Mahabang Pila

493 24 42
                                    

Mahabang Pila

“Magtitiyaga ka na lang bang maghintay or is it better to take the shortcut and take the risks?”



Ang pag-ibig, para ‘yang napakahabang pila sa pagbili ng ticket sa MRT station, pila para makasakay ng jeep tuwing rush hour, o pagpila sa Eat Bulaga para maging studio audience. Mahaba. Mainit. Nakaka-badtrip. Pero kahit na may choice tayong piliin ang madaling paraan pinipili pa rin natin ang mas mahirap na ruta. Kasi at the end of the day, iba pa rin ang satisfaction ‘pag nakarating ka na sa iyong paroroonan.

Parang pag-ibig, kahit alam nating may shortcut mas gusto pa rin nating pinaghihirapan ang isang bagay para makuha ito; kaya nga ‘yong mga lalaki mega-ligaw pa kay ateng, eh. May pa-flowers, chocolates, ‘yong iba may pa-love letters pa. Traditional way pero mas nakakikilig, aminin? At katulad ng pagbili mo ng ticket sa MRT at sa paghihintay mong dumating ang taong magmamahal sa ‘yo, you just need to believe that great things come to those who wait. But the question is, hanggang kailan ka maghihintay?

Minsan nakasasawa ring maghintay sa isang napakahabang pila. Bakit ka nga naman maghihintay kung mayroon namang ibang choices, kung may iba namang paraan para makamit mo ang gusto mo, maski ang tinutukoy ko man ay tungkol pa rin sa pagsakay ng MRT o sa pag-ibig na hanggang ngayo’y hinihintay mo pa rin. Sige, sabihin nating iba ang satisfaction kapag pinaghirapan. But isn’t it just prolonging the agony of being alone and lonely? Magtitiyaga ka na lang bang maghintay or is it better to take the shortcut and take the risks?

Nangyari ‘to sa akin isang araw, naisipan kong tahakin ang shortcut. Sobrang badtrip ko na kasi sa MRT Ayala station to the point na halos 48 years na akong nakapila para lang makasakay ng MRT. Grabe, kung nakapunta ka na sa Ayala station just imagine ‘yong pila ay simula sa bilihan ng ticket, tapos daraan ng KFC, at iikot sa mga bilihan at pagawaan ng cellphone. Imagine that? And take note, three lines ang pila namin, ang dami naming tao do’n. Daig pa namin ang mahabang pila sa rollercoaster ride sa Star City.

I decided to quit waiting and stepped out of the line. Humanap ako ng ibang paraan para makauwi sa bahay. Then, I thought of riding the bus. Sa bus, walang pila, hindi ako naghintay at higit sa lahat nakaupo pa ako! Sa tingin mo tama ba ang naging desisyon ko on taking the “shortcut” or finding another way to go home? Kalma ka lang, hindi pa happily ever after ‘to. Kasi kahit na nakaupo ako at chill na sa loob ng bus, kalokang apat na oras na biyahe naman ang naranasan ko. Stress much! Ano ‘to biyaheng Pangasinan? Grabe sa grabe ang traffic jam sa EDSA. ‘Yong isang oras na biyahe ko sana sa MRT ay naging apat. Very good talaga.

Moral of the story? Maghintay ka lang, ‘wag atat. Siguro, this can be applied to love as well. I mean, kung willing kang maghintay, go! Pero if you’re not willing to wait then bare to handle the consequences you might face sa pakikipagrelasyon na lang agad-agad for the sake of may masabing boyfriend ka na. The choice is yours to make.

*****

BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO! ❤
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Buti Pa Ang Leron Leron May Sinta by Jahric Lago (Published under TBC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon