Pose Pa More, Poser Pala!
“Hanggang nagka-chat na kami, super landi niya sa ‘kin. Ako naman ‘tong gullible ay pinatulan ang paglalandi niya sa akin.”
Mabilis akong mag-confirm ng friend requests sa Facebook. Nagsimula ito noong maging Public Information Officer ako sa Student Council namin sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina (PLMar). Kasi nga tagapaghatid ako ng mga announcement kung may pasok ba o wala sa mga PLMarians kapag bumabagyo na sa Marikina.
Naging malala pa ang basta-bastang pag-confirm ko na lang sa mga friends sa Facebook nang maging Editor-in-Chief naman ako ng University paper namin. Siyempre maliban sa pag-aanunsiyo ay nilalapitan na rin ako ng mga students para sa news about sa school at sa mga events na iko-cover ng team namin.
Pagka-graduate ko, hindi pa rin nawala sa ‘kin ang mag-confirm na lang agad-agad ng mga friends sa Facebook. Kasi nga, writer at published author na ako. Malay mo mga reader ko pala ‘yong nag-a-add sa ‘kin baka masabihan pa akong, “peymus na, popolar pa!” Char! Kaya confirm lang nang confirm! Because I don’t know who I’m leaving out.
Kapag may nakalagay namang “WP” after ng name nila, ‘yon ay kino-confirm ko agad kasi mga Wattpad writers ‘yon saka baka reader ko pala sila. O kaya naman kapag may “Lamb”, “Carey” o “Mariah” sila sa name nila ay kino-confirm ko rin agad ang friend requests nila kasi alam kong mga Mariah Carey fan sila katulad ko.
Noon, kapag may nag-a-add sa ‘kin sa Facebook chine-check ko muna ang profile kapag lalaki. Haha! Kasi gusto kong makita kung cute ba o pogi ‘yong nag-add sa ‘kin. Dahil sa the moves kong kalandian na ito, ilang beses na akong na biktima noon ng mga letseng posers na ‘yan. Ganito na lang, I will enumerate ang mga klase ng posers sa Facebook na na-encounter ko na.
• Poser #1 – Noong nasa college pa ako ay may nag-add sa ‘king lalaki. Ang pogi talaga ni kuya. Chineck ko ang Facebook photos niya, ang dami naman niyang pictures kaya kampante akong legit ‘yong account. Saka wala pa sa isip ko noon ang poser-poser na ‘yan. Tapos hanggang nagka-chat na kami, super landi niya sa ‘kin. Ako naman ‘tong gullible ay pinatulan ang paglalandi niya. Hanggang nang niyaya ko na siyang makipagkita sa ‘kin tapos hindi na siya nag-reply pa. Kinuwento ko sa mga kaibigan ko ang bago kong kalandian sa Facebook, siyempre excited sila for me tapos nang makita ng isa naming classmate sabi niya sa ‘kin na poser lang daw ‘yon. Sabi ko, “Anong poser?” Sagot niya, “Wait lang, ha.” Kinuha niya ‘yong cellphone niya at may sinearch siya. Tapos may pinakita siyang lalaki sa ‘kin na kamukha talaga ni Poser #1. Kaya pala hindi na siya nag-reply nang magyaya ako ng eyeball. Tae siya! Binago niya pa ‘yong pangalan niya sa Facebook, hindi naman pala siya ‘yon. Ginamit niya lang ang pictures ng isang poging lalaki para siguro makipaglandian o mang-scam.
• Poser #2 – Ito naman ‘yong mga usual na posers na makikita natin sa Facebook. Ang pogi ng profile picture niya: ang puti, matangos ang ilong, mukhang fresh na fresh. Kaya ‘yon, in-add ko agad tapos no’ng kinonfirm niya na ako aba malaman-laman kong iisa lang ‘yong picture. ‘Yong mismong profile picture lang niya tapos makikita mong matagal nang ginawa ‘yong Facebook account pero bilang pa lang ‘yong friends. Imposibleng sobrang pogi tapos lima lang ‘yong friends. ‘Wag niyo akong lokohin, ‘wag ako! Haha! Kaya ‘yon, unfriend.
• Poser #3 – Same rin ‘to halos ng Poser #2, ang pogi sa profile picture kaya kinonfirm ko ang friend request niya. Tapos nang mag-browse na ako ng mga pictures, ang dami ngang pictures pero ‘yong poging profile picture ay tatlo lang, the rest ay ‘yong totoong itsura na niya na hindi kaaya-aya. Mapagpanggap para makahakot ng friends. Pwe! ‘Yon, unfriend din siya.
• Poser # 4 – May mga friends ka naman sa Facebook na malalaman mo lang na poser kapag may hiningi na sa iyong ibang bagay. Katulad nang macho papa na nag-add sa ‘kin, siyempre si-confirm agad ako kasi ka-member ko siya sa isang Facebook group. Ang hot talaga ni kuya pero may iba pala siyang balak sa ‘kin. Gusto niyang pagsamantalahan ang aking katawan, este, pagsamantalahan ang aking bulsa. Haha! Nag-message pa siya sa ‘kin na kesyo stranded daw siya dahil sa malakas na ulan kaya need niya ng load para tawagan ‘yong manong driver niya, paloadan ko daw siya ng P100. Hoy! Marupok lang ako pero hindi ako tanga ‘no. Kaya tinanong ko agad sa isang friend ko na ka-member ko din sa Facebook group kung kilala ba niya si Poser #4 at sinabi ko nga ang minessage niya sa ‘kin na nanghihingi ng load. Nagulat ako nang sabihin ng friend ko na nanghingi din daw iyon ng load sa kanya, P50 daw kaya niloadan naman ni bakla. Tapos nagulat siya sabi ay kinain daw ‘yong load kaya humirit pa kung puwedeng pa-load daw ng P100. Wow ha! Kumikitang kabuhayan, modus na ito! Kaya ‘yon, blocked!
• Poser #5 – Sila naman ‘yong mga favorite kong posers katulad nila Senyor Barba, Lola Engkantada, at Pusang Gala. Mga posers sila na nagsisiwalat ng mga issues sa school namin dati. Magugulat ka na lang na punong-puno ‘yong Facebook group ng University namin with all their exposés at exclusive news. Alam ko sign of cowardice ‘yong magpanggap bilang isang kathang-isip na karakter sa Facebook para lang makapagsabi ng mga saloobin pero marahil ay pinoproketahan lang nila ang kanilang sarili dahil alam nilang malalaking tao ang kanilang binabangga.
Maliban sa kanila mayroon ding iba’t ibang posers na naghahatid naman ng saya katulad na lang ni Senyora Santibañez (woohoo, proud Hampaslupa here! Haha!). Mga karakter sa Facebook a.k.a. Facebook meme na nagpapangiti talaga sa ‘tin. Lalo na ‘yang si Senyora Santibañez, ever since follower na niya ako, simula noong Kontrabida Memes pa ang name ng Facebook page niya at binago na ang pangalan sa Senyora Santibañez nang ito’y ma-hacked. Nakatatawa kasi talaga ang mga hirit niya na mga Facundo etchos pati na rin mga simpleng banat sa dating gobyerno at sa mga Hampaslupang chaka! Haha!
Alam ko namang naka-relate ka sa mga sinabi kong posers sa Facebook kasi na-encounter mo na rin sila. Kaya ‘wag masyadong maglandi sa Facebook, hindi mo alam poser lang pala ‘yon. I’ve learned my lesson na, ‘wag ipagkatiwala agad ang puso’t kaluluwa sa mga taong makikilala lang sa Facebook, poser man ito o hindi. Better be safe than sorry.
*****
BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO! ❤
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago
BINABASA MO ANG
Buti Pa Ang Leron Leron May Sinta by Jahric Lago (Published under TBC)
Non-FictionHighest Wattpad Rankings! 🏅🏆 #2 in Memoir (05-24-20) #4 in Autobiography (06-24-21) #5 in Self-Help (05-24-20) #13 in Essay (06-24-21) #87 in Non-Fiction (05-09-18) Single. Sa milyon-milyong tao sa mundo bakit napakarami pa ring single. Kung iisi...