako maririnig dahil nasa Upper Box ako nakaupo. Pero hiyaw pa rin ako!
Gano’n kasi kasaya ang puso ko seeing my super idol for the first time. Iba ‘yong euphoria na naihatid nito, lampas-lampasan pa sa pagmamahal na maibibigay ng certain guy or girl. Kaya siguro nananatiling single si Florianne dahil mas nagiging masaya siya sa piling ng mga artista.
Okay rin na magmahal ka ng artista, na itrato mo sila bilang imaginary boyfriends mo. Katulad ko noon, si James sa umaga, si Alden sa Tanghali, at si Enrique naman sa gabi ang syota ko. Char! Libre ang mangarap. Haha! Kasi sa imaginary boyfriends mong ‘to hindi ka masasaktan, hindi ka nila iiwan. Habang may palabas pa sila sa TV o sinehan, magpapatuloy ang inyong pagmamahalan.
Magpasalamat tayo sa ngayon, dahil may mga love teams tayong nagbibigay saya, nagpapakilig to the bones, at siyempre ang mga nagbibigay pag-asa sa ‘tin na nariyan lang si “forever” at ang destiny ay naghihintay lang para sa tamang panahon.
*****
BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO! ❤
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago
BINABASA MO ANG
Buti Pa Ang Leron Leron May Sinta by Jahric Lago (Published under TBC)
Non-FictionHighest Wattpad Rankings! 🏅🏆 #2 in Memoir (05-24-20) #4 in Autobiography (06-24-21) #5 in Self-Help (05-24-20) #13 in Essay (06-24-21) #87 in Non-Fiction (05-09-18) Single. Sa milyon-milyong tao sa mundo bakit napakarami pa ring single. Kung iisi...